Stonewall Philippines

Stonewall Philippines Stonewall Philippines is a nationwide grassroots-initiated and community-led network of Pride formations in the Philippines.

01/07/2026

JULY NA? ๐Ÿ™‡

Pero bes, wait!

Itutuloy pa rin natin ang militante't palabang diwa ng Prideโ€”dahil hangga't may nakakaranas ng diskriminasyon, abuso, intimidasyon, at karahasan sa lipunan ng mapang-aping sistemaโ€”ang LGBTQ+ at sambayanang Pilipino ay patuloy na lalavarn, oki?

Tuloy pa rin tayong mananawagan para sa...
- Dagdag sahod ng mga manggagawa
- Pagbubuwag ng pahirap na buwis sa basic goods and necessities
- Lupa para sa magsasakang inaagawan ng lupa
- Madiin na proteksyon para sa kabataan at kababaihan laban sa abuso
- Pagpapanagot sa mga korap tulad ni Sara Duterte!
- Ligtas at inklusibong espasyo para sa lahat

Ang Pride ay mananatiling isang Protesta, labas pa sa buwan ng Hunyo. โœจ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

โ€œMalayo pa, pero malayo na.โ€Ito ang mga salitang madalas nating marinig kapag pinag-uusapan ang takbo ng buhay, karera, ...
28/06/2026

โ€œMalayo pa, pero malayo na.โ€

Ito ang mga salitang madalas nating marinig kapag pinag-uusapan ang takbo ng buhay, karera, o mga pangarap. Ngunit para sa komunidad ng LGBTQIA+ sa Pilipinas, ang katagang ito ay hindi lamang simpleng mottoโ€”ito ang mismong kwento ng kanilang buhay, pakikibaka, at tagumpay.

Kung lilingunin natin ang kasaysayan, mapapansin kung paano unti-unting binasag ng q***r community ang mga pader ng diskriminasyon upang makamit ang espasyong tinatamasa nila ngayon. Gayunpaman, sa kabila ng mga makukulay na tagumpay, batid ng lahat na ang mahabang martsa patungo sa tunay na pagkakapantay-pantay ay marami pang kailangang baybayin.

Malayo Na: Ang mga Tagumpay na Ipinaglaban at Nakamit
Kung titingnan ang sitwasyon ng mga nagdaang dekada, kitang-kita ang pag-unlad sa pagtanggap at representasyon ng mga q***r Filipinos sa lipunan.

Narito ang ilan sa mga pinakamalaking "q***r wins" sa bansa:

Ang Pagsibol at Paglago ng Pride March:
Nagsimula ang lahat noong Hunyo 1994, nang ilunsad ng Pro-Gay Philippines at Metropolitan Community Church (MCC) ang kauna-unahang Pride March sa bansa (at sa buong Asya) sa Quezon City. Mula sa iilang daang matatapang na indibidwal, ang Pride sa Pilipinas ngayon ay dinadagsa na ng daan-daang libong tao taon-taon, patunay na hindi na nagtatago sa dilim ang komunidad.

Lokal na Proteksyon (Anti-Discrimination Ordinances):
Habang nakabinbin ang pambansang batas, naging bayani ang ilang Local Government Units (LGUs). Ang mga lungsod tulad ng Quezon City, Manila, Cebu, Davao, at Bacolod ay nagpasa ng sarili nilang mga ordinansa upang protektahan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ laban sa diskriminasyon sa trabaho, edukasyon, at serbisyo publiko.

Pagbira sa Mainstream Media at Pop Culture:
Malaki ang iniunlad ng representasyon ng q***r community sa telebisyon at sining. Mula sa pagiging katatawanan o "sidekick" lamang noong araw, ngayon ay mayroon na tayong mga seryosong kwento ng pag-ibig at buhay tulad ng pagsabog ng mga Boy's Love (BL) at Girl's Love (GL) series, at ang pandaigdigang tagumpay ng Drag Race Philippines na nagtatampok sa talento at talino ng mga lokal na drag artist.

Ligtas na Espasyo sa Edukasyon at Korporasyon:
Maraming unibersidad (gaya ng UP, Ateneo, at DLSU) ang may mga aktibong q***r student organizations at nagpapatupad ng mga gender-inclusive na patakaran (tulad ng pagpapahintulot sa cross-dressing sa graduation). Sa mundo ng trabaho, marami na ring kumpanya ang nagbibigay ng HMO benefits para sa mga same-sex partners ng kanilang mga empleyado.

Malayo Pa: Ang mga Q***r Goals para sa Hinaharap
Bagamat marami nang dahilan para magdiwang, hindi maitatwa na marami pa ring pinto ang nananatiling sarado para sa komunidad. Upang makamit ang ganap na kalayaan at proteksyon, narito ang mga pangunahing layunin na patuloy na ipinaglalaban para sa hinaharap:

1. Ang Pagpasa sa SOGIE Equality Bill
Ito na marahil ang pinakamahabang nakabinbing panukalang batas sa kasaysayan ng Kongreso. Ang pambansang batas na ito ay hindi humihingi ng "special rights," kundi ng proteksyon laban sa diskriminasyon, diskriminasyon sa trabaho, pagtanggi sa mga medikal na pasilidad, at karahasan base sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao. Ang pagsasabatas nito ang natatanging paraan upang matiyak na protektado ang LAHAT ng Pilipino, nasaan man silang sulok ng bansa.

2. Legal na Pagkilala sa Same-Sex Unions o Marriage Equality
Sa kasalukuyan, walang legal na karapatan ang mga magkakarehas na kasarian pagdating sa ari-arian, pagpapasiya sa medikal na emerhensya ng kanilang kapareha, at pag-ampon ng anak. Ang pagkakaroon ng legal na pagkilala sa mga relasyong q***r ay hindi lamang usapin ng pag-ibig, kundi usapin ng mga sibil na karapatan na tinatamasa ng mga heterosekswal na mag-asawa.

3. Gender Recognition Law
Isang malaking hamon para sa mga transgender at gender non-conforming Filipinos ang kawalan ng batas na nagpapahintulot sa kanila na opisyal na baguhin ang kanilang pangalan at gender marker sa mga legal na dokumento (gaya ng birth certificate at passport) nang walang kumplikado at magastos na proseso sa korte. Ang pagkakaroon ng maayos na Gender Recognition Law ay magbibigay ng dignidad at proteksyon sa kanila laban sa araw-araw na hiyang nararanasan sa mga checkpoint, paliparan, at aplikasyon sa trabaho.

4. Pagpapatatag sa Q***r Healthcare at Suporta sa mga Nakatatanda
Kailangan pa ng mas malawak na akses sa transition-related healthcare (gaya ng ligtas na Hormone Replacement Therapy o HRT) at mental health support na sensitibo sa mga isyu ng q***r youth. Bukod dito, isang mahalagang layunin din ang pangangalaga sa mga "Golden G**s" o ang mga matatandang miyembro ng komunidad na madalas ay walang pamilyang umaaruga at walang sapat na retirement benefits.

Ang Patuloy na Pagmartsa
Ang kasalukuyang estado ng LGBTQIA+ community sa Pilipinas ay produkto ng dugo, pawis, at airtime ng mga naunang henerasyon na naging matapang sa gitna ng mas mahigpit na lipunan. Ang kanilang mga sakripisyo ang dahilan kung bakit mas malaya ang kasalukuyang henerasyon na maging totoo sa kanilang sarili.

"Malayo na" dahil hindi na tayo madaling maitatago, maitatwa, o maikitil sa isang sulok. May boses na tayo, may espasyo, at may dumaraming kakampi.

Ngunit "malayo pa" dahil hangga't may nadidiskrimina pa rin sa trabaho nang dahil sa kanilang kasarian, hangga't may pinagkakaitan ng medikal na kalinga, at hangga't wala pang pambansang batas na nagtatanggol sa kanilang pagkatao, ang laban ay hindi pa tapos. Ang bahaghari sa Pilipinas ay patuloy na sisikat, bitbit ang pag-asa na balang araw, ang pagtanggap ay hindi na lamang magiging isang "tolerance," kundi isang ganap at permanenteng karapatan.

At huwag tayong makalimot na โ€œbigotry is religiousโ€.

๐’๐ญ๐จ๐ง๐ž๐ฐ๐š๐ฅ๐ฅ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐ฌ๐ก๐š๐ซ๐ž๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ž๐œ๐ก ๐จ๐Ÿ ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ง ๐Œ๐ž๐ญ๐ซ๐จ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐๐ซ๐ข๐๐ž!Stonewall Philippines is one of the commun...
27/06/2026

๐’๐ญ๐จ๐ง๐ž๐ฐ๐š๐ฅ๐ฅ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐ฌ๐ก๐š๐ซ๐ž๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ž๐œ๐ก ๐จ๐Ÿ ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ง ๐Œ๐ž๐ญ๐ซ๐จ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐๐ซ๐ข๐๐ž!

Stonewall Philippines is one of the community organization partner of Metro Manila Pride who shared their solidarity statement about the grassroot conditions of the LGBTQ+ community and why Pride remains a protest.

"Ang ating panawagan ay hindi lamang para sa pagkilala sa ating identidad. Panawagan din ito para sa disenteng kabuhayan, makatarungang mga polisiya, ligtas at inklusibong mga paaralan, makataong serbisyong pangkalusugan, at isang lipunang may pananagutan sa karapatang pantao."
Mx. Matty shared on the Metro Manila Pride stage.

Pride isn't only about the LGBTQ+ struggle for recognition and acceptance; but a major fight for the democratic rights of the peopleโ€”where workers should have living wages and more opportunities for the LGBTQ+ community, implementing inclusive policies inside schools and universities, passage of the anti-discrimination bill (SOGIESC Equality Bill), and holding the corrupt individuals accountable for their atrocious extortion of public funds.

Stonewall Philippines will continueโ€”after the Pride Month, it is a year-long commitment of bringing the LGBTQ+ community together and uniting to assert that Pride is a Protest, from history until now! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ

ANG PRIDE AY PROTESTA!
IPAGPATULOY ANG TUNAY NA ESENSYA NG PRIDE!



JUST NOW: ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ก๐—˜๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ' ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐——๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ช!The LGBTQ+ and community organizations are starting to gather in t...
26/06/2026

JUST NOW: ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ก๐—˜๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ' ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐——๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ช!

The LGBTQ+ and community organizations are starting to gather in the Liwasang Bonifacioโ€”continuing the pro-people pride for today!

See is you, mga beks!
9:00AM onwards
Liwasang Bonifacio

25/06/2026

Pride month isn't just one day, it's a whole movement ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Whether it's your first time or your fifth, showing up matters and Mayari Philippines is showing up at every stop. come march, celebrate, and take up space with us!

On July 8, Mayari Philippines and the UP Diliman Gender Office come together for ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ to champion safer and more inclusive academic spaces.

We're not stopping there. See you at:
๐Ÿ“ Stonewall Philippines โ€” June 26, Liwasang Bonifacio
๐Ÿ“ Metro Manila Pride โ€” June 27, Remedios Circle
๐Ÿ“ Katalonan Pride โ€” July 4, Philippine Normal University

See you there!

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š, ๐—ฅ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—”! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ๏ธBabangon na ang 'sang kabaklaan, iba't-ibang kasarian, mga bumubuo at sumusuport...
25/06/2026

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š, ๐—ฅ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—”! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ๏ธ

Babangon na ang 'sang kabaklaan, iba't-ibang kasarian, mga bumubuo at sumusuporta sa malayang komunidad ng kulay.

Sabay nating bonggahan ang panawagan para sa karapatan ng bawat indibidwal laban sa karahasan, tunay na reporma sa lupa, at taas sahod para sa mga Pilipinong manggagawa.

Ibandera ang bahaghari laban sa katiwalian bukas, Hunyo 26, 9:00AM sa Liwasang Bonifacio.

Wave the flag with pride dahil we are confidently beautiful with a heart!

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‘๐€๐Œ๐๐€: ๐’๐“๐Ž๐๐„๐–๐€๐‹๐‹ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„๐’ ๐–๐ˆ๐‹๐‹ ๐๐”๐’๐‡ ๐“๐‡๐„ ๐๐‘๐Ž-๐๐„๐Ž๐๐‹๐„ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐Ž๐‘ ๐–๐ˆ๐“๐‡๐Ž๐”๐“ ๐€ ๐๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐˜ ๐“๐‡๐„ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐’!Sto...
25/06/2026

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‘๐€๐Œ๐๐€: ๐’๐“๐Ž๐๐„๐–๐€๐‹๐‹ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„๐’ ๐–๐ˆ๐‹๐‹ ๐๐”๐’๐‡ ๐“๐‡๐„ ๐๐‘๐Ž-๐๐„๐Ž๐๐‹๐„ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐Ž๐‘ ๐–๐ˆ๐“๐‡๐Ž๐”๐“ ๐€ ๐๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐˜ ๐“๐‡๐„ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐’!

Stonewall Philippines has gathered that up until nowโ€”the Manila Police District has our permit still on-hold from the high-ranking officials. SPH extremely condemns the severity of the bureaucracy and delays of the government that manifests that LGBTQ+ fight for the rights and independence of the Filipino people.

Stonewall Philippines has already filed the request weeks prior, directly at the City Government of Manilaโ€™s Bureau of Special Permits, addressing the incoming event of Stonewall Philippine. Yet, the following daysโ€”after countless follow-ups on both the Manila Police District and the Bureau of Permits, they continue to delay the venue access of the network for tomorrow.

Despite Stonewall Philippinesโ€™ proper coordination with the offices, the disrespect to the urgency and significance of the event will forever mark a blaze within the network.

Ang laban ng LGBTQ+ at taumbayan, ay hindi mapipigilan ng anumang uri ng panghaharang, ang karapatan at kasarinlan ay hindi kailanman dapat ikompromisa para sa iilang institusyon at indibiduwal. โœŠ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐Ÿณ๏ธโ€โšง๏ธ




๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€, ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ฃ๐—› ๐—ป๐—ฎ! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจDon't forget to bring your friends, family, and partners in the colorfu...
24/06/2026

๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€, ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ฃ๐—› ๐—ป๐—ฎ! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ

Don't forget to bring your friends, family, and partners in the colorful and pro-people Pride Protest on June 26โ€”fight for increased wages and lower prices, genuine agrarian reforms, strengthened action against VAWC and GBV, national sovereignty, holding the corrupt officials accountable, and passage of the SOGIESC Equality Bill!

Stonewall Philippines is ready for your extravagant outfits to show the worldโ€”the universe rather, what q***r excellence is!

Kita-kits sa Liwasang Bonifacio, 9:00AMโ€”for the most q***rest pride protest in her-story! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐Ÿณ๏ธโ€โšง๏ธโœจ





๐—˜๐—ซ๐—–๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—ž๐—”๐—ก๐—” ๐—•๐—” ๐—•๐—˜๐—ฆ? ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ฅ๐—œ๐—กโ€”๐—ž๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”-๐—›๐—˜๐—ฌ ๐— ๐—”๐—š-๐——๐—ฃ ๐—•๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ง-๐—›๐—˜๐—ฌ! โœจ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆCaption:๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜†-๐—ต๐—ฒ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ! ๐Ÿณ๏ธโ€...
23/06/2026

๐—˜๐—ซ๐—–๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—ž๐—”๐—ก๐—” ๐—•๐—” ๐—•๐—˜๐—ฆ? ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ฅ๐—œ๐—กโ€”๐—ž๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”-๐—›๐—˜๐—ฌ ๐— ๐—”๐—š-๐——๐—ฃ ๐—•๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ง-๐—›๐—˜๐—ฌ! โœจ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Caption:

๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜†-๐—ต๐—ฒ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœŠ๏ธ

Ako si [Lived name], isang proud na [Preferred SOGIESC] na gogorahey upang makibaka at maipasa ang SOGIESC Bill, maisulong ang karapatan ng LGBTQ+, at mapanatili ang tingkad ng bahaghari laban sa estadong nanonyokot at kurakotch!

Bitbit ang kislap ng tapang at kinang ng pagkakaisa, ang simbolo ng bahaghari ay ang yapak ng masang malaya.

Rarampa na tayo mga badet, para ipanawagan ang ating karapatan at kasarian, ngayong nalalapit na ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ 26, 9:00AM, ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ.

๐—•๐—”๐—ž๐—Ÿ๐—”, ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—”๐—ฅ ๐— ๐—ข ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”! ๐Ÿณ๏ธโ€โšง๏ธ
๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—˜๐—ž๐—œ, ๐—ช๐—”๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ž๐—ข๐—ง! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ







TWIBBONIZE:
https://tinyurl.com/SPHDPBLAST
https://tinyurl.com/SPHDPBLAST
https://tinyurl.com/SPHDPBLAST

23/06/2026

Me lang ba yung di na makatulog sa excited rumampa para sa karapatan at kasarian sa June 26, like ahuhuโ€”๐Ÿฅบ๐Ÿ‘‰๐Ÿป๐Ÿ‘ˆ๐Ÿป

Papanagutin pa natin mga chakang korap at i-push yang impeachment kay Sara D! ๐Ÿฆ„๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Stonewall Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share