26/05/2026
Imposible sa marami na ang Diyos ay magpakumbaba at magkatawang tao—ngunit ginawa ni Kristo.
Ano pa kaya sa atin na sa simpleng pagpapakita lamang ng pagpapakumbaba ay hindi pa natin maipagkaloob minsan.
𝐈𝐦𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭’𝐬 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 (Part 2)
Diyos na nagkatawang tao? PAANO?
Basahin natin—
Philippians 2:5-11 (ABT01) 👇
Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na na kay Cristo Jesus din naman, na siya, bagama't NASA ANYO NG DIYOS, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi HINUBARAN NIYA ANG KANYANG SARILI at kinuha ang anyong alipin na naging katulad ng tao.
At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao, siya'y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus.
Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos, at siya'y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan; upang sa pangalan ni Jesus ay lumuhod ang bawat tuhod, sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa, at ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Dakilang pagpapakumababa ni Kristo.
PURIHIN ANG DIYOS!
ΧΡΙΣΤΟΣ ΚΗΡΥΣΣΕΤΑΙ
💌 Ivan Path | Day 146 - 2026