Kilusang Mayo Uno

Kilusang Mayo Uno Tagapamandila ng tunay, palaban at makabayang unyonismo KMU’s present membership is widely spread across the industrial, service and agricultural workers.

The Kilusang Mayo Uno (KMU) is an independent labour center promoting genuine, militant and patriotic trade unionism. It is genuine because it recognizes the struggle between labor and capital and upholds the legitimate interests of the working class; militant because it relies on the workers collective struggle in defending trade union and democratic rights; and patriotic because it seeks to end imperialist domination and control over the Philippines. In particular, the KMU aims to protect and promote the workers’ right to employment, a decent wage, humane working conditions, and their right to form unions, bargain collectively and to strike; defend the workers movement from yellow unionism and its reformist, economist and collaborationist tendencies; and heighten the political awareness and class consciousness of the workers through massive education, organizing and mobilizations in and out of the workplace. KMU was established on May 1, 1980 during the last years of the dark days of Martial Law under the Marcos dictatorship. Its launching activity at the Araneta Center in Cubao was the biggest conglomeration of workers during martial law, attended by more or less 50,000 people. It has 9 labour federations namely:

National Federation of Labor Unions-KMU (NAFLU-KMU), Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations-KMU (ANGLO-KMU), Association of Democratic Labor Organization-KMU (ADLO-KMU), Ilaw at Buklod ng Manggagawa-KMU (IBM-KMU), National Federation of Workers Union (NFWU-KMU), Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant and Allied Industries (GLOWHRAIN), Drug, Food and Allied Workers Federation (DFA), Labor Alliance for Development (LAND), and Organized Labor Association in Line Industry and Agriculture (OLALIA). Three (3) mass organizations of are also under its wing, namely, the Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), the Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) and MIGRANTE Philippines. KMU has chapters in major regions in Luzon, Visayas and Mindanao. KMU has bilateral and working relations with unions in Asia and the Pacific, Europe, Latin America, Africa and North and South America. KMU is an affiliate of the International Trade Union Confederation (ITUC) and ITUC Asia Pacific. It is a member of regional and international networks and organizations, among them, the International League of People’s Struggles (ILPS), Southern Initiative on Globalization and Trade Union Rights (SIGTUR), Asia Pacific Workers Solidarity Links (APWSL), Committee on Asian Women, Clean Clothes Campaign, Good Electronics and Our World is Not For Sale network. KMU is also an associate member of the International Migrants Alliance (IMA).

21/09/2026

PANOORIN: Talumpati ni Kilusang Mayo Uno Secretary General Mary Ann Castillo ngayong Setyembre 21.

Lahat ng sangkot, dapat managot!

21/09/2026

IKULONG NA YAN, MGA KURAKOT!

Dumagundong ang panawagang panagutin sa Carriedo!

Mula Liwasang Bonifacio hanggang Mendiola, mas lumalakas ang panawagang panagutin ang lahat ng kurakot! 1,200 National M...
21/09/2026

Mula Liwasang Bonifacio hanggang Mendiola, mas lumalakas ang panawagang panagutin ang lahat ng kurakot! 1,200 National Minimum Wage, ipaglaban!

Never again, Never forget!

DOLE, BINAHA NG PROTESTA NG MGA MANGGAGAWANag-umpisa na ang baha ng protesta laban sa mga korap at pahirap!Sa DOLE, kinu...
21/09/2026

DOLE, BINAHA NG PROTESTA NG MGA MANGGAGAWA

Nag-umpisa na ang baha ng protesta laban sa mga korap at pahirap!

Sa DOLE, kinundena ng mga manggagawa ang kainutilan ng ahensya. Sa pamumuno ni Tol at Bongbong kasabwat ng mga kapitalista, binabaan at hinarangan ang mumo na ngang dagdag-sahod sa panahon ng napakatinding krisis.

Umpisa pa lang ito ng tuluy-tuloy na protesta ngayong araw. Sasanib ang mga manggagawa sa malawak na hanay ng mamamayan sa Liwasang Bonifacio mamayang alas-3 ng hapon laban sa korap, pahirap, pasista, at papet ng rehimeng Marcos.

Handa ka na bang dumamay? 🤝👫👬👭🧑‍🤝‍🧑BAHA NG PROTESTA - September 211:00 PM - DOLE Intramuros3:00 PM - Liwasang Bonifacio
20/09/2026

Handa ka na bang dumamay? 🤝👫👬👭🧑‍🤝‍🧑

BAHA NG PROTESTA - September 21
1:00 PM - DOLE Intramuros
3:00 PM - Liwasang Bonifacio

BAWAL NANG MANGORAP! 💃🏻🌈September 21, 2026 1:00 PM - DOLE Intramuros3:00 PM - Liwasang Bonifacio
19/09/2026

BAWAL NANG MANGORAP! 💃🏻🌈

September 21, 2026
1:00 PM - DOLE Intramuros
3:00 PM - Liwasang Bonifacio

BLACK FRIDAY PROTEST LABAN SA MEGA OIL PRICE HIKE AT WAGE DECREASENagprotesta ang mga manggagawa, kabataan, at artista l...
18/09/2026

BLACK FRIDAY PROTEST LABAN SA MEGA OIL PRICE HIKE AT WAGE DECREASE

Nagprotesta ang mga manggagawa, kabataan, at artista laban sa kainutilan ng gubyernong Marcos na tugunan ang krisis sa presyo ng krudo. Bahagi ito ng tuluy-tuloy na pagkilos ng mamamayan tungo sa Setyembre 21.

Sa harap ng nagbabadyang mega oil price hike sa sunod na linggo, ibinaba pa ng gubyernong Marcos ang maliit na ngang dagdag-sahod para sa minimum wage earners sa NCR.

Habang naghihirap at lubog sa baha ang mga manggagawa, lumalangoy sa bilyun-bilyong yaman ang nagsasabwatang gubyerno at kapitalista.

Kaya sa Setyembre 21, kikilos ang manggagawang Pilipino. Sama-sama nating bahain ang mga korap at pahirap!

Kitakits!

Setyembre 21, 2026

1:00 PM - DOLE Intramuros
3:00 PM - Liwasang Bonifacio

BAHAIN NG PROTESTA ANG MGA KORAP AT PAHIRAP!Habang hinahambalos ng matinding krisis at delubyo ang mga manggagawa at ord...
17/09/2026

BAHAIN NG PROTESTA ANG MGA KORAP AT PAHIRAP!

Habang hinahambalos ng matinding krisis at delubyo ang mga manggagawa at ordinaryong Pilipino, todo sa pagpapakasasa at pagpapakatuta ang mga burukrata-kapitalista sa gubyerno.

Sama-sama tayong kumilos para sa pananagutan at para ipagtanggol ang ating kagalingan. Oras na para bahain muli ang lansangan ng protesta! Mga kapwa manggagawa, tara na!

Setyembre 21, 2026
1:00 PM - Department of Labor and Employment, Intramuros, Manila
3:00 PM - Liwasang Bonifacio

IPATUPAD ANG WAGE ORDER 27! DAGDAG-SAHOD, NGAYON NA!Naninindigan ang Kilusang Mayo Uno na kagyat na ipatupad ang P60.00 ...
14/09/2026

IPATUPAD ANG WAGE ORDER 27! DAGDAG-SAHOD, NGAYON NA!

Naninindigan ang Kilusang Mayo Uno na kagyat na ipatupad ang P60.00 wage increase simula July 25 na nakasaad sa Wage Order 27 (na pauna pa lang sa kabuuang P85 wage increase). Walang batayan upang hindi ito ipatupad. Iligal ang injunction order at iba pang pamamaraan ng pagharang ng dagdag-sahod ng korte.

Hindi dapat gawing pamalit ang Wage Order 28 sa Wage Order 27. Sa WO 28, ang P60 dagdag-sahod ay magiging epektibo lang sa Setyembre 26. Ibig sabihin, P60 arawang umento ang pinagkait sa 1.1 milyong manggagawa sa NCR simula July 25 batay sa WO 27. Katumbas ito ng 2.2 bilyong pisong hindi natanggap ng manggagawa na nadagdag lamang sa bilyun-bilyon na nga’ng tubo ng mga kapitalista.

Kung may iba pang wage hike order bukod sa WO 27, ito’y dagdag pa na nararapat lang dahil sa tindi ng krisis.

Sa harap ng panggugulo ng nagsasabwatang kapitalista, DOLE, at gubyernong Marcos, lalo lamang nailalantad ang kabulukan ng kasalukuyang sistema ng pagtatakda ng sahod sa ilalim ng Regional Wage Boards. Sa ilalim ng RWBs, ipinapako sa napakababang halaga ang sahod ng mga manggagawa, pinaghihiwa-hiwalay batay sa industriya (agrikultura, manufacturing, serbisyo at retail), at pinag-iiba ang sahod sa mga rehiyon at hanggang sa klasipikasyon ng munisipalidad. Lahat ito upang tiyaking mababa ang sahod ng manggagawa, at sa kabilang banda, mataas ang tubo ng mga kapitalista.

Dapat nang ibasura ang Wage Rationalization Law, buwagin ang RWBs, at muling ibalik ang iisang pamantayan sa minimum na sahod sa buong bansa sa antas na nakabubuhay.

Nananawagan ang Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawang Pilipino na igiit ang dagdag-sahod sa kani-kanilang pagawaan, maglunsad ng mga pagkilos kasama ang iba pang mga manggagawa, at sumama sa mga protesta sa mga susunod na araw para sa nakabubuhay na sahod - PHP1200 nationwide!

MANGGAGAWA, KATUTUBO, MAGSASAKA,BUONG MAMAMAYAN, AYAW SA PAX SILICA!Sinalubong ng protesta ng manggagawa't mamamayan ang...
13/09/2026

MANGGAGAWA, KATUTUBO, MAGSASAKA,
BUONG MAMAMAYAN, AYAW SA PAX SILICA!

Sinalubong ng protesta ng manggagawa't mamamayan ang ocular ng mga dayuhang mamumuhunan ng Luzon Economic Corridor sa iba't ibang bahagi ng Central Luzon.

Sa engklabo sa Clark, Pampanga; opisina ng BCDA sa Capas, Tarlac; at sa komunidad ng mga Ayta, nagkapit-bisig ang iba't ibang sektor laban sa imperyalistang panghihimasok at pandarambong.

Inilantad ng mga grupo ang idudulot nitong pagpapalayas sa mga katutubo at magsasaka, at pagpapasidhi ng pagsasamantala sa mga manggagawa na idudulot ng Pax Silica.

Sa mga susunod na araw tuluy-tuloy pa nating palakasin ang ating mga panawagan:

PHILIPPINES NOT FOR SALE! UNCLE SAM GO AWAY!

ITAKWIL ANG PAX SILICA!

LUPA SA MAGSASAKA, HINDI PAX SILICA!

LUPA SA KATUTUBONG MAMAMAYAN, HINDI SA DAYUHAN!

TUNAY NA INDUSTRIYA, HINDI PAX SILICA!

Address

Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kilusang Mayo Uno posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kilusang Mayo Uno:

Shortcuts

Share

Category