03/04/2026
๐๐ข๐๐ญ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐
Ang panahon ng Kwaresma at Semana Santa ay isang panawagan ng pagninilay-nilay sa pasyon ng ating Panginoong HesuKristo na siyang nag-alay ng kanyang buhay upang ipadama na siya ay Diyos ng mga naghihirap at Diyos ng mga dukha. Bagamaโt ito ay pagbabalik-tanaw, ang panahong ito ay ang pagbabaling din ng ating pansin sa ating mga kapatid na namamalagi sa lansangan o PSDS na silang mga kasalukuyang nakapako sa krus ng kahirapan. Sila ang mga kapatid nating pasan ang krus ng gutom, diskriminasyon, at kawalan ng tahanan.
Sa gitna ng ating pag-aayuno at pananalangin, tinatawag tayo ng Simbahan na buksan ang ating mga mata at puso sa mga itinuturing na "pinakamaliit" sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng video production na ito, nais nating ipakita na ang boses ni Hesus ay hindi lamang nagmumula sa altar o sa loob ng mga simbahan, kundi maririnig din ito sa bawat sulok ng kalsada, sa bawat kanto ng kalye, sa bawat hininga ng mga namamalagi sa bangketa.