03/08/2026
"Wikang Filipino at Makabagong Teknolohiya: Kasangkapan sa Pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa Makabagong Panahon."
Malugod po naming inaanyayahan ang mga kabataan na makiisa sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.
Sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan ng ating wikang Filipino at kulturang Pilipino habang higit nating pinapahalagahan ang Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng iba't ibang gawaing inihanda, nawa'y maipakita natin ang ating mga talento at gamitin ang mga ito sa ikaluluwalhati ng Panginoon.
📌 Mga Inihandang Gawain:
🎨 Poster Making
📖 Sabayang Pagbigkas
📝 Pagbigkas ng Tula
🎭 Dulang Biblikal
💃 Sayaw ng Kulturang Pilipino
"Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo ang Mabuting Balita sa lahat ng tao."
— Marcos 16:15