08/06/2026
๐๐ฅ๐จ๐ญ ๐๐ข๐ฏ๐๐ซ, ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐ซ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐จ-๐ฅ๐๐๐ซ๐ง๐๐ซ๐ฌ
Hindi ordinaryong paglalakad sa tabing-ilog ang sumalubong sa eco-learners sa ikalawang araw ng Nature and Climate School (NCS) Eco-Learning Camp sa Ulot River vicinity, Brgy. Tenani, Paranas, kundi isang masusing pagtingin sa buhay na umiikot sa tubig at mga ekosistemang kaakibat nito.
Sa pangunguna ni Dr. Edelyn Echapare ng Samar State UniversityโEnvironmental Sustainability Research and Development Center (SSU-ESRDC), isinagawa ang riparian walk kung saan tinukoy at inobserbahan ng mga kalahok ang kondisyon ng riverbanks at ang kahalagahan ng mga riparian zones sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng ilog.
Bilang bahagi ng aktibidad, kumuha rin ng water sample mula sa ilog na ginamit sa sumunod na segment na โWater Scientist of the Day.โ
Sa tulong ni Andres Sequito III ng SSU-ESRDC, aktuwal na sinuri ng mga eco-learners kung ang tubig ay acidic o basic, na nagbigay sa kanila ng konkretong pag-unawa sa konsepto ng water quality assessment.
Dagdag pa sa araw ng pagkatuto, ipinakilala rin ang isang bagong segment sa eco-learning camp na nakatuon sa paunang kaalaman sa renewable energy.
Pinangunahan ito ni Jonah Radaza, Project Development Officer ng Ulot Watershed Model Forest (UWMF), kung saan tinalakay ang mga pangunahing ideya sa malinis at sustenableng pinagkukunan ng enerhiya.
Sa gitna ng paglalakad sa pampang ng Ulot at mga hands-on na aktibidad, mas lalong naging malinaw sa mga eco-learners na ang kalikasan ay hindi lamang pinagmamasdan; ito ay sinusuri, inuunawa, at pinangangalagaan.