26/04/2026
SAN RAFAEL SAINTS, NAGWAGI SA OPENING NG BASKETBALL LEAGUE
Buong galak na lumahok ang San Rafael Saints – Senior at Super Senior Basketball Team sa pagbubukas ng 1st Cong. Tom, Gov. Nina, Mayor Ronnie, Vice Umpek at Konsi Manok Basketball League noong Abril 19, 2026 sa Ynares Stadium.
Sa kanilang unang laban, agad na nagpakitang gilas ang koponan matapos talunin ang San Jose Tigers, na nagsilbing matibay na panimula sa kanilang kampanya sa liga.
Naging espesyal din ang okasyon sa pagdalo ng panauhing pandangal na si James Yap, na nagbigay inspirasyon sa mga manlalaro.
Patuloy namang ipinahayag ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael ang kanilang suporta sa koponan sa pangunguna ni Kapitan Judith Cruz, kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.