08/08/2026
This is Ma'am Julie, teacher sya sa isang elementary school sa Quezon City. Maraming mga nagsasabi na mga naging student nya kung gaano sya kabuting g**o at minsang pangalawang magulang sakanila. Nakakalungkot man pero sa kabila ng kanyang busilak na puso, totoo ngang walang pinipili ang pagkakasakit.
Ilang taon ang nakalipas, unang natuklasan na nagkaron ng Cancer si Teacher Julie. At noong nalaman ito, Stage 4 na kaagad. Kaya naman sya ay sumailalim agad sa Chemotherapy. Sa awa ng Diyos, nagkaron ng progreso sa kanyang kalagayan, kaya ang dating monthly Chemotherapy ay mas naging madalang at nagkaron ng alternative na chemo medications.
Pero habang tumatagal, lalo nyang nararamdaman ang hirap sa side effects ng mga gamot na ito. Kaya sa 11th cycle ng kanyang chemo meds mahigit isang buwan na ang lumipas, itinigil nya itong inumin kalagitnaan. Sa kasamaang palad, dahil dito ay nagkaron ng progreso ang mga cancer cells nang hindi nya nalalaman at ng kanyang pamilya. Ito ang hinihinalang pangunahing rason kung bakit ngayon sya ay humaharap sa napakaraming komplikasyon at bakit sya naka-admit sa isang hospital.
Ngayon, kinakailangan nya ang tulong nating lahat. Kumakatok sa inyong mga puso!
Si Ma'am Julie ay kasalukuyang naka-admit habang nilalabanan ang kanyang mga komplikasyon. At sa laban na ito, sana hindi sya nag-iisa.
Kami'y nagpapakumbaba at humihiling ng tulong. Sa bawat halaga na aming matatanggap ay lubos na makakatulong sa kanyang medical treatments, medications, at recovery. Bukod pa riyan, ang mga panalangin at pagpapakalat ng post na ito ay aming papahalagahan. Muli, taos-puso kaming nagpapalamat sa inyong lahat!
TO DONATE:
I-scan ang QR code o sa nakatalagang number.