Hasikan Klab Official

Hasikan Klab Official Opisyal na Publikasyon ng Haligi ng Sining Kanlungan (HASIKAN) Club. Teatro Oktubre Nueve (Theater Club). Sining Bahandi Youth Filmmakers (Film Club).

Bilang pagtatapos ng panuruang 2024 - 2025 nais ng HASIKAN Club na muling pasalamatan at parangalan ang mga natatanging ...
15/06/2025

Bilang pagtatapos ng panuruang 2024 - 2025 nais ng HASIKAN Club na muling pasalamatan at parangalan ang mga natatanging kababaihan ng paaralang Lagro High School sa kanilang malaking suporta at pagbibigay pansin sa sining.

Iginagawad ang pagkilala sa ating butihing punongguro Gng. Zaida M. Padullo, Gng. Jennifer E. Tan - Asst. Principal, Guidance Councilor na si Gng. Lorena Castillo at si Gng. Mary Grace Dela Cruz - Head Teacher ng Filipino Department.

Aming lubos na pinasasalamatan ang inyong suporta at pagmamahal sa sining at amin din pong bibigyang kulay pa at paghuhusayin sa susunod pang panuruan.πŸ’–πŸ’œ

Isang masigabong pagbati sa ating pinakamahusay na alagad ng sining ng pelikulang makabuluhan at may ginintuang aral at ...
04/05/2025

Isang masigabong pagbati sa ating pinakamahusay na alagad ng sining ng pelikulang makabuluhan at may ginintuang aral at ang nag-iisang ama ng Teatro Oktubre Nueve o Hasikan Klab ng paaralang Lagro High School, G. Geraldo Jumawan!!

Siya ay nagwagi bilang Pinakamahusay na Sumusuportang Aktor ng pelikulang Isa sa Isandaan, Best in Full Length Director at Best in Full Length Actor ng pelikulang Da'un Ka Kayu' sa Gully International Film Festival sa India, noong May 1, 2025.

Malugod ka naming binabati ginoo sa iyong pagkapanalo at parangal, more projects and achievements to you Sir!!β€πŸŽ‰

Pagbasa ng Pelikula, Pagpapalawak ng Kaalaman: Film Appreciation Seminar sa Lagro High SchoolLagro High School – Pebrero...
03/05/2025

Pagbasa ng Pelikula, Pagpapalawak ng Kaalaman: Film Appreciation Seminar sa Lagro High School
Lagro High School – Pebrero 27, 2025

Isang makabuluhang seminar na may temang β€œFilm Appreciation: Paano Bumasa ng Pelikula” ang isinagawa sa Lagro High School Audio-Visual Room upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa sining ng pelikula. Pinangunahan ito ng kilalang direktor at Cinemalaya filmmaker, Propesor Richard Soriano Legaspi, kasama ang HASIKAN Club Adviser na si Ginoong Geraldo Jumawan.

Sa pamamagitan ng inisyatiba ni G. Jumawan, inimbitahan si Prop. Legaspi upang ipanood sa mga piling mag-aaral mula sa Grade 11 HUMSS at STEM strands ang isa sa kanyang mga pelikula na "Bakit ako sinusundan ng buwan". Sinundan ito ng isang talakayan tungkol sa film literacy kung paano mas epektibong basahin at unawain ang isang pelikula.

Si Prop. Legaspi, isang premyadong direktor at iskolar ng UNESCO Laureate, ay nagbahagi ng kanyang malawak na kaalaman at karanasan sa industriya ng pelikula. Kanyang ipinaliwanag ang proseso ng paggawa ng isang makabuluhang pelikula at ang iba't ibang hamon na kanyang hinarap bilang isang filmmaker. Nagkaroon din ng open forum kung saan malayang nakapagtanong ang mga mag-aaral tungkol sa sining, teknikalidad, at kahalagahan ng storytelling sa pelikula.

Ang programa ay matagumpay na pinamunuan ng mga emcee na sina Zyril Garma at Rheyen Abria, na nagbigay ng sigla at kaayusan sa buong seminar.

Ayon kay G. Jumawan, layunin ng programang ito na hikayatin ang mga mag-aaral na magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa pelikula bilang isang anyo ng sining at midyum ng pagpapahayag.

"Ang pelikula ay hindi lang basta aliwan, ito rin ay isang salamin ng realidad at isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng kwento at damdamin," ani Prop. Legaspi sa kanyang pananalita.

Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ng mga mag-aaral ang kanilang pasasalamat at paghanga sa bagong kaalamang kanilang natamo.

Marami ang nagsabing mas lalo nilang naunawaan ang kahalagahan ng pagbasa ng pelikula at ang proseso ng paglikha nito.

Ang Film Appreciation Seminar na ito ay isang patunay na ang sining ng pelikula ay hindi lamang para sa entertainment kundi isa ring epektibong paraan upang palawakin ang perspektibo at kamalayan ng mga mag-aaral sa mas malalim na mensaheng hatid ng sining.

Isinulat ni: Zyril Trish Garma

04/04/2025

Comediene, Ms. Patani nagbigay din ng pagbati para sa lahat ng humanista ng Grade 11 ng Lagro High School para sa Sining Bahandi Short Film Festival.

Maraming maraming salamat po sa pagbati binibini!!πŸ’œπŸ’œ

04/04/2025

Beteranong Action Star, Mr. Dan Alvaro nagbigay din ng pagbati para sa buong humanista ng Grade 11 ng Lagro High School para sa Sining Bahandi Short Film Festival.

Maraming salamat po Ginoo sa suporta!!πŸ’œ

04/04/2025

Mr. Roderick Alo ng NCCA Committee on Dramatic Arts, nagbigay ng pagbati para sa lahat ng humanista ng Grade 11 ng Lagro High School para sa Sining Bahandi Short Film Festival.

Maraming maraming salamat po Ginoo!!πŸ’œ

Muli na namang SELECTED ang dalawang One-Minute short film ng ating piling kasapi at mag-aaral ng Lagro High School Hasi...
04/04/2025

Muli na namang SELECTED ang dalawang One-Minute short film ng ating piling kasapi at mag-aaral ng Lagro High School Hasikan Klab sa Frome International Climate Film Festival sa United Kingdom.

Pagbati sa ating dalawang butihing mag-aaral na sina Nicole Borromeo ng HUMSS 11 AGUINALDO para sa "Global Warming" at kay Xinitchi De Luna ng TVL 12 BABBAGE para sa "Minutiae". Nawa ay patuloy na magyabong ang inyong kahusayan sa pagbuo ng makabuluhang sining.❀

Padayon at pagbati!!πŸŽ‰πŸŽ‰

Inihahandog ng HASIKAN KLAB ang ang mga trailers ng WALA SA LIKOD, WALA SA HARAP, YUGTO, TUTKTOK NG TATSULOK, SILENCE, G...
26/03/2025

Inihahandog ng HASIKAN KLAB ang ang mga trailers ng WALA SA LIKOD, WALA SA HARAP, YUGTO, TUTKTOK NG TATSULOK, SILENCE, GUNITA, PANGARAP, ANG BABZAENG MAY PANININDIGAN...

Ang mga NOMINADO para sa PINAKAMHUSAY NA POSTER...
26/03/2025

Ang mga NOMINADO para sa PINAKAMHUSAY NA POSTER...

Ang mga NOMINADO para sa PINAKAMAHUSAY NA ISKRINPLEY...
26/03/2025

Ang mga NOMINADO para sa PINAKAMAHUSAY NA ISKRINPLEY...

Address

Quezon City
1126

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hasikan Klab Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share