01/05/2026
๐จ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐, ๐๐จ๐๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐
Sa pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Manggagawa ngayong Mayo Uno, muling umiigting ang panawagan ng mga manggagawa sa buong bansa: makatarungang sahod, mas mababang buwis at mas malawak na karapatan sa paggawa. Sa kabila ng mahalagang papel ng uring manggagawa sa pagpapatakbo ng ekonomiya, nananatiling salat ang kanilang tinatanggap na sahod kumpara sa lumulobong presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Layunin ng mga mobilisasyon ngayong Mayo Uno na ipakita ang lumalawak na agwat sa pagitan ng kinikita ng manggagawa at ng aktwal na gastusin sa araw-araw. Habang patuloy na tumataas ang presyo ng pagkain, pamasahe, at iba pang pangangailangan, nananatiling mabagal at kulang ang pagtaas ng sahodโisang sitwasyong lalong nagpapabigat sa buhay ng karaniwang manggagawa.
Isang malinaw na halimbawa nito ang nangyari sa mga manggagawa ng Kowloon House West, kung saan ilang araw lamang matapos ang tagumpay sa pagpapatupad ng P20 na wage compliance, 80 manggagawa ang nakatanggap ng abiso ng terminasyon dahil umano sa โhealth issues.โ Ayon sa unyon, itinuturing itong ganting hakbang ng pamunuan matapos ang anim na araw na welga at ang paglagda ng kasunduan sa pagitan nila at ng Glowhrain-KMU Kowloon House West Chapter. Ipinapakita nito ang patuloy na pagsikil sa karapatan ng mga manggagawang nagtatangkang ipaglaban ang nararapat sa kanila.
Hindi nalalayo rito ang danas ng mga manggagawang Bulakenyo. Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Gitnang Luzon, kung saan kabilang ang Bulacan, ay nasa humigit-kumulang P515 - P600 kada araw, nakadepende pa sa sektor na kinabibilangan. Isang halagang malayo sa tinatayang family living wage na P1,100 na kinakailangan upang matustusan ang disenteng pamumuhay ng isang pamilya. Sa harap ng mataas na presyo ng bilihin at buwis na patuloy na kumakaltas sa kanilang kita, lalo pang lumalalim ang kahirapan sa hanay ng mga manggagawa.
Sa ganitong konteksto, ang Mayo Uno ay hindi lamang paggunita kundi isang panawagan. Panawagan ito sa pamahalaan na agarang itaas ang sahod, repasuhin ang mga polisiyang nagpapabigat sa manggagawa, at tiyakin ang ganap na proteksyon sa karapatan sa pag-uunyon at kolektibong pakikipagtawaran. Ang isyu ng sahod ay hindi lamang usapin ng ekonomiya, kundi usapin ng buhay, dignidad, at katarungan.
Sa kabila ng mga hamon, nananatiling matatag ang paninindigan ng uring manggagawa. Sa pagkakaisa ng mga manggagawa sa lungsod man o probinsyaโtulad sa Bulacanโmas lalong lumalakas ang panawagan para sa makatarungang sahod at makataong kundisyon sa paggawa.
Gayunpaman, hindi maikakaila na ang mga suliraning ito ay nakaugat sa mas malawak na estruktura ng kasalukuyang sistemang pang-ekonomiya, kung saan inuuna ang tubo kaysa kapakanan ng manggagawa. Sa ilalim ng ganitong kaayusan, nagiging normal ang mga polisiyang tulad ng ENDO o kontraktwalisasyon na nagpapahina sa seguridad sa trabaho at karapatan ng manggagawa. Sa halip na tunay na proteksyon, nagiging pansamantalang benepisyo lamang ang iniaalokโhabang nananatiling hindi natutugunan ang ugat ng kawalang-katiyakan sa paggawa.
Kung gayon, ang panawagan para sa makatarungang sahod ay hindi lamang usapin ng dagdag-kita, kundi bahagi ng mas malawak na laban para sa disenteng trabaho, seguridad sa hanapbuhay, at makataong pagtrato sa paggawa. Hindi sapat ang bahagyang reporma kung nananatiling buo ang mga estrukturang nagpapahintulot sa pagsasamantala.
๐๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ด๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ผ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐๐๐๐ถ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎโ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ด๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐๐ฎ.
๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ, ๐๐จ๐ช๐๐ฆ ๐๐๐๐๐!
๐ก๐๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐, ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก!
Isinulat ni Ails Benedict Macababbad
PubMat ni Aaliyah Jemuelle Aduna