02/02/2026
May mga needs tayo pero yung mga wala pa sa LORD mas matindi ang need nila kasi empty nila, wala pang Diyos na nalalapitan at nakakapitan, wala pang mga pangakong pinanghahawakan, at wala pang kaligtasan na inaasahan. Ang tingin nila nakatuon pa sa temporary things of this world, kaya laging inaalala ang mga materyal na bagay na naluluma, nasisira at nauubos. Patuloy pa silang gumagawa ng mga bagay na gusto ng mata, gusto ng laman at tingin nilang mahalaga sa buhay pero hindi kalooban ng Diyos. Puno pa sila ng takot, hiya, galit, lungkot, yabang, kalaswaan, katamaran, inggit, o kasakiman. Naniniwala pa sila na kayang i-offset ng magagandang asal o gawa nila ang mga masasama nilang nagawa.
Hindi sila masaya. Kailangan nila ang Diyos.
May kakayahan kang ipakilala ang Diyos sa kanila.
Kailangan mo lang ikwento Siya.
Kung paano ka Niya minahal, binago at patuloy na pinagpapala.
Nagawa mo na ba?