Santa Cruz De Mayo - 1952

Santa Cruz De Mayo - 1952 SDM official page - Brgy. Parang

Pasasalamat sa Hermanito at Hermanita ng Santa Cruz de Mayo 2026🌸✨Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Hermanito Mayor...
29/05/2026

Pasasalamat sa Hermanito at Hermanita ng Santa Cruz de Mayo 2026🌸

✨Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Hermanito Mayor Benedict Piñol Alejandro, Hermanita Mayor Danise Dan Co, at sa lahat ng miyembro ng Hermanito at Hermanita ng Santa Cruz de Mayo 2026!

Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, at walang-sawang suporta sa kabila ng puyat at pagod. Salamat sa pagbili dito at pagbili doon ng mga kailangang gamit, sa mga harutan at tawanan, sa pagluluto ng meryenda gabi-gabi, sa pagtutulungan sa mga gawain, at siyempre, sa pagpapasensya at pagsasaway sa mga kabataan (kahit minsan ay makukulit 😊). Ang inyong kabaitan, kasipagan, at lalong-lalo na ang inyong dedikasyon.

Dahil sa inyo, naging mas makulay, masaya, at matagumpay ang ating selebrasyon. Maraming salamat sa inyong lahat! Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Maykapal at pagkalooban ng lakas para sa mga susunod pang taon ng pagkakaisa, pagtutulungan, at bayanihan.

Mula sa aming mga puso, maraming-maraming salamat po!🤍

Mabuhay ang Hermanito at Hermanita ng Santa Cruz de Mayo 2026!🎉🙌

Buong-puso kaming nagpapasalamat sa Presidente, Bise Presidente, at sa lahat ng miyembro ng Hermano at Hermana ng Santa ...
29/05/2026

Buong-puso kaming nagpapasalamat sa Presidente, Bise Presidente, at sa lahat ng miyembro ng Hermano at Hermana ng Santa Cruz de Mayo 2026.

Dahil sa inyong dedikasyon at walang-sawang suporta, naging tunay na makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang na ito. Salamat sa pagpapanatiling buhay ng ating tradisyon at pananampalataya sa pamamagitan ng inyong serbisyo at suporta. Lubos ang aming pasasalamat sa inyong commitment at ambag sa espesyal na okasyong ito.

Maraming salamat po sa inyong lahat! 🫶

Isang malaking pasasalamat mula sa SCDM Family para sa aming mga sponsors! Hindi magiging matagumpay ang event na ito ku...
29/05/2026

Isang malaking pasasalamat mula sa SCDM Family para sa aming mga sponsors! Hindi magiging matagumpay ang event na ito kung wala ang inyong mahalagang suporta at dedikasyon.

From the bottom of our hearts, THANK YOU SO MUCH 🤍

Honoring 74 years of deep - rooted faith and vibrant traditions. Santa Cruz De Mayo 2026.
29/05/2026

Honoring 74 years of deep - rooted faith and vibrant traditions.

Santa Cruz De Mayo 2026.

29/05/2026
"Isang pagdiriwang ng pananampalataya at pagkakaisa! ⛪✨Inaanyayahan ang lahat ng mga taga-Brgy Parang na sumisimba. Maki...
22/05/2026

"Isang pagdiriwang ng pananampalataya at pagkakaisa! ⛪✨
Inaanyayahan ang lahat ng mga taga-Brgy Parang na sumisimba. Makiisa sa ating pagdiriwang ng Ika-74th Santa Cruz de Mayo 2026. Atin pong ialay ang pagtitipon na ito sa Panginoon, sa ating Mahal na Patron.

🗓️ Kailan: Mayo 23, 2026 (Sabado)
🕗 Oras: 8:00 AM
📍 Saan: Sentro ng Brgy. Parang

Malugod naming inaanyayahan ang lahat na makiisa at makibahagi sa pagdiriwang ng ika-74th na Santa Cruz de Mayo Fiesta C...
22/05/2026

Malugod naming inaanyayahan ang lahat na makiisa at makibahagi sa pagdiriwang ng ika-74th na Santa Cruz de Mayo Fiesta Celebration ng Brgy. Parang, Pagbilao, Quezon. Isang makulay at makabuluhang selebrasyon ng pananampalataya at pagkakaisa na nagbibigay-pugay sa tradisyon ng Santa Cruz de Mayo.

Sama-sama nating tunghayan ang kagandahan ng sagala at iba’t ibang gawain na magpapasaya at magbubuklod sa ating lahat. Mabuhay ang Brgy. Parang at ang ating masaganang tradisyon! 🎉✨

Address

Brgy. Parang Pagbilao Quezon
Quezon City
4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Cruz De Mayo - 1952 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share