08/01/2026
Ikaw na laging bumabanat, alam mo naman siguro kung sino ka. Sana mabasa mo ’to dahil nagmumukha kang b*b* sa mata ng mga tao. Sabi mo sa sarili mo isa kang mamamahayag—pero parang hindi naman. Kung isa kang mamamahayag, dapat alam mo ’to. Kung mamamahayag ka talaga, dapat alam mo ang responsibilidad ng isang hindi pekeng mamamahayag.
Ang ginagawa mo ngayon, puro banat na walang sapat na beripikasyon. Yung handbook na tinutukoy mo, sana man lang inimbestigahan mo muna lahat ng nakasulat diyan—hindi yung naka-base ka lang sa takbo ng utak mo na wala sa ayos.
Tanungin nga kita: alam mo ba mismo ang nilalaman ng handbook na ’yan? O eto, para mas maintindihan ng utak mo—alam mo ba ang takbo sa loob ng RKOM? Sagutin mo ’yan nang tapat, hindi yung puro opinion mo lang na walang kwenta, parang ikaw.
Nagba-banat ka nang wala sa lugar. By-the-book ka lang, pero wala kang idea kung paano talaga tumatakbo ang RKOM. Kung may gusto kang i-criticize, siguraduhin mo munang alam mo ang buong konteksto—hindi lang kung ano ang naiisip mo.
Nag-aral ka ba talaga? O inaral mo man lang ba ang propesyon mo? Kung oo, bakit ganun? Bakit parang hindi mo alam? Ito kasi ang lumalabas sa’yo ngayon: lack of due diligence, failure to verify facts, one-sided interpretation, opinionated without investigation, at irresponsible broadcasting.
Ang tapang mong tao dahil ang layo mo, at ang tapang mo rin sa harap ng camera. Subukan mo kayang umuwi muna at dito ka magngawngaw—tingnan natin ang tapang mo.
Pero sana maisip mo o itanong mo sa sarili mo: mamamahayag ba talaga ako? Kung oo, dapat alam ko muna ang lahat bago ako magsalita. Ayaw kong magmukhang b*b* sa harap ng mga tagapakinig ko!