21/09/2026
Sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr., buong paninindigang kinokondena ng UP Society of Geodetic Engineering Majors ang paulit-ulit na sistema ng korapsyon sa ating lipunan. Buhay at patuloy ang ating kasaysayan dahil ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at kawalang pananagutan ay malinaw na sumasalamin pa rin sa mga krisis na kinakaharap natin ngayon. Ito ay paalala na hindi pa rin natatapos ang laban para sa pananagutan.
Basahin ang buong pahayag ng UP Society of Geodetic Engineering Majors sa anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar, at sa mga isyu ng korapsyong kinakaharap ng Pilipinas:
๐๐๐๐ฟ๐๐๐๐พ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐!
Sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar noong 21 Setyembre 1972, buong paninindigang kinokondena ng mga kasapi ng University of the Philippines Society of Geodetic Engineering Majors (UP GEOP) ang mga paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso sa kapangyarihang naganap sa ilalim ng diktadurang Marcos Sr. Sa ilalim ng Proclamation No. 1081 at mga sumunod na kautusan, pinalawak ang kapangyarihan ng ehekutibo at militar at pinairal ang malawak na kontrol sa buhay pampubliko. [1]
Hindi rin maihihiwalay sa Batas Militar ang mga malulubhang paglabag sa karapatang pantao. Sa ilalim ng Republic Act No. 10368, kinilala ng pamahalaan ang mga biktima ng pagpatay nang walang paglilitis, tortyur, sapilitang pagkawala, at iba pang paglabag na naganap sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Sr. [2]
Kasabay ng mga ito ang mga usapin hinggil sa maling paggamit ng kapangyarihan at pampublikong yaman. Itinatag ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong 1986 upang mabawi ang ill-gotten wealth na naipon umano sa pamamagitan ng maling paggamit ng pampublikong katungkulan at kapangyarihan. [3] Sa mga sumunod na taon, ilang kaso kaugnay ng mga naturang mga ari-arian ang umabot sa Korte Suprema, kabilang ang Swiss deposits na iniutos na mapasakamay ng Republika noong 2003. [4] Noong 2012, kinilala rin ng Korte Suprema bilang ill-gotten wealth ang mga ari-arian ng Arelma at iniutos na mapasakamay ng Estado. [5]
Ang mga pangyayaring ito ay nagpapaalala sa kahalagahan ng transparency at pananagutan sa paggamit ng kapangyarihan at pondo ng bayan. Sa harap ng mga suliraning kinakaharap ng bansa ngayon, mahalagang isabuhay ang mga aral ng kasaysayan sa pagtataguyod ng pananagutan at paglilingkod sa bayan.
Bilang mga iskolar at geodetic engineer ng bayan, nananawagan kami para sa pananagutan at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na sa mga proyektong direktang nakakaapekto sa kaligtasan at kabuhayan ng mamamayan. Hindi dapat maging daan ang mga proyektong pang-imprastraktura upang pagkakitaan ng iilan ang pondong para sana sa serbisyo publiko. Dapat tiyakin na ang bawat proyektong pinopondohan ng taumbayan ay maayos na napaplano, ipinapatupad, nasusuri, at napapakinabangan ng mga komunidad na higit na nangangailangan nito.
Nananawagan din kami para sa kagyat na pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pamasahe, kuryente, gasolina at iba pang gastusin na higit na nagpapabigat sa mga ordinaryong Pilipino. Noong Agosto 2026, umabot sa 6.1% ang pambansang inflation, habang mas mataas pa ang naitalang inflation sa maraming lugar sa labas ng NCR.
Hindi rin dapat isantabi ang krisis sa edukasyon, kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, kawalan ng sapat at ligtas na pampublikong imprastraktura, at lumalalang epekto ng climate change at mga sakuna. Sa harap ng mga pagbaha at iba pang mga panganib, kinakailangan ang paggamit ng siyentipiko, makatao, at pangmatagalang mga solusyonโhindi mga proyektong panandalian lamang o nakatuon sa pansariling interes.
Sa huli, naninindigan kami para sa isang pamahalaang may pananagutan, mga serbisyong pampubliko na tunay na naaabot ng mamamayan, at isang lipunang ang agham at inhenyeriya ay ginagamit para sa kapakanan ng lahat. Ang pondo ng bayan ay para sa bayan. Ang agham ay para sa bayan. At ang inhenyeriya ay dapat laging nakaugat sa paglilingkod sa sambayanan.
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐!
๐๐ก๐๐๐ก๐ฌ๐๐ฅ๐ข, ๐๐๐๐๐ก๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฉ๐ ๐ง๐๐ ๐ฃ๐๐ข๐ฃ๐๐!
๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก ๐ง๐ข ๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐๐ ๐๐๐ช!
1, Supreme Court of the Philippines. (1972, September 22). General Order No. 1. Supreme Court E-Library. Supreme Court E-Library โ General Order No. 1
2. Republic of the Philippines. (2013). Republic Act No. 10368: Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013. Lawphil. Republic Act No. 10368 โ Lawphil
3. Presidential Commission on Good Government. (n.d.). Mandates. PCGG โ Mandates
4. Supreme Court of the Philippines. (2003, July 15). Republic of the Philippines v. Sandiganbayan, Ferdinand E. Marcos, and Imelda Romualdez Marcos, G.R. No. 152154. Supreme Court E-Library. Supreme Court E-Library โ G.R. No. 152154
5. Supreme Court of the Philippines. (2012, April 25). Ferdinand R. Marcos, Jr. v. Republic of the Philippines, represented by the Presidential Commission on Good Government; Imelda Romualdez-Marcos v. Republic of the Philippines, G.R. Nos. 189434 & 189505. Supreme Court E-Library. Supreme Court E-Library โ G.R. Nos. 189434 & 189505