PAMALAKAYA-Pilipinas

PAMALAKAYA-Pilipinas National Federation of Small Fisherfolk Organizations in the Philippines. Uniting the Filipino fishers towards a genuine fisheries reform.

LOOK: Members of the fishers’ group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) from Cavite and ...
06/10/2026

LOOK: Members of the fishers’ group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) from Cavite and Navotas filed a complaint before the Commission on Human Rights (CHR) over what they describe as “coordinated harassment” by government officials and authorities against small fisherfolk in Manila Bay on Tuesday, October 6, 2026.

The group urges the CHR to investigate alleged harassment, surveillance, and intimidation by individuals claiming to be from the government. Fisherfolk say the incidents target members campaigning against reclamation, seabed quarrying, and other activities they say threaten the bay’s marine and coastal resources.

📷 Santi San Juan | MB

LOOK | Members of the activist fishers’ group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) from C...
06/10/2026

LOOK | Members of the activist fishers’ group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) from Cavite and Navotas filed a complaint at the Commission on Human Rights (CHR), in regards to the “coordinated harassment” by government officials and authorities against small fisherfolk in Manila Bay.

In a letter addressed to CHR Chair Atty. Richard Palpal-latoc, the fishers’ group urged for an investigation on the “series of harassment and intimidation” from the authorities, who identified themselves as from the Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), against local chapters of PAMALAKAYA, who are active in campaign for the protection of Manila Bay against reclamation, seabed quarrying, and other forms of conversion.

The harassment, according to the complaint, includes constant visitations and profiling from the two OPAPRU authorities, as well as constant messaging from unknown individuals seeking organization’s information in exchange for financial assistance.

PAMALAKAYA logged some incidents of harassment against its local members, including constant visitation from the OPAPRU members, surveillance, profiling, and “fake surrender program”.

“The government’s coordinated harassment against fisherfolk in Manila Bay does not only concern the safety and security of our local members. It also undermines the fishing sector’s collective efforts to preserve the marine and coastal resources against destruction.

The fishers who have been subjected to State harassment are the fishers who tirelessly campaign for the protection of our environment. They don’t deserve such dirty tactics of intimidation, surveillance, and coercion from the authorities.

We urge the CHR to dispatch investigators and look into these serious cases of violation of human rights. The OPAPRU should be made to explain on why it has been targeting the legitimate concerns of the fisherfolk for socio-economic and environmental rights,” Fernando Hicap, PAMALAKAYA National Chairperson said in a statement. # # #

06/10/2026
01/10/2026
30/09/2026

Iginiit ng PAMALAKAYA-Pilipinas na nananatiling hindi makapalaot ang halos kalahati ng maliliit na mangingisda dahil sa mataas na presyo ng gasolina, kahit may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PAMALAKAYA Chairperson Fernando “Ka Pando” Hicap, sinabi nitong umaabot na sa 90% ng kabuuang gastos sa paglaot ang napupunta sa gasolina, mula sa tinatayang 80% bago nagsimulang tumaas ang presyo ng langis.

Dahil dito, napipilitan aniya ang ilang mangingisda na huwag nang pumalaot, habang ang iba ay naglalakad na lamang dala ang kanilang maliliit na bangka patungo sa tubig upang mabawasan ang gastos sa gasolina.

Ayon kay Hicap, halos 50% ng maliliit na mangingisda sa bansa ang hindi nakapapalaot dahil wala silang sapat na kapital para matustusan ang mataas na gastos sa pangingisda.

Babala niya, kung magpapatuloy ang sitwasyon, maaaring maapektuhan ang suplay ng isda sa merkado dahil nababawasan ang bilang ng mga mangingisdang nakapapalaot.

Patuloy naman ang panawagan ng grupo sa pamahalaan na tulungan ang maliliit na mangingisda na maibsan ang kanilang gastusin sa pangingisda, upang matiyak ang kanilang kabuhayan at mapanatili ang suplay ng isda sa mga pamilihan.

Nakikiisa ang mga mangingisda sa ilalim ng PAMALAKAYA-Pilipinas sa dalawang araw na tigil-pasada at mobilisasyon ng PIST...
30/09/2026

Nakikiisa ang mga mangingisda sa ilalim ng PAMALAKAYA-Pilipinas sa dalawang araw na tigil-pasada at mobilisasyon ng PISTON: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide laban sa sunod-sunod na oil price hike.

Para sa mga mangingisda, hindi simpleng dagdag-gastos ang bawat pagtaas ng presyo ng diesel. Direktang bawas ito sa oras ng pangingisda, sa kita, at sa pagkaing naiuuwi ng bawat pamilya. Kapag mahal ang krudo, napipilitang paikliin ang oras sa dagat, umutang para lamang makapalaot, o tuluyang ihinto ang operasyon.

Lalong mabigat ito sa panahong matagal nang sinasalanta ang kabuhayan ng mga mangingisda ng pababang huli, masamang panahon, at patuloy na kombersyon at pribatisasyon ng mga pangisdaan. Umaabot sa 80-90 porsyento ng gastos sa produksyon ng ilang mangingisda ang krudo, kaya bawat oil price hike ay direktang kumakain sa kanilang kakarampot nang kita.

Hindi rin ito problema ng mga mangingisda at tsuper lamang. Kapag tumataas ang presyo ng langis, kasunod nitong tumataas ang gastos sa produksyon at transportasyon ng isda, gulay at iba pang pangunahing bilihin. Sa huli, ordinaryong mamamayan ang sumasalo sa bigat ng patuloy na pagmahal ng petrolyo.

Malaking bahagi ng problemang ito ang Oil Deregulation Law o Republic Act 8479, na nagbigay-laya sa malalaking kumpanya ng langis na magtakda ng presyo ayon sa galaw ng pandaigdigang merkado. Sa halip na pangalagaan ang mamamayan laban sa walang tigil na taas-presyo, hinayaan ng estado na manatiling nakatali ang presyo ng langis sa interes ng malalaking korporasyon at sa dikta ng merkado.

Patuloy nating igigiit ang pagbabasura sa RA 8479, pag-aalis ng VAT at excise tax sa langis, agarang rollback ng presyo ng diesel, sapat at direktang subsidyo sa mga mangingisda at magsasaka, at pagpapatigil sa kombersyon at pribatisasyon ng mga pangisdaan.

PRESYO NG LANGIS, IBABA!

TINGNAN: Lumahok ang mga kababaihang lider ng Pamalakaya Navotas at Bangka - Babae, Abante para sa Karapatan sa Karagata...
30/09/2026

TINGNAN: Lumahok ang mga kababaihang lider ng Pamalakaya Navotas at Bangka - Babae, Abante para sa Karapatan sa Karagatan sa ginanap kamakailan na community art workshop na "May Lugar Ka Dito," bahagi ng Uprising/Artivism Fellowship ng APWLD - Asia Pacific Forum on Women, Law and Development, na pinangungunahan ng artista ng bayan at community organizer na si Patreng Non.

Sa pamamagitan ng sining at pagkukuwento, ibinahagi ng mga kababaihang mangingisda ang kanilang mga karanasan sa pagtatanggol sa karagatan, mula sa kabuhayan at produksyon ng pagkain hanggang sa pangangalaga sa komunidad, food sovereignty, at sama-samang paglaban para sa karapatan sa dagat at likas-yaman.

Sentro sa mga likha ang kanilang pakikibaka upang tutulan ang mga mapanirang proyekto sa baybayin, gaya ng reklamasyon na banta sa kalikasan at karapatan sa pangisdaan.

Ang kanilang mga likhang-sining at kuwento ay magiging bahagi ng isang eksibisyon sa Bangkok, Thailand, na magdadala sa mga karanasan at tinig ng mga kababaihang mangingisda at iba pang sektor at komunidad sa mas malawak na talakayan sa rehiyon.

📸 Mike Olea, Patreng Non

29/09/2026

Epekto ng mataas na presyo ng krudo sa mga mangingisda, alamin sa panayam sa Pamalakaya o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas.

Abangan sa Unang Balita sa Unang Hirit.

Address

Manila Bay
Quezon City
1102

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAMALAKAYA-Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PAMALAKAYA-Pilipinas:

Shortcuts

Share