Aguas NHS Parents-Teachers Association

Aguas NHS Parents-Teachers  Association Official PTA page of Aguas National High School

11/04/2026

Isang mapagpalayang umaga sa ating lahat.

Sa mga nagtatanong kaugnay ng ating proyekto nitong nakaraang 49th Founding Anniversary, on hold po muna. Isasagawa po natin ito sa buwan ng Mayo kung saan panahon na rin ng Brigada Eskwela. Bakit kamo? Ito ay para makatipid tayo sa labor cost o bayad sa tao para sa ating proyekto. Batid naman natin na nagmahal na ang mga materyales kung kaya't upang magkasya ang perang nalikom ay ang ating mga parents ang magiging laborer. Sana po ay nauuwaan natin ang sitwasyon. Ang pag-uulat kaugnay sa expenses ay gagawin sa unang PTA Meeting sa darating na pasukan.

Maraming salamat po!

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Cesar Ison Dela Cruz, Marj Rollodo, Aurora Martinez-Argue...
11/04/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Cesar Ison Dela Cruz, Marj Rollodo, Aurora Martinez-Argueza

02/04/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Jenevy Legada De Leon, Dolly M Collado

TINGNAN | Isinagawa ngayong araw ang ating FINAL COUNTING kaugnay ng ating ika-49th Founding Anniversary. Maraming salam...
13/02/2026

TINGNAN | Isinagawa ngayong araw ang ating FINAL COUNTING kaugnay ng ating ika-49th Founding Anniversary. Maraming salamat sa lahat ng mga magulang ng muses at escorts sa walang sawang suporta na ibinigay sa paaralan. Nakalikom tayo ng kabuuang halaga na 172,920.00 pesos para sa ating proyektong Repair of School Stage Roofing and Ceiling.

06/02/2026
TRANSPARENT. Ganiyan inilarawan ni Sir Romel P. Sora ang kaniyang magiging pamumuno  sa Aguas National High School sa is...
06/02/2026

TRANSPARENT. Ganiyan inilarawan ni Sir Romel P. Sora ang kaniyang magiging pamumuno sa Aguas National High School sa isinagawang 3rd Quarter PTA Meeting noong ika-6 ng Pebrero, 2026.

Inilahad ni Sir Romel Sora ang SOB-MDP ng paaralan upang mabatid ng mga magulang ang kalagayang pinansyal ng paaralan. Bahagi rin ng pagpupulong ang pag-uulat ng PTA Treasurer sa voluntary contribution ng mga magulang. Ipinakilala rin ang mga mag-aaral na tatakbo bilang SSLG Officers para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Binigyang-diin din niya ang NO READ, NO PASS Policy ng DepEd upang matugunan ang lumalalang estado ng learning literay rate ng mga mag-aaral. Pinag-usapin din ng mga bagay kaugnay ng parating na End of School Year Activities gaya ng Commencement Exercise.

Ipinakita na rin sa mga magulang ang bagong uniporme ng mga incoming Grade 7 para sa Taong Pauruan 2026-2027 at ang tuluyang pag-apruba ng SARILING SENIOR HIGH SCHOOL ng Aguas National High School. Kaugnay nito ay hinikayat ang mga magulang na tangkilin ang sariling paaralan upang mahasa ang mga mag-aaral sa pagpapabuti, pagbubungkal ng lupa at paghahalaman na siyang magiging pokus ng paaralan sakaling tuluyang maipatupad ang Enhanced Senior High School sa susunod na taon sa buong bansa.

Naging matagumpay ang isinagawang pagpupulong at nakitaan ng komitment ang mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa mga gawain ng paaralan.

TINGNAN | Isinagawa ngayong araw ang 1st Counting para sa Search for Mr. and Ms. Aguas NHS 2026 bilang bahagi ng ating 4...
16/01/2026

TINGNAN | Isinagawa ngayong araw ang 1st Counting para sa Search for Mr. and Ms. Aguas NHS 2026 bilang bahagi ng ating 49th Founding Anniversary. Ang halagang malilikom ay mapupunta sa pagpapagawa at renobasyon ng School Stage ng paaralan.

Maraming salamat po sa mga magulang na naglaan ng panahon at tumanggap ng hamon. Salamat po sa lahat ng mga nagbigay at magbibigay pa bilang suporta para sa ating sintang paaralan. Makaaasa kayong may mapupuntahan ang inyong mga pera sa pamumuno ng administrasyon sa pangunguna ni Sir Romel P. Sora at ng pamunuan ng PTA sa pangunguna ni G. Benedict M. Hulipas.


Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarter PTA Meeting kasabay nito ang pormal na pagpapakilala sa ating bagong punong-guro....
14/11/2025

Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarter PTA Meeting kasabay nito ang pormal na pagpapakilala sa ating bagong punong-guro. Nag-ulat din ng financial statement ang PTA SY 2025-2026 kaugnay ng kanilang mga proyekto.

Maraming salamat Hon. Vice Mayor Liberty Valdez para sa sponsor ng ating pa-raffle sa 2nd Quarter PTA Meeting.
14/11/2025

Maraming salamat Hon. Vice Mayor Liberty Valdez para sa sponsor ng ating pa-raffle sa 2nd Quarter PTA Meeting.

Address

Bagong Buhay, Aguas, Occidental Mindoro
Rizal
5103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aguas NHS Parents-Teachers Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Aguas NHS Parents-Teachers Association:

Share