03/08/2026
Youth Conference Online Battle: Part IV (Finale)
Topic: "Klasmeyt, okey ka lang?"
Minsan, ang simpleng tanong na "Klasmeyt, okey ka lang?" ay maaaring maging simula ng pag-asa para sa isang taong tahimik na may pinagdaraanan.
Sa ating Youth Conference Online Battle: Part IV (Finale), ipinaalala sa atin ni Ptr J.A kahalagahan ng tunay na pangungumusta—ang pagiging sensitibo, mapagmalasakit, at handang makinig sa ating mga kaklase. Hindi natin alam ang laban na kinakaharap ng bawat isa, kaya ang simpleng pag-abot ng kamay, pakikinig, at pagpapakita ng malasakit ay maaaring magkaroon ng malaking epekto.
Maging instrumento tayo ng pag-asa at pagmamahal. Huwag matakot mangumusta, makinig, at magbigay ng suporta. 🤝🏻✨
"Klasmeyt, okey ka lang?"
Isang simpleng tanong, ngunit maaaring magligtas ng puso. 💙