17/08/2026
BACK TO BACK TRAINING OF BASIC LEGAL RIGHTS FOR FILIPINO CONSTRUCTION WORKERS FROM SOUTH TO NORTH!
Sabay-sabay na isinagawa ang Basic Legal Rights Training for Filipino Construction Workers sa ABC-Workers at Malolos–Clark Railway Project (MCRP)
Layunin ng training na palakasin ang kaalaman ng mga construction workers tungkol sa kanilang mga batayang karapatan sa paggawa, upang sila ay maging mas handa, mapagmatyag, at may kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lugar ng trabaho.
Mga Module na Tinalakay:
Basic Workers’ Rights – karapatan sa sahod, working hours, overtime, benefits, occupational safety and health, security of tenure, freedom of association, at iba pang pangunahing karapatan ng manggagawa.
Safe Spaces Act (RA 11313) – pag-unawa sa sexual harassment at gender-based sexual harassment sa workplace at iba pang lugar, pati na ang mga karapatan, responsibilidad, prevention measures, at mga mekanismo ng pagrereklamo at paghingi ng proteksyon.
Ang kaalaman sa batas ay kapangyarihan ng manggagawa.. Kapag alam ng worker ang kanyang karapatan, mas nagiging matatag siya sa pagharap sa mga problema at pagprotekta sa kanyang dignidad at kapakanan.
Know your rights. Stand for your rights. Protect your fellow workers.