07/07/2026
HOUSE PROSECUTION, IGINIIT NA ANG PHOTOCOPY AY MAAARING MAITURING NA ORIHINAL
Iginiit ng House prosecution panel na maaaring kilalanin bilang orihinal na dokumento ang isang photocopy o digital copy, sa gitna ng pagtatalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Private Prosecutor Armando Virgil Ligutan, ang screenshot ng liham mula sa Meta ay maaari umanong ituring na certified true copy, kahit ito ay photocopy lamang.
Ito ay matapos tutulan ng defense panel ang naturang dokumento, dahil iginiit nilang hindi ito maituturing na certified true copy at hindi dapat tanggapin bilang ebidensiya.
Ipinaliwanag naman ni Ligutan na ang usapin tungkol sa admissibility o pagiging katanggap-tanggap ng documentary evidence ay dapat pag-usapan kapag pormal nang iniharap ang ebidensiya sa korte.