BHS San Diego

  • Home
  • BHS San Diego

BHS San Diego Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BHS San Diego, Community Center, Brgy. San Diego, .

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan:  💧 Waterborne diseases – mula sa maru...
06/06/2025

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan:

💧 Waterborne diseases – mula sa maruming tubig
🤒 Influenza-like illnesses – trangkaso / lagnat, ubo, sakit ng katawan
🐀 Leptospirosis – galing sa ihi ng daga na nasa baha
🦟 Dengue – dala ng kagat ng Aedes aegypti na namamahay sa naipong tubig

Antabayanan ang karagdagang impormasyon para maiwasang magkasakit.

📞 Masama ang pakiramdam? Tumawag sa Telekonsulta Hotline 1555 (Press 2) para sa mabilis na konsultasyon!




Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue! Ipagpatuloy natin ang ating nas...
06/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





‼️📣📣❌No to ci******es❌No to va**ng
06/06/2025

‼️📣📣
❌No to ci******es
❌No to va**ng

😁 SMILE NAMAN DIYAN!!

🤢 Tag your friend na mabaho ang hininga at naninilaw ang ngipin dahil sa yosi! Patingin nga ng photo diyan?

✨ Sabihin mo, "Sayang ang kalusugan mo, sayang pa ang ngiti mo sanang pang-world class!"

🚭 Kaya, 'Wag magyosi! 'Wag magvape!

📞 Para maibalik ang ganda ng ngiti mo, tumawag sa DOH Quitline 1558.

"

06/06/2025

Dahil sa mga nararanasang pabago bagong panahon, nagpaalala ang DOH na maaaring magdala ito ng mala-trangkasong sakit o influenza like illeness (ILI).

Panoorin kung paano makaiiwas dito, gayun din sa banta ng leptospirosis dahil sa mga biglaang baha matapos ang pagbuhos ng ulan.

Ayon sa PAGASA, maaaring maging maulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao at Palawan dahil sa ITCZ; habang magiging maulap naman na may kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila dahil sa Easterlies.

Source: https://www.facebook.com/share/v/192uJqS4hs/?mibextid=wwXIfr

08/05/2025

Magandang umaga po!

Pansamantala po muna walang konsultasyon at bigayan ng gamot sa BHS San Diego bukas, Biyernes-May 9, 2025.

May gawain at programa lang po kami sa kabilang barangay.

Maraming Salamat po.

Mga Mommy, sundin po natin ang Bagong Iskedyul para sa proteksyon nyo ni baby🤗Bukas po ang BHS San Diego tuwing Huwebes ...
06/05/2025

Mga Mommy, sundin po natin ang Bagong Iskedyul para sa proteksyon nyo ni baby🤗

Bukas po ang BHS San Diego tuwing Huwebes ng 9:00am - 11:00am para sa Check-up ng mga Buntis.

Magkita-kita po tayo🤗🤗🤗

🤰Mommy, kumpletuhin ang iyong antenatal check-ups upang matiyak na ligtas ang iyong pagbubuntis. 🩺

🗓️ Sundin ang iyong 1-2-5 schedule:

✅1 check up sa unang trimester;
✅ 2 check up sa pangalawang trimester; at
✅ 5 check up sa ikatlong trimester

🏥👨‍⚕️ Kumonsulta sa health centers upang matiyak na ligtas ang iyong pagbubuntis.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buntis Mahalaga.




Magandang umaga, mga Ka- San Diego! Inaanyayahan  po ang lahat ng mga Buntis, kakapanganak pa lamang o naghahanda pa lam...
29/04/2025

Magandang umaga, mga Ka- San Diego!

Inaanyayahan po ang lahat ng mga Buntis, kakapanganak pa lamang o naghahanda pa lamang para mabuntis o maging isang ina sa isang Lecture Awareness na From Bump to Baby and Beyond: A Comprehensive Guide for Mothers.

Kailan: April 30, 2025 - Miyerkules
Saan: Rizal Park, Luisiana, Laguna.
Oras: 8:30 ng umaga

Kasama po ng pagbibigay ng lecture ay pamamahagi din ng ilang mga kagamitan at commodities.

Ekslusibo po ito sa napiling priority area ng PuroKalusugan: Brgy. San Antonio, San Diego at San Isidro.

Magkita-kita po tayo at sama- samang magkaroon ng kaalaman.
Maraming Salamat po!

Address

Brgy. San Diego

4032

Opening Hours

Monday 09:00 - 16:00
Tuesday 09:00 - 16:00
Wednesday 09:00 - 16:00
Thursday 09:00 - 16:00
Friday 09:00 - 16:00

Telephone

+639612576820

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS San Diego posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BHS San Diego:

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share