28/08/2026
𝙏𝙐𝙏𝙐𝙇𝘼𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙈𝙄𝙈𝙄𝙉𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙎𝙄𝘽𝙐, 𝙉𝙐𝙀𝙑𝘼 𝙑𝙄𝙕𝘾𝘼𝙔𝘼! 𝙋𝘼𝙇𝘼𝙔𝘼𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 LABINTATLONG (13) 𝙄𝙆𝙄𝙉𝙐𝙇𝙊𝙉𝙂 𝙉𝙂 𝙋𝙉𝙋!
Mahigpit na kinokondena ng Sining Lila ang naka-ambang pagmimina ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLRMC) sa Barangay Paquet, Kasibu Nueva Vizcaya ngayong araw.
Noong nakaraan lamang, inaresto ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Lei Jin Dugay, Donny Dugay, at June Fiataccag, at kanina lang, may panibagong labintatlo (13) na namang marahas na inaresto ang PNP dahil sa pagbabarikada nila sa nakaambang pagmimina. Bakit mas nauna pang arestuhin ang mga taong pumo-protekta sa kalikasan, kaysa hulihin ang mga korap at pahirap na na sa gobyerno?
Ngayon, ang NLRMC, kasabwat ng AFP at PNP ulit, ay pilit na namang nagtatangkang magpasok ng mga krudo at iba pang kagamitan para sa pagmimina sa malawak na kabundukan ng mamamayan doon. Nakakapagtaka na kung kanino ba talaga nagsisilbi ang sarili nating gobyerno—sa mamamayan ba o sa mayayaman?
Tayo ang papasan ng pagkasira sa kalikasan. Nariyan na ang pagkalbo sa kagubatan, pagpatag sa mga kabundukan, malawakang pagbaha, mga landslide, at ang matinding init ng panahon. Mas pinili pa ng gobyerno na kampihan ang korporasyong ito kaysa tugunan ang maanomalyang Ghost Flood Control Projects, gayon na rin ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka, mababang sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupang ninuno, at ang iba pang sistemang papalala sa kanayunan!
Panawagan sa lahat ng mga LGBTQIA+, kababaihan, manggagawang pangkultura, at sa buong sambayanang Pilipino: makiisa sa mamamayan ng Nueva Vizcaya para tutulan ang mapaminsalang pagmimina!
𝘿𝙀𝙁𝙀𝙉𝘿 𝙏𝙃𝙀 𝘿𝙀𝙁𝙀𝙉𝘿𝙀𝙍𝙎!
𝘼𝙁𝙋-𝙋𝙉𝙋, 𝙎𝘼𝙇𝙊𝙏, 𝙏𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙇𝙊𝙏, 𝙆𝘼𝙎𝘼𝙇𝙐𝙏-𝙎𝘼𝙇𝙐𝙏𝘼𝙉!
𝙎𝙄𝙂𝘼𝙒 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙐𝙈𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉: 𝙎𝘼𝙂𝙄𝙋𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉!