Tanggol Magsasaka

Tanggol Magsasaka Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tanggol Magsasaka, Nonprofit Organization, Quezon City.

19/08/2026
02/08/2026

PANAGUTIN ANG MILITAR SA MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO AT INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW!
ILITAW AT PALAYAIN SI BINAY SERRANO! PALAYAIN SI CRISTINA PASION!

Ngayong ika-30 ng Hulyo 2026, iligal na inaresto ng 68th Infantry Battalion, 203rd Infantry Brigade (IBde) at Philippine National Police sina Binay Serrano at Cristina Pasion kaninang ala-6 ng umaga sa Brgy. San Isidro, Cabuyao, Laguna. Sapilitang inuugnay sina Pasion at Serrano sa mga rebolusyonaryong grupong NPA ng walang ligal na at mga ispekulasyon batayan.

Habang parehas na nagpapagamot si Serrano na isang katutubong Mangyan-Buhid na organisador ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan o BALATIK. At si Pasion ay isang Filipino-American na nagpasyang alamin ang kalagayan at makiisa sa naghihirap at inaaping mga magsasaka at katutubo ay iligal na dinakip ng pinagsamang PNP Cabuyao at CIDG Cabuyao.

Nakausap mismo ng mga paralegals kasama ng National Union of People's Lawyers o NUPL si Pasion at kasulukuyang sinisigurado ang ligtas niyang kalagayan sa kamay ng mga awtoridad.

Samantalang hindi pa rin matukoy kung nasaan si Serrano. Itinatanggi ng Cabuyao PNP at Cabuyao CIDG na nasa kanila si Serrano. Hangga't hindi siya inililitaw, tiyak na pinapasailalim siya sa matinding interogasyon at intimidasyon at sa pinakamalala ay torture.

Na karanasan na natin sa mga nakaraang mga panahon na may ganitong pangyayari. Katulad kay Mary Joyce Lizada na matapos mahuli ay hindi pinakikita sa pamilya at kahit sa mga abagado. Ang mga ganitong sistema ng mga Pulis at AFP ay hindi na bago. Lagi't lagi nila tayong pinagtuturu - turuan kung nasaan nakacostudy ang biktima ng kanilang iligal na inaresto.

Anu nga bang aasahan natin sa gubyerno at mga berdugong Pulis At militar na mga nangunguna sa paglabag sa Karapatang pantao?

Nangyari ang iligal na pag-aresto sa kanila matapos ang ‘overkill’ na military operation at engkwentro sa Brgy. Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro sa pagitan ng New People's Army (NPA) at pinagsamang pwersa ng 76th Infantry Batallion, 203rd Infantry Brigade, at 2nd Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines kahapon Hulyo 29. Nagresulta ito ng pagkasawi ng 3 hinihinalaang miyembro ng NPA at pananakot at sapilitang pagpapalikas sa mga residente gamit ang mga tangke.

Ang palaging na pipinsala at apektado sa ganitong pangyayari ay ang mga sibilyan, mga magsasaka at katutubo na sapilitang lumilikas sa kanilang komunidad dahil sa banta sa kanilang buhay. Inaalisan ng karapatan ang katutubo at magsasaka na makapagtrabaho sa kanilang sakahan. Ang malala pa ay hindi na talaga sila makabalik sa kanilang sariling lupang sakahan na pinagkukunan ng kabuhayan bunga ng tuloy-tuloy na operasyon sa kanayunan, mala garisong patakaran sa mga komunidad.

Tuluy - tuloy ang mga iligal na pag -aaresto sa mga organisador at aktibista kagaya na lamang noong Sona ni Marcos Jr kung saan 51 basta nalang dinampot ng pulis.

Muling pinatutunayan ng administrasyong Marcos Jr. ang teror, panunupil, at militarisasyon pa rin ang pangunahing tugon ng estado sa mga suliranin ng mamamayan. Sa halip na tugunan ang ugat ng kahirapan at kawalan ng hustisya, patuloy nitong ginagamit ang armadong pwersa ng estado upang supilin ang mga komunidad, at protektahan at panatilihin ang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan.

Naninindigan ang Tanggol Magsasaka -Timog Katagulugan na ang mga mamamayan ay dapat protektahan sa panahon ng armadong tunggalian alinsunod sa International Humanitarian Law. Nananawagan kami sa mga iba't ibang organisasyon at Commission on Human Rights na magkaroon ng independent at autonomous investigation hinggil sa nangyaring engkwentro sa Naujan.

Nagpapanawagan kami ilitaw si Binay Serrano na hanggang ngayon ay hindi pa pinapakita matapos na mahuli. At palayain si Cristina Pasion!

Isulong ang International Humanitarian Law!
Ilitaw at palayain si Binay Serrano!
Palayain si Cristina Pasion!



30/07/2026

CALL FOR DONATIONS: FREE SONA 9!

9 sa 51 kabataang artista na iligal na inaresto ng kapulisan noong Hulyo 27, kasabay ng SONA ni Bongbong Marcos Jr., ay nananatiling nakapiit dahil sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanila.

Kinasuhan ng Direct Assault at Other Mischiefs ang ating mga kasama at kaibigang kabataang artista mula sa iba't ibang artist collectives. Samantala, dalawang kasamang paralegal na iligal ding inaresto noong araw na iyon ay sinampahan naman ng kasong Obstruction of Justice.

Dalawa (2) sa siyam (9) na nananatiling nakakulong ay mga aktibong miyembro ng SINAGBAYAN—mga artistang nakakasama natin sa paglikha ng makabuluhan at mapagpalayang sining. Mga kabataang kaisa natin sa pagsusulong ng makabayan, siyentipiko, at makamasang sining at kultura.

Hindi makatarungan ang ilang araw nang panggigipit at pagkakakulong sa ating mga kasama. Ilegal at walang batayan ang pag-aresto sa kanila. Ang kanilang diumanong “kasalanan" ay ang paglikha ng sining na mapagmulat at nagsisilbi sa interes ng mamamayan.

Inaresto sila dahil lamang sa paglikha ng sining na makatotohanan at matapang na tumutuligsa sa kasakiman ng Meralco at ng gobyernong ginagawang negosyo ang mga batayang serbisyong dapat ay karapatan ng mamamayan. Ang mensaheng "MERALCO SINDIKATO" ay isang pampulitikang pahayag laban sa patuloy na pagpapasan ng taumbayan sa napakataas na singil sa kuryente. Sa ilalim ng EPIRA Law, tuloy-tuloy ang pagtaas ng singil habang lalong lumalaki ang kita ng malalaking pribadong korporasyon at mga bilyonaryong nakikinabang sa kasalukuyang sistema.

Kaugnay nito, nananawagan ang SINAGBAYAN, kasama ang iba pang artist collectives, para sa mga donasyong makatutulong sa inaasahang piyansa, gastusing legal, pagkain, at iba pang pangangailangan upang mapabilis ang paglaya ng ating mga kasama.

Para sa mga nais na magpaabot ng kanilang suporta, maaari kayong magpadala ng donasyon gamit ang QR code sa material. Pakilagay lamang ang note: "FREE THE HOMIES 9"

Anumang halaga ay malaking ambag sa patuloy na paglaban at agarang pagpapalaya sa ating mga kasama.

PALAYAIN ANG MGA KABATAANG ARTISTA!
FREE SONA 9!


ALERT: HPG, PNP AT COAST GUARD, ILIGAL NA INARESTO ANG MGA MAGSASAKA MULA SA GITNANG LUZON! Papunta ang 50 magsasaka mul...
27/07/2026

ALERT: HPG, PNP AT COAST GUARD, ILIGAL NA INARESTO ANG MGA MAGSASAKA MULA SA GITNANG LUZON!

Papunta ang 50 magsasaka mula Central Luzon para sa protesta ngayong SONA ni Marcos Jr. nang hinarang ng mga opisyal ang sinasakyan nioanh apat na van sa Mindanao Avenue.

Walang masabing violation ang mga humarang. Pinigilan din nila ang mga nakasakay na magsasaka na bumaba para mag-commute na lang. Ngayon ay epektibong diniditene sila ng mga opisyal kahit walang paglabag. Nagpumilit sumakay ang mga elemento ng PNP at coast guard sa vans ng mga magsasaka. Ngayon ay dinadala nila ang mga sasakyan papunta sa Bocaue, Bulacan para umano i-impound.

Mga pulis, coast guard, at HPG any may paglabag dito laban sa karapatang mapayapang magtipon at magprotesta.

27/07/2026
25/07/2026

ALERT: PANGHAHARAS SA MGA MAGSASAKA AT MGA MANGGAGAWANG BUKID NG STA. MARIA

Kaninang 4PM, July 24, naglibot ang mga naka-sibilyang pulis sa Sta. Maria at ipinagtanong ang mga pangalan ng mga nasa video na ipinost sa page ng DAGAMI. Nanawagan para sa lupa, sahod, at karapatan ang mga magsasaka at nag-iimbita sa nalalapit na SONA ng bayan kasabay ng SONA ni Marcos Jr.

Ang mga pulis ay rumonda sa mga komunidad at kumuha ng mga video.

Mariing kinukundena ng DAGAMI ang pananakot at surveillance ng mga state agents sa mga mahihirap na magsasaka ng mga komunidad. Malinaw na ang pananakot na ito ay isang paraan upang pigilan ang pagkilos ng mga magsasaka at mamamayan sa paggiit ng kanilang karapatan.

Tutulan ang Martial Law sa kanayunan ni Marcos Jr.!
Stop the attacks!
Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!
Pambansang Industriyalisasyon Isulong!

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanggol Magsasaka posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share