04/02/2026
| Matagumpay na naisagawa ng Kontra Gutom Foundation (KGF), isang NYC-YORP accredited non-profit organization na nagsusulong ng SDG 2 “Zero Hunger,” ang seminar na may temang “Lupa, Buhay, Bayan: Compassionate Understanding of Food Insecurity and Youth Leadership in Just Food Systems.”
Ito ay ginanap noong Enero 31, 2026 sa Conference Hall ng San Jose National High School, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Tinalakay sa seminar ang mga pangunahing teknik sa pagsasaka, ang mga hamon na kinahaharap ng sektor ng agrikultura, at ang isyu ng food insecurity sa bansa.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng community-based solutions at aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagbuo ng mas inklusibo, makatarungan, at sustenableng food systems.
Tampok sa programa ang dalawang tagapagsalita: Ma’am Margie Candiza-Avendaño, isang lisensyadong agriculturist, educator, at advocate na nagtataguyod ng food empowerment para sa mga magsasaka at kabataan; at Ma’am Jennelyn M. Serrano, isang farm owner, graduate ng Bachelor in Agriculture Technology, at kasalukuyang SK Secretary ng Brgy. Macabud, Rodriguez, na nagbahagi ng kanyang hands-on na karanasan sa pagsasaka at grassroots governance.
Nagpahayag ng pasasalamat ang KGF sa lahat ng dumalo at sumuporta sa kanilang adbokasiya.