18/06/2026
🌿 QUIRINO TOURISM THURSDAY 🌿
Tuklasin ang kahanga-hangang Napipiwongan Falls sa Brgy. Nagabgaban, Aglipay. 💧🌿 Ang seven-tier waterfall na ito ay may malamig at malinaw na tubig, malalalim na natural pools, at luntiang kapaligiran na nagbibigay ng presko at relaxing na nature experience. Ang pangalan nitong Napipiwongan ay hango sa salitang Ifugao na “Piwong,” o balinsasayaw, isang ibon na matatagpuan pa rin sa lugar hanggang ngayon. 🐦
Kaya tara na mga Kailyan! Bisitahin ang Napipiwongan Falls at i-enjoy ang ganda ng kalikasan, malamig na tubig, at payapang paligid na tunay na maipagmamalaki ng Aglipay.