22/05/2025
LIBRENG TULI PARA SA MGA KABATAANG LALAKI NG BARANGAY KAUNLARAN! β Isang programang medikal na handog ng Barangay Kaunlaran katuwang ang WorldCitiMed.
Magandang araw po sa lahat ng aming minamahal na kabarangay! β Inaanyayahan po naming ang lahat ng mga kabataang lalaki ng ating barangay, partikular yung mga nasa edad ng pagbibinata, na makiisa sa Operation Libreng Tuli Program na inihahandog ng ating barangay sa darating na buwan.
Ang programang ito ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Barangay Kaunlaran at ng WorldCitiMed, sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Christopher βDongβ Cheng, katuwang sina Councilor Atty. Vincent Belmonte at ang Konseho.
π
Petsa: May 31, 2025 (Sabado)
π Oras: 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
π Lugar: New Barangay Kaunlaran Hall
π’ Address: 22 Mayor Ignacio Santos Diaz Street
πΉ PAANO MAGPAREHISTRO?
Upang masiguro ang maayos at organisadong daloy sa araw ng tuli, inaanyayahan po namin ang mga nais maki-isa na mag-pre-register online at ilagay ang detalyeng kailangan para sa ating mga anak sa pamamagitan ng link na ito:
π https://forms.gle/GH17NYhzsyfz27CG8
π Maaari ring gamitin ang QR Code na matatagpuan sa comment section ng opisyal na post.
β PAALALA:
Upang mapadali ang proseso sa mismong araw ng programa, mangyaring magdala ng mga sumusunod:
β
Sariling ballpen
β
Valid identification card (hal. school ID o government-issued ID)
Maraming salamat po at nawaβy maging matagumpay at makabuluhan ang ating programa sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at serbisyong champion na para sa ating Barangay.