Parea CARES

Parea CARES Parea C.A.R.E.S. (Community Advocates for Relief, Empowerment, and Service)

19/07/2026

🏆 PAREA CHARITY DOCUMENTARY FILM FEST 2026

🎬 PRESENTING OUR BEST PICTURE
with Special Awards:
* Best Charity Poster
* Best Charity Title
* Best Storyline / Narration

Charity Title: DALANG NING AYTA
House: PBA: House of Annex
Topic: Healthcare

Paano kung ang pangarap ng iisang tao ang maging pag-asa ng isang buong komunidad?

Mula sa kabundukan ng Porac, Pampanga, isinulat in Rolan Popatco Jr. ang kasaysayan bilang kauna-unahang lisensyadong Aeta Medical Technologist. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang para sa sarili, kundi isang tinig ng pag-asa para sa mga komunidad matagal nang hindi napapansin.

Sapagkat may mga pangarap na hindi lang bumabago ng isang buhay—kundi isang buong lahi.

19/07/2026

🏆 PAREA CHARITY DOCUMENTARY FILM FEST 2026

🎬 PRESENTING OUR 2ND BEST PICTURE
Charity Title: LUNOD SA GUTOM
House:PBA : House of Wing
Topic: Youth/Juvenile

Paano kung ang isang bata ang kailangang sumuong sa dagat araw-araw upang maitawid ang gutom ng kanyang pamilya?

Sa liblib na isla, si Kulot ay maagang natutong makipagsapalaran sa dagat at humanap ng iba't ibang paraan upang may maiuwi sa kanilang hapag. Sa murang edad, pasan niya ang responsibilidad na hindi dapat pasan ng isang bata.

Hanggang saan aabot ang kanyang tapang at pag-asa sa gitna ng alon ng kahirapan?

Isang dokumentarong magpapakita ng kwento ng katatagan, sakripisyo at pag-asang dala ng munting tulong na maaaring makapagpabago ng isang buhay.

🏆 PAREA CHARITY DOCUMENTARY FILM FEST 2026🎬 PRESENTING OUR 3RD BEST PICTURECharity Title: ANG BULAKLAK NI HANNAHHouse: P...
19/07/2026

🏆 PAREA CHARITY DOCUMENTARY FILM FEST 2026

🎬 PRESENTING OUR 3RD BEST PICTURE
Charity Title: ANG BULAKLAK NI HANNAH
House: PBA : House of Storge
Topic: Education

Paano kung ang bulaklak na ibinebenta sa umaga ay siya ring unti-unting nalalanta pagsapit ng gabi?

Si Hannah, 13 taong gulang, ay nagtitinda ng bulaklak upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Ngunit sa likod ng kanyang simpleng pangarap ay isang mapait na realidad na pilit kumikitil sa kanyang kabataan.

Hanggang kailan kailangang malanta ang isang bulaklak bago natin ito iligtas?

19/07/2026

🏆 PAREA CHARITY DOCUMENTARY FILM FEST 2026

🎬 PRESENTING OUR 4TH BEST PICTURE
Charity Title: Ate Nora: Mula Kariton Hanggang Pangarap
House: PBA: House of Philia
Topic: Food

Hanggang saan ka dadalhin ng sipag at pag-asa kapag ang tanging puhunan mo ay pananampalataya?

Mula sa isang maliit na sari-sari store hanggang sa isang food cart na kinilala dahil sa kanilang espesyal na vegetable balls, isang pamilya ang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay. Sa bawat tinda ay may kaakibat na sakripisyo, at sa bawat sakripisyo ay unti-unting nabuo ang pangarap na mapagtapos ang kanilang mga anak.

Isang dokumentaryo tungkol sa tiyaga, pananampalataya, at pag-asang kayang baguhin ang kinabukasan.

PAREA COMMUNITY NEWS | MGA DOKUMENTARYONG TATAK PAREANBy: Giancarlo Bright Maceda, Parea Creatives | Published on July 1...
19/07/2026

PAREA COMMUNITY NEWS | MGA DOKUMENTARYONG TATAK PAREAN

By: Giancarlo Bright Maceda, Parea Creatives | Published on July 19, 2026

MONTALBAN, RIZAL -- Sa likod ng mga lente ng kamera nagkukubli ang mga kuwentong naghihintay lamang na marinig; mga kuwentong hindi iba sa pandinig ngunit sumasalamin sa reyalidad ng estado na karamihan sa atin ay pinili na lamang na huwag makinig.

Mula kay Ate Nora na street foods ang ibinebenta upang may ipangbuhay sa pamilya at kay 'Hannah' na paglalako ng sampaguita ang nakitang pag-asa upang sa kinabukasan ay maging doktora ngunit nananakaw ang kamusmusan dahil sa prostitusyon, hanggang kay Rolan na isang katutubong Ayta na naging Medical Technologist at kanyang inspirasyon ay ang kawalan ng mga pasilidad ng ospital sa kanilang nayon at kay alyas 'Kulot' na handang sisirin ang karagatan upang may maipangtawid lamang sa nagugutom na kalamnan.

Ang mga istoryang ito ay nagbigay daan upang mas lalo pa nating maunawaan ang mga suliranin na kinakaharap ng ating lipunan. Ito ang mga kuwentong hindi dapat natin makalimutan dahil kung magkagayon man, mas pinipili na lang nating magbulag-bulagan at magbingi-bingihan sa mga suliranin na dapat tayo ay nangingialam at naninindigan.

📷 House of Annex, House of Philia, House of Storge, House of Wing

17/07/2026

🎬 Presenting the 4 Official Documentary Entries for this year’s anniversary celebration!

🦩House of Storge — Education
🦅House of Wing — Youth & Juvenile Development
🦄House of Annex — Healthcare
🐬House of Philia — Food Security

Mamangha. Maantig. Mapangiti. At maging mas makabuluhan.

Higit pa sa kompetisyon, ang mga dokumentaryong ito ay patunay ng tunay na puso ng PAREA—ang maglingkod at magbigay pabalik sa komunidad. Bawat kwento ay sumasalamin sa ating pangakong maging daan ng pag-asa at pagbabago.

📍 See you on July 18 at CJ Resort as we witness the stories that matter and discover which documentary will be hailed as Best Documentary of the Year!

08/06/2026

Sama-sama para sa bawat batang nangangarap. ⭐

Ngayong bukas nang muli ang mga paaralan, nananatiling matatag ang aming pananalig: na ang bawat batang Pilipino ay may karapatang matuto sa isang kapaligiran na ligtas, masaya, at puno ng pagmamahal.

Naniniwala kami na kapag ligtas at suportado ang bawat mag-aaral, mas malaya silang sumubok, mangarap, at abutin ang kanilang buong potensiyal.

Kasama ang aming mga volunteers, partners, at donors, patuloy na magsusumikap ang para sa kalidad na edukasyon, ligtas na espasyo ng pagkatuto, at para sa pangakong walang batang maiiwanan.

Tuloy tayo sa pagbabayanihan. Para sa bata, para sa bayan!

08/06/2026

Angat Buhay is coordinating with the Angat Bayanihan Volunteer Network to extend immediate assistance to communities affected by the earthquake in Mindanao to monitor developments, assess urgent needs, and prepare for any necessary response efforts.

🌐 Support our operations: donate.angatbuhay.ph/relief

Two Houses. One Mission. One Heart for the Community.In a world that spins with uncertainty, two houses rise with a shar...
20/02/2026

Two Houses. One Mission. One Heart for the Community.

In a world that spins with uncertainty, two houses rise with a shared purpose—to nourish, to uplift, and to bring hope where it matters most.

PBA: House of Eros 🦊 leads “Sweep into Spring V3”—we're taking the "spring cleaning" spirit outdoors to ensure our neighborhood is aa vibrant as the flowers blooming in it. As part of the Parea community, we are dedicated to creating a cleaner, greener, and more beautiful community for everyone to enjoy.

PBA : House of Philautia 🐆 brings “Bayanihan para sa Bayan”—a simple yet powerful gesture to assist our social welfare and development. A help to provide families in need.

Two paths, one heartbeat—
Compassion that asks for nothing, kindness that reaches freely, and action that shapes a better world.

Because true change begins with a hand that gives and a heart that cares.




17/01/2026

As we close another incredible season, our hearts are full. ✨
With 20 charity initiatives and one special Christmas Familia Parea outreach, Parea Bi Alliance has truly become a home of charity events where compassion lives and action speaks.

This journey doesn’t end here. We look forward to seeing our circle of volunteers grow—reaching farther, giving more, and touching even more lives along the way.

A heartfelt shoutout to the Parea Houses —
PBA : House of Agape
PBA: House of Annex
PBA: House Of Eros
PBA: House of Ludus
PBA: House of Lupe
PBA : House of Mania
PBA : House of Philautia
PBA: House of Philia
PBA : House of Pragma
PBA : House of Storge
PBA : House of Wing
— and to Familia Parea. Your unwavering passion, dedication, and love for service made all of this possible.

Maraming maraming salamat!
Here’s to more lives changed and more love shared.
🐍 🦄 🦊 🦖 🦉 🐻 🐆 🐬 🐸 🦩 🦅 🦁

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parea CARES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share