People Surge National Alliance of Disaster Survivors

People Surge National Alliance of Disaster Survivors Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from People Surge National Alliance of Disaster Survivors, Nonprofit Organization, Quezon City.

People Surge is a national alliance and movement of Filipino citizens united to address the pressing issues faced by disaster survivors in the Philippines focusing on justice, aid, compensation, and rehabilitation.

PABAYANG PAMAHALAAN, LALO LAMANG IBINABAON ANG BAYAN SA BAHA AT KORAPSYONPabango lamang at pagsasalba palagi sa sarili a...
13/08/2026

PABAYANG PAMAHALAAN, LALO LAMANG IBINABAON ANG BAYAN SA BAHA AT KORAPSYON

Pabango lamang at pagsasalba palagi sa sarili ang ginagawa ng pamahalaan sa gitna ng mga sakuna, habang ang mamamayan ay lunod sa baha at burak ng korapsyon. Itinala ng PAGASA na mahigit pa sa isang buwang dami ng ulan ang bumuhos sa loob lamang ng 9 na araw sa Metro Manila. Ang pagyayabang ni Marcos Jr. na “kulang pa sa tuhod” ang baha ay siya ring sakunang nagpalikas sa libu-libong mga pamilya at nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 26 ka tao.

Walang dapat ipagyabang dito ang pamahalaan habang patuloy na lumulubog ang mga komunidad sa baha, lalo’t lalo na habang may mga polisiya at proyektong itinutulak para gawing imbudo ng korapsyon, kapalit ang paghihirap ng mga mamamayan.

Mas lalo pang nakakagalit dahil naglalaan muli ng napakalaking pondo para sa flood control sa panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027. Sa ₱644 bilyong alokasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), humigit-kumulang ₱104 bilyon ang nakalaan para sa flood control—katumbas ng 16.17 porsyento ng kabuuang pondo ng ahensya.

Bakit tuloy-tuloy pa rin ang pagtutulak ng mga pekeng solusyong ito sa sakuna, kung napatunayan nang mas daluyan ito ng pangungurakot at hindi tinutugunan ang ugat ng problema? Kaninong mga bulsa ulit ang paglalaanan ng bilyong pangungurakot na ito?

Sa kabila ng higit 200 mambabatas na naiulat na nakatanggap ng flood control allocations noong nakaraang taon, iilan lamang ang nahaharap sa kaso, at lalong kakaunti ang nakukulong. Hindi ito dapat ipangalandakan ni Marcos upang palabasing gumugulong ang hustisya, kung isang taon na pero wala pa ring tunay na napapanagot. Hindi rin maaaring maghugas-kamay si Marcos Jr. sa sistematikong pagnanakaw na ito, lalo na at hindi lang basta-basta’t sumusulpot ang mga pork allocation. May pananagutan ang administrasyon sa pagpapahintulot nitong mabuo at maipasa.

Ipinapataw din ng administrasyon ang pasanin sa mga komunidad sa nangyayaring paglala ng baha, sa pag-oobliga ng wastong pagtatapon ng basura at pagpaparusa sa lumalabag sa kabila ng lantad na kawalan ng mga mekanismo at kasanayan ang gobyerno sa pamamahala ng basura sa bansa na hanggang sa ngayon ay hindi tinutugunan. Sa kapabayaang ito, ginagamit rin ni Marcos Jr. na oportunidad para itulak ang mga pribadong proyekto na Waste-to-Energy na isa ring pekeng solusyon na napatunayan nang may mabigat na panganib sa mamamayan at kalikasan.

Kasabay nito, habang nagyayabang at naninisi ang gobyerno, patuloy naman itong nagpapadulas ng mga proyektong nagpapalala ng bulnerabilidad ng mga komundiad sa baha. Kabilang dito ang kontrobersyal na pagputol ng humigit-kumulang 600 puno sa Quirino Avenue at Roxas Boulevard para sa Southern Access Link Expressway ng San Miguel Corporation. Hindi basta-basta masosolusyonan ang krisis sa klima kung laganap ang proyektong sumisira naman sa kalikasan.

Lumalalim din ang krisis dahil sa estado ng ekonomiya ng bansa. Habang bumulusok ang bansa bilang pinakakorap sa buong Southeast Asia, nananatiling matamlay ang paglago ng ekonomiya at patuloy na kinakapos ang mga pamilya sa harap ng tumataas na presyo ng batayang komoditi at serbisyo.

Hindi matutugunan ng paglalaan ng daan-daang bilyong piso sa sa mga pekeng solusyon, lalo’t lalo na kung walang malinaw na pananagutan at pagprotekta sa kalikasan, kung ang pondong dapat sana’y para sa mamamayan ay nagiging bagong balon ng pandarambong at pagkakitaan.

Kailangan natin ng pamahalaang may makabuluhan at siyentipikong pag-unawa sa sitwasyon ng klima at ang epekto nito sa mga komunidad. Ang makatarungan at makatotohanang solusyon sa lumalalang krisis sa klima at sakuna ay nangangailangan ng sistematikong pagbabago sa isang pamahalaang pinaghaharian ng korapsyon at tubo. Kailangang itigil ang mga mapanirang proyekto, protektahan at ibalik ang mga likas na panangga ng mga komunidad sa kalamidad, at tiyaking ang bawat sentimo ng pampublikong pondo ay napupunta sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

Walang bahang masusukat ang panganib sa talampakan, tuhod, o dibdib ng mamayan kung kung tuloy-tuloy pa rin pagnanakaw at pagpapabaya ng administrasyong Marcos Jr. Sa katunayan, lalo lamang itong lumalalim kung lubog pa rin tayo sa pandarambong. Katiting lamang ang dalang banta ng baha kung ikokompara sa ragasa ng sistemang patuloy na naglulubog sa mamamayan sa korapsyon, pagkasira ng kalikasan, at kawalan ng pananagutan.

08/06/2026
08/06/2026
09/05/2026

MANILA, Philippines —The Philippine Space Agency (PhilSA) on Saturday said over 1,000 hectares of crops were affected by the pyroclastic density current from the effusive eruption of Mayon Volcano.

Full story in the comment section.

15/04/2026

KAMPUHAN ALERT 🚨

Kasalukuyang binubuwag ng mga kapulisan ang kampuhan ng mga mamamayan.

Kompensasyon sa mga komunidad na apektado ng mga nagdaang kalamidad ang daing nila, ngunit ganito sila tinatrato ng mga kapulisan.

17/03/2026

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when People Surge National Alliance of Disaster Survivors posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share