01/08/2025
ποΈ PRESIDENT CORAZON AQUINO β IKA-16 NA ANIBERSARYO NG KANIYANG PAGKAMATAY
Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-16 na anibersaryo ng pagpanaw ng dating Pangulo ng Pilipinas, Corazon βCoryβ Aquino, ang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa at simbolo ng mapayapang rebolusyon.
πΌ Si Cory Aquino ay kinikilalang Ina ng Demokrasya, na muling nagpanumbalik ng kalayaan at demokrasya sa ating bansa matapos ang 20 taong diktadurya sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Ang kanyang matatag na diwa ng pagmamahal sa bayan, pananampalataya, at mapayapang pakikibaka para sa katotohanan at hustisya ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino β lalo na sa kabataang patuloy na nangangarap ng isang mas maayos at makatarungang lipunan.
ποΈ Sa kanyang alaala, nawaβy magpatuloy tayong maging tagapagtanggol ng mga prinsipyong kanyang ipinaglaban: kalayaan, katotohanan, at pagkakaisa.
π "The Filipino is worth dying for." β Cory Aquino
π Kapsyon: Jeremiah E. OcceΓ±a
πΌοΈ Pubmat: Yohan Franchezka C. Literatus