15/04/2026
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ณ๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐, ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ณ๐ณ๐๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฝ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ผ
DIFFUN, Quirino (PIA) โ Ipinag-utos ni Mayor May Garnace-Calaunan ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng barangay-initiated festivities, cultural gatherings, at sports activities sa bayan bilang bahagi ng pagpapatupad ng national austerity measures at mas mahigpit na fiscal discipline.
Sa Executive Order No. 28, Series of 2026 na inilabas noong Abril 8, sinabi ng alkalde na layunin ng hakbang na tiyakin ang maayos at responsableng paggamit ng pondo ng pamahalaan at unahin ang mahahalagang serbisyo para sa publiko.
โKinakailangan ang hakbang na ito upang matiyak ang wastong pamamahala ng pondo at maiwasan ang hindi kailangang gastusin sa antas ng barangay,โ pahayag ni Calaunan.
Ayon sa kautusan, saklaw ng suspensyon ang mga pista, founding anniversaries, harvest festivals, cultural gatherings, at mga palaro o liga na gumagamit ng pondo o resources ng barangay o lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ng alkalde, ang desisyon ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Office of the President na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno at local government units na magpatupad ng austerity measures at iwasan ang mga hindi prayoridad na gastusin.
โDapat ituon ang ating limitadong resources sa mga programang may direktang benepisyo sa mamamayan, lalo na sa harap ng tumataas na presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin,โ aniya.
Samantala, inatasan ang lahat ng Punong Barangay, miyembro ng Sangguniang Barangay, Barangay Treasurers, at SK officials na tiyakin ang mahigpit na pagsunod sa kautusan. Binigyang-diin sa EO na ang kabiguang ipatupad o iulat ang mga ipinagbabawal na aktibidad ay maaaring magresulta sa kasong administratibo, tulad ng gross neglect of duty o misconduct.
Upang matiyak ang implementasyon, itinalaga ang Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), Municipal Budget Office, Accounting Office, at Treasury Office upang magsagawa ng monitoring at random inspections sa mga barangay.
Nakasaad din sa EO ang pagsusumite ng quarterly reports ng bawat barangay hinggil sa kanilang mga aktibidad at gastusin, pati na ang pagpapanatili ng kumpletong dokumentasyon para sa audit purposes.
Gayunman, may mga itinakdang exemption ang kautusan, kabilang ang mga programang aprubado ng national government, mga emergency o disaster-related activities, at essential public services na may minimal o walang gastos. Ang mga ito ay kinakailangang may nakasulat na pahintulot mula sa Office of the Mayor.
Pinahihintulutan din ang realignment ng pondo na nakalaan sana sa mga nasabing aktibidad patungo sa social welfare services, emergency assistance, at iba pang prayoridad na programa ng pamahalaan.
Agad na ipinatupad ang Executive Order at mananatiling epektibo hanggang sa ito ay amyendahan o bawiin ng punongbayan. (OTB/TCB/PIA-2, Quirino)
Link: https://pia.gov.ph/news/luzon/cv/barangay-festivities-sports-events-sa-diffun-pansamantalang-suspendido/