Emilio V. Quizon NHS - SSLG

Emilio V. Quizon NHS - SSLG Official page for updates, announcements, and activities of the Supreme Secondary Learner Government (SSLG) of Emilio V. The official page of Emilio V.

Quizon National High School—featuring school events, projects, and other EVQNHS-related information. Quizon National High School Supreme Secondary Learner Government.

Araw ng Kagitingan 🇵🇭Nakikiisa ang SSLG sa pag-alala sa tapang at sakripisyo ng ating mga bayani.Their bravery inspires ...
09/04/2026

Araw ng Kagitingan 🇵🇭
Nakikiisa ang SSLG sa pag-alala sa tapang at sakripisyo ng ating mga bayani.
Their bravery inspires us na maging responsable, makiisa, at tumayo para sa tamaeven in simple ways sa school at sa community.
As student leaders, we continue to lead with courage and purpose.
Para sa bayan, para sa kabataan.

✍️|🖼️: Alfred Boltron ( SSLG Vice President )

🎓 TRIBUTE TO OUR FORMER SSLG OFFICERS 🎓Batch 2024–2025Congratulations sa ating Former SSLG Officers na matagumpay na nak...
31/03/2026

🎓 TRIBUTE TO OUR FORMER SSLG OFFICERS 🎓
Batch 2024–2025

Congratulations sa ating Former SSLG Officers na matagumpay na nakapagtapos ng Grade 12! Isang karangalan para sa buong SSLG na masaksihan ang bunga ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa parehong akademiko at pamumuno.

Taos-pusong pasasalamat sa Former SSLG Officers Batch 2024–2025 sa kanilang mahalagang ambag at tapat na paglilingkod sa ating paaralan.

Kayo ang kauna-unahang batch ng mga opisyal sa ilalim ng paggabay ng ating SSLG Adviser na si Sir Fhil Crisaldy C. Barrion, at sa inyong pamumuno ay naitatag ang isang bagong mandato na puno ng dedikasyon, malasakit, at taos-pusong hangaring makapaglingkod sa kapwa mag-aaral at sa buong komunidad ng paaralan.

Ang inyong sinimulan ay nagsilbing matibay na pundasyon ng mga programang nagpapatibay sa pagkakaisa, disiplina, at pakikiisa ng bawat mag-aaral. Ilan sa mga proyektong inyong nasimulan ay patuloy pa ring isinasagawa hanggang sa kasalukuyang School Year 2025–2026, patunay na ang inyong mga adhikain ay may pangmatagalang epekto at nagsisilbing inspirasyon upang maipagpatuloy pa ito sa mga susunod na taon.

Ang inyong sipag, tiyaga, at kagustuhang tumulong ay nagbigay inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga lider upang ipagpatuloy ang mga programang naglalayong mapabuti ang ating komunidad ng paaralan.

Maraming salamat sa inyong pamumuno at sa mga pagbabagong inyong sinimulan. Ang inyong legasiya ay mananatiling bahagi ng kasaysayan ng SSLG at magsisilbing gabay sa mga susunod pang lider.

Once an SSLG Officer, always a leader.

With gratitude and pride,
FROM YOUR SSLG FAMILY 💙✨

🎓🏆 Congratulations, Mario U. Bosotros! 🏆🎓Isang taos-pusong pagbati kay Mario U. Bosotros sa kanyang matagumpay na pagtat...
31/03/2026

🎓🏆 Congratulations, Mario U. Bosotros! 🏆🎓

Isang taos-pusong pagbati kay Mario U. Bosotros sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa Grade 12 Senior High School – TVL Track!

Lubos din naming ipinagmamalaki ang kanyang pagtanggap ng Leadership Award, isang parangal na ibinibigay lamang sa piling mga mag-aaral na nagpakita ng natatanging pamumuno, dedikasyon, at malasakit sa kapwa. Ang medalya na ito ay simbolo ng kanyang commitment, responsibility, at tunay na kagustuhang tumulong sa iba.

Karapat-dapat ang award na ito para sa iyo Mario, sapagkat kahit hindi ka pa opisyal na bahagi ng SSLG noon ay aktibo ka nang tumutulong sa mga gawain ng organisasyon noong pamumuno ni President Kail Aguirre (2024–2025) — mula sa District Athletic Meet, Project CLEAR, SSLG Caroling, paghahanda ng mga events, at iba pang gawain kung saan kinakailangan ang tulong. Ipinakita mo na ang tunay na lider ay handang maglingkod kahit walang titulo.

Hanggang sa maging bahagi ka ng SSLG ngayong school year, mas lalo mo pang ipinakita ang iyong dedikasyon at leadership. Ibinahagi mo ang iyong oras at kakayahan upang makapaglingkod at makatulong sa kapwa mag-aaral.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at inspirasyon sa kapwa mag-aaral. Nawa’y ipagpatuloy mo ang iyong mabuting halimbawa sa susunod mong yugto.

Padayon at mabuhay ka! 🌟👏

Maraming Salamat po EVQNHS! Sa bawat sakripisyo, pagod, at pagsubok—narito kami ngayon, dala ang isang tagumpay na hindi...
30/03/2026

Maraming Salamat po EVQNHS!

Sa bawat sakripisyo, pagod, at pagsubok—narito kami ngayon, dala ang isang tagumpay na hindi lamang para sa amin kundi para sa buong paaralan. 🏅 Ang sertipiko at medalya na aming natanggap ay sumasalamin sa dedikasyon ng Supreme Secondary Learner Government sa tapat na paglilingkod at sa malasakit para sa kapwa. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa amin, lalo’t higit sa aming SSLG Adviser na si Sir Fhil Crisaldy C. Barrion, sa aming School Principal na si Sir Jonathan Ceasar A. Mendoza, sa Head Teacher na si Sir Jeymark Genton, sa mga kaguruan, at sa lahat ng organisasyon ng Emilio V. Quizon National High School. Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon upang mas lalo pa naming paghusayin ang aming misyon at layunin bilang mga lingkod ng paaralan. Patuloy kaming magsisilbi nang may puso at integridad. 💙✨

Kung babalikan namin ang simula ng aming mandato bilang Supreme Secondary Learner Government 2025–2026, hindi naging madali ang lahat. Maraming hamon ang aming hinarap—mga responsibilidad na kailangang pagsabay-sabayin, mga inaasahan na kailangang maabot, at mga desisyong kinakailangan naming panindigan. May mga plano na hindi agad naisakatuparan at may mga pagkakataon na kami rin ay nagduda kung kakayanin pa ba namin. May mga sandali na kinailangan naming mag-adjust, magsimula muli, at tanggapin na hindi lahat ng aming ninanais ay agad matutupad.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, natutunan naming kahit mahirap, may saya pa rin sa paglilingkod. Sa bawat pagtutulungan, sa bawat maliit na tagumpay, at sa bawat pagkakataong nakakatulong kami sa kapwa, doon namin napatunayan na worth it ang lahat ng aming pagsisikap. Sa bawat pagsubok, pinili naming magpatuloy—pinili naming magtulungan, matuto mula sa pagkakamali, at gawing lakas ang bawat kahinaan. Dahil para sa amin, ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi kung paano ka patuloy na lumalaban at nagsisilbi kahit hindi madali ang daan.

Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala, kundi isang paalala na ang tunay na pamumuno ay nakabatay sa serbisyo, katatagan, at pusong handang tumulong sa iba.

Sa lahat ng naging bahagi ng aming mandato, maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Hindi namin ito mararating kung wala kayo. Ang paglalakbay na ito ay maaaring hindi naging madali, ngunit ito ay naging makabuluhan at lalo kaming pinatatag bilang mga lider at bilang mga kabataan na handang maglingkod para sa kapakanan ng aming paaralan at komunidad. 💙🏅✨

SSLG Batch 2025-2026 Signing Out!

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga SSLG Officers na pinarangalan bilang With Honors, With High Honors, at Academic A...
30/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga SSLG Officers na pinarangalan bilang With Honors, With High Honors, at Academic Achievers, gayundin sa mga tumanggap ng Special Award: Medal of Commitment and Responsibility noong Recognition Day 2026 at sa araw ng kanilang Graduation.

Ang bawat medalya ay sumasalamin sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon—patunay na ang pagsusumikap ay nagbubunga ng tagumpay. Ipinagmamalaki namin kayo bilang mga lider na nagsilbi sa paaralan nang may puso, integridad, at malasakit.

Lubos ang aming pasasalamat kina Sir Fhil Crisaldy C. Barrion, Sir Jonathan Caesar A. Mendoza, at Sir Jaymark Genton, pati na rin sa mga magulang, kaguruan, at mga kapwa mag-aaral, sa patuloy na suporta at paggabay sa amin.

Keep striving, keep dreaming—your efforts will always be worth it. ✨

Mula sa inyong SSLG Family 💙
God bless! 🙏

Congratulations to all the awardees of Recognition Day 2026 and to our dear graduates! 🎓🏆Recognition Day : March 27, 202...
30/03/2026

Congratulations to all the awardees of Recognition Day 2026 and to our dear graduates! 🎓🏆

Recognition Day : March 27, 2026
Moving up & Graduation : March 30, 2026

Ang bawat medalya at pagkilala ay bunga ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon—patunay na ang bawat paghihirap ay may magandang bunga. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong pagbutihin ang inyong pag-aaral at abutin ang inyong mga pangarap.

Bilang Supreme Secondary Learner Government, isang malaking karangalan para sa amin na maging bahagi ng makabuluhang araw na ito. Hindi naging madali ang aming paglalakbay bilang mga lingkod ng paaralan, ngunit sa kabila ng lahat ng hamon, pinili naming magpatuloy at magsilbi nang may puso at integridad. Ngayon, makita ang bunga ng aming pagsisikap ay tunay na fulfilling at nakakaproud.

Lubos ang aming pasasalamat kay Sir Fhil Crisaldy C. Barrion, aming SSLG Adviser, sa pagbibigay ng medalya para sa mga SSLG officers—isang simbolo ng tiwala at pagpapahalaga sa aming paglilingkod. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Sir Jonathan Ceasar A. Mendoza, aming School Principal, sa patuloy na suporta, tiwala, at inspirasyon sa amin bilang mga estudyanteng lider. Gayundin kay Sir Jeymark Genton, Head Teacher, sa walang sawang paggabay at paghubog sa amin upang mas maging mahusay sa aming tungkulin.

Sa lahat ng mga estudyante, g**o, at sa buong komunidad ng paaralan, maraming salamat sa inyong suporta at paniniwala sa kakayahan ng bawat isa.

Keep striving, keep dreaming, and always remember—your efforts will always be worth it. ✨

🌱🏆 PROJECT CLEAR: 3rd & 4th Quarter Winners 🏆🌱March 23, 2026🏆 Third Quarter Winners:🥇 1st Place – Sampaguita🥈 2nd Place ...
30/03/2026

🌱🏆 PROJECT CLEAR: 3rd & 4th Quarter Winners 🏆🌱
March 23, 2026

🏆 Third Quarter Winners:
🥇 1st Place – Sampaguita
🥈 2nd Place – Narra
🏅 4th Place – Gumamela

🏆 Fourth Quarter Winners:
🥇 1st Place – Sampaguita
🥈 2nd Place – Daisy
🥉 3rd Place – Molave

The winners received cleaning materials such as brooms, dustpans, and floor rags from SSLG funds.

👏 Congratulations to all winners!

Happy Birthday, Sir Jan Federic D. Conde! 🎉Wishing you a wonderful day filled with happiness, good health, and all the t...
28/03/2026

Happy Birthday, Sir Jan Federic D. Conde! 🎉

Wishing you a wonderful day filled with happiness, good health, and all the things that make you smile. Thank you for being a great Math teacher and an inspiring basketball coach your guidance means a lot to us.May this new year of your life bring you more success, blessings, and memorable moments. Enjoy your special day, Sir!

✍️|🖼️: Alfred Boltron ( SSLG Vice President )

💧 Project H.Y.D.R.A.T.E. Year 2 💧Muling isinagawa simula noong March 16, 2026 ang Project H.Y.D.R.A.T.E. (Helping Youth ...
21/03/2026

💧 Project H.Y.D.R.A.T.E. Year 2 💧

Muling isinagawa simula noong March 16, 2026 ang Project H.Y.D.R.A.T.E. (Helping Youth Drink Refreshing and Accessible Thirst-Quenching Essentials), isang inisyatibo ng Emilio V. Quizon National High School na naglalayong magbigay ng malinis at madaling ma-access na inuming tubig para sa mga mag-aaral, lalo na sa panahon ng matinding init ng panahon.

Sa pamamagitan ng libreng water stations, information dissemination, at suporta ng komunidad, patuloy na itinataguyod ng proyekto ang kahalagahan ng tamang hydration, kamalayang pangkalusugan, at ang pangkalahatang kapakanan ng bawat mag-aaral.

Lubos na naging matagumpay ang pagsasagawa ng proyekto sa tulong nina:
✨ SSLG Grade 11 Representative – Emalyn E. Marsonia
✨ SSLG Grade 9 Representative – Ermalyn P. Lopez
✨ SSLG Vice President – Alfred F. Boltron
✨ SSLG President – Jessel H. Magro

Ang Project H.Y.D.R.A.T.E. Year 2 ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng SSLG sa pagbibigay ng mga programang may malasakit sa kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral.

💙

📢 EVQNHS SSLG Financial Transparency Report | School Year 2025–2026 💙📊In line with our commitment to transparency and ac...
21/03/2026

📢 EVQNHS SSLG Financial Transparency Report | School Year 2025–2026 💙📊

In line with our commitment to transparency and accountability, the Supreme Secondary Learner Government (SSLG) of Emilio V. Quizon National High School would like to present a summary of its financial status for the School Year 2025–2026.

At the beginning of the school year, it is important to note that no new funds were collected for the SSLG. The organization operated using the remaining funds endorsed by the previous SSLG batch (S.Y. 2024–2025) amounting to ₱9,538.00.

In addition, the SSLG conducted income-generating activities during the year, successfully raising a total of ₱8,300.00. These funds were carefully utilized to support distribution of school supplies and outreach program.

Throughout the school year, the SSLG implemented multiple projects, events, and activities, including the restocking of materials and the purchase of prizes for school events. The total expenditures for these initiatives amounted to ₱3,942.00, ensuring that all expenses were properly allocated and documented.

After all expenses, the SSLG was able to maintain the following remaining balances:
🔹 ₱5,596.00 – Remaining balance from utilized funds
🔹 ₱438.00 – Remaining funds from Project H.Y.D.R.A.T.E.
🔹 ₱745.00 – Remaining balance from income-generating activities

In total, the SSLG will be able to turn over ₱6,779.00 to the next set of student leaders, the SSLG Batch 2026–2027, to support their future programs and initiatives.

These financial details were also formally presented during the State of the Learner Government Address (SOLGA) held on February 24, 2026, led by SSLG Treasurer Shantal Mae P. Suan, in front of the students and teachers of EVQNHS—further strengthening the organization’s commitment to openness and accountability.

This financial report reflects the SSLG’s dedication to responsible financial management, ensuring that all resources are used efficiently for the benefit of the student body. Every peso was handled with integrity and with the goal of delivering meaningful and impactful projects.

We extend our gratitude to everyone who supported our activities and contributed to the success of our programs. Rest assured that the SSLG will continue to uphold the values of honesty, transparency, and accountability in all its endeavors. 💙





Happy Birthday, Sir Sem C. Rosello! 🎉As the dedicated and reliable person in charge of our school library and a passiona...
21/03/2026

Happy Birthday, Sir Sem C. Rosello! 🎉
As the dedicated and reliable person in charge of our school library and a passionate teacher, you continue to inspire students by sharing knowledge, guiding us with patience, and creating a space where learning truly thrives. Your commitment to both teaching and managing the library makes a meaningful impact on our academic journey. Thank you for your service, and may your day be filled with happiness, good health, and continued success!💙

✍️|🖼️ : Alfred Boltron ( SSLG Vice President )

📢 EVQNHS SSLG | State of the Learner Government Address (SOLGA) 2026 🎤✨The Supreme Secondary Learner Government (SSLG) o...
21/03/2026

📢 EVQNHS SSLG | State of the Learner Government Address (SOLGA) 2026 🎤✨

The Supreme Secondary Learner Government (SSLG) of Emilio V. Quizon National High School successfully conducted its State of the Learner Government Address (SOLGA) last February 24, 2026, at the EVQNHS Covered Court. 🎉

The event served as a platform to present the accomplishments, projects, and financial report of the SSLG for the School Year 2025–2026. It highlighted the dedication, leadership, and initiatives of student leaders in serving the school community. 📊📌

Different parts of the program were carried out smoothly—from the opening prayer and remarks, to the delivery of the State of the Learner Government Address by the SSLG President, the presentation of the accomplishment report, and the financial report. The activity concluded with short messages from each SSLG officer, expressing their heartfelt gratitude to the individuals who supported and guided them throughout their mandate. This was followed by the awarding of certificates and a photo opportunity, recognizing the efforts and contributions of those who played a vital role in the success of the SSLG’s programs.

This meaningful event reflects the SSLG’s strong commitment to transparency, accountability, and genuine service to every learner. It also allowed students, teachers, and stakeholders to witness the impact of student-led initiatives throughout the school year. 💙

Indeed, SOLGA 2026 stands as a testament to active student leadership and a continuing effort to build a more responsive and empowered school community.






Address

Brgy. Talisay, Sitio Tubigan
San Andres
4314

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Emilio V. Quizon NHS - SSLG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share