START AIT: Student Action for Responsive Leadership in Tourism

Contact the organization

START AIT: Student Action for Responsive Leadership in Tourism START AIT is the leading formation on inclusive and accountable leadership in AIT.

The principles of the organization are encapsulated in the word START: Service, Transparency, Accessibility, Responsiveness, and Thorough Consultation.

 : ๐™ƒ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„ ๐˜ฝ๐™๐™๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™”๐™Ž๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰. ๐™ƒ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐™Š๐™ƒ๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‰.Sa araw na ito, ating inaalala ang pagpapatupad ng Batas Mil...
21/09/2026

: ๐™ƒ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„ ๐˜ฝ๐™๐™๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™”๐™Ž๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰. ๐™ƒ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐™Š๐™ƒ๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‰.

Sa araw na ito, ating inaalala ang pagpapatupad ng Batas Militar sa Pilipinas noong ika-21 ng Setyembre 1972โ€”hindi upang papurihan ang panahong iyon, kundi upang alalahanin ang mga naging biktima nito at ang isang madilim na bahagi ng ating kasaysayan. Sa panahong ito, nakaranas ang mga Pilipino ng kawalan ng kalayaan, pang-aabuso, at maging pagkakasawi ng maraming Pilipino dahil sa kanilang pagboses at paglaban sa rehimeng Marcos Sr.

Bilang mga kabataan, maaaring wala tayong personal na karanasan sa Batas Militar dahil hindi pa tayo ipinapanganak noon. Ngunit ang kawalan ng personal na karanasan ay hindi dapat maging dahilan upang talikuran ang kasaysayan. Hindi kailangang naranasan natin mismo ang isang pangyayari upang kilalanin ang bigat at epekto nito. Ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan ay hindi simpleng pag-alaala lamangโ€”ito ay isa sa maraming paraan upang mas maunawaan natin ang kasalukuyan, makapagpasya nang mas maingat, at kilalanin ang kahalagahan ng kalayaan, demokrasya, karapatang pantao, at isang pamahalaang may malasakit at pananagutan sa mamamayan.

Hindi natin kailangang maranasan ang nangyari noon upang maunawaan ang lupit at higpit ng rehimeng Marcos Sr. Ang kailangan natin ay mga taingang handang makinig at mga isipang handang umunawa sa mga salaysay ng mga taong mismong nakaranas ng dahas ng Batas Militar. Hindi natin kailangang makita ang sakit upang kilalanin na may mga Pilipinong nasaktan, nawala, at inabuso. Hindi natin kailangang maging saksi sa isang pangyayari upang tumindig sa panig ng katotohanan tungkol dito.

Kaya sa araw na ito, nakikiisa ang START AIT sa paggunita at pag-alaala sa mga naging biktima ng pagpapatahimik gamit ang dahas, pagbaba ng ekonomiya, pagpapalaganap ng takot sa buong bansa, pagsara ng mass media, at kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag. Ito ang panahon upang alalahanin ang mga boses na pinatahimik, ang mga pamilyang nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay, at ang mga Pilipinong nagpatuloy na manindigan para sa ating kalayaan at mga karapatan.

Huwag nating hayaang mabaon sa limot ang mga aral ng nakaraan. Dahil ang kasaysayan ay hindi lamang tungkol sa mga nangyari noon. Ito rin ay paalala sa kung anong uri ng kinabukasan ang dapat nating pangalagaanโ€”isang kinabukasang hindi kailangang muling pagdaanan ang parehong sakit upang matutong manindigan para sa kalayaan, karapatang pantao, at katotohanan.






 : ๐—•๐—”๐—›๐—”, ๐—•๐—”๐—›๐—”, ๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ž๐—” ๐— ๐—”๐—ช๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”?Ating maaalala na nitong mga nakaraang linggo, patuloy tayong nakararanas ng malalakas...
21/09/2026

: ๐—•๐—”๐—›๐—”, ๐—•๐—”๐—›๐—”, ๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ž๐—” ๐— ๐—”๐—ช๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”?

Ating maaalala na nitong mga nakaraang linggo, patuloy tayong nakararanas ng malalakas na ulan at hanging dulot ng Habagat. Nang dahil dito, palaging nasususpende ang mga klase mula kinder hanggang kolehiyo. Bakit nga ba makailang beses nasususpende ang mga klase? Bakit ang palaging alternatibong solusyon ay ang pag-iiba ng paraan ng pag-aaral?

Simulan natin ang diskurso sa rason kung bakit ito nangyayari. Maliban sa malakas na ulan at hanging dala at dulot ng habagat, ang hindi maayos na flood control projects rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng baha sa ibaโ€™t-ibang panig ng ating bansa. Lubos na malala ang pagbahang nararanasan natin: maraming naaapektuhang mamamayan, maraming paaralan ang lumubog sa baha, at maraming estudyanteng naapektuhan. Ayon nga sa ulat ni Martin Sadongdong (2026) sa Manila Bulletin, mahigit walong milyong indibidwal ang naapektuhan ng habagat. 646 na lugar ang nalubog sa bahaโ€”kabilang na rito ang Quezon City. Higit pa rito, napipilitan na lamang ang ibang tao na lumusong sa baha dahil sa pangangailangang makabili ng pagkain para sa pamilya o pumasok sa kanilang mga trabaho, kung saan sapilitan din nilang naisasakripisyo ang kanilang sariling kalusugan.

Imbis na magkaroon ng konkreto at maayos na solusyon para maiwasan ang malaking problema sa potensyal at inaasahang pagbaha sa ating bansa, pawang puro reaktibong solusyon na lamang ang naisasagawa, tulad ng pagsususpende ng klase at pag-iiba ng paraan ng pag-aaral. Ito ay isang halimbawa ng โ€œband-aid solutionโ€ o isang pansamantalang solusyon na ang binibigyang-lunas lamang ay ang mga sintomas ng isang problema, imbis na ang ugat nito. Higit isang taon na ang nakalipas simula noong tinuligsa ng mamamayang Pilipino ang kakulangan sa matatag na proyekto o solusyon sa madalas na pagbaha. Dito na papasok ang usapin ng flood control na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin naisasakatuparan.

Kung ating maaalala, matagal nang nabunyag ang mga proyektong nabigyan ng malalaking pondo ngunit hindi naman natapos. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na hindi pa nabibigyang-solusyon ang pagbaha sa maraming lugar sa Pilipinas. Kung mayroon mang ginawang flood control, karamihan naman sa mga ito ay wala sa maayos na kalidad; may iba ring hindi na tinapos. Sino ngayon ang naghihirap? Ang masang Pilipino na ang nais lamang ay maging ligtas laban sa mga sakunang dulot ng madalas na pag-ulan sa ating bansa. Sa madaling sabi, hindi nabibigyan ng agarang atensyon ang ugat ng malawakang problema sa pagbaha.

Mariing kinukundena ng START AIT ang patuloy na paglaganap ng korapsyon sa ating bansa. Isa ang flood control issue sa mga manipestasyon ng korapsyon at kawalang pananagutan ng mga mapansamantala. Ang START AIT ay patuloy na nananawagan sa mas mabisa, tama, at wastong solusyon para tugunan at malabanan ang patuloy na pagbaha sa tuwing malakas ang ulan o may bagyo. Bibit din ng organisasyon ang panawagan sa pagiging tapat ng ating pamahalaan sa mga alokasyon ng pambansang badyet, lalo na sa mga proyektong para sa sambayanang Pilipino.

Huwag nawa tayong makalilimot sa mga isyu ng ating bayan, lalo na sa mga usaping nakasalalay ang kaligtasan ng mamamayan. Patuloy tayong manindigan upang mapanagot ang lahat ng sangkot, dahil hanggaโ€™t walang nakukulong at walang nananagot, mananatiling lubog sa baha ng korapsyon at panlilinlang ang ating bansa. Ang baha ay hindi lamang problema ng panahonโ€”ito rin ang makapagpapatunay sa lebel ng ating kahandaan, pagpaplano, at pananagutan.

Hindi sapat ang band-aid solution para tugunan ang lumalalang problema. Hindi sapat ang paulit-ulit na pagsususpinde ng klase. Hindi sapat ang paghihintay sa susunod na bagyo bago kumilos. Panahon na upang pagtuunan ng pansin ang ugat ng problema. Wakasan natin ang ideyang sapat na ang pagiging โ€œresilientโ€ lamang. Hindi dapat resilience ang hinihingi sa mamamayan sa harap ng problemang matagal nang dapat tugunan. Maging mapanuri, manindigan, at singilin ang mga tunay na ugat ng problema. Sapagkat hindi sapat ang basta pagbangonโ€”panahon nang tiyaking hindi na tayo paulit-ulit na ibinabagsak ng parehong problema at sistema.

Photo by ๐—๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ฏ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ / Courtesy of ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—™๐— 



๐˜ผ๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™จ ๐™ข๐™ค?๐Ÿ’ญHave you ever thought of the things that you want?๐Ÿค” Like activities, projects, and concerns you want to a...
11/09/2026

๐˜ผ๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™จ ๐™ข๐™ค?๐Ÿ’ญ

Have you ever thought of the things that you want?๐Ÿค” Like activities, projects, and concerns you want to address and/or attend to? If so, this opportunity is may be for you!๐Ÿซต๐ŸŽ‰

This is ๐—ช๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ง ๐—œ๐—ง ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—ช๐—”๐—ฌ, an initiative spearheaded by the Student and Community Services Committee of START AIT that aims to collect the insights, thoughts, suggestions, ideas, and/or concerns of the student body and communities, inside and outside of AIT, for the betterment of everyone and make an appropriate approach/initiative to address the concern or suggestions๐Ÿซ‚ This can be a course/subject related concerns, an activity/project suggestions, or social issues related like volunteerism and community visits that will prioritize the participation, engagement, and awareness of the students and other communitiesโœจ

It is because we believe that through inclusivity, we can create a difference one step at a time๐Ÿ‘ฃ

So, do you want to part of the difference?๐Ÿงฉ

๐—”๐—ป๐˜€๐˜„๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐˜„: โฌ‡๏ธโฌ‡๏ธโฌ‡๏ธ
https://forms.gle/GdMKXqSeRfCRaMbF8
https://forms.gle/GdMKXqSeRfCRaMbF8
https://forms.gle/GdMKXqSeRfCRaMbF8



๐˜ฟ๐™ž๐™™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™ข๐™ž๐™จ๐™จ ๐™ช๐™จ?๐Ÿ‘€ '๐˜พ๐™ค๐™ฏ ๐™ฌ๐™š ๐™ข๐™ž๐™จ๐™จ๐™š๐™™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช!๐ŸซตYESSSSS! STARTCredibles is coming back!๐Ÿฆธ๐ŸŒŸ Did you miss the STARTCredibles GRAND OR...
08/09/2026

๐˜ฟ๐™ž๐™™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™ข๐™ž๐™จ๐™จ ๐™ช๐™จ?๐Ÿ‘€ '๐˜พ๐™ค๐™ฏ ๐™ฌ๐™š ๐™ข๐™ž๐™จ๐™จ๐™š๐™™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช!๐Ÿซต

YESSSSS! STARTCredibles is coming back!๐Ÿฆธ๐ŸŒŸ Did you miss the STARTCredibles GRAND ORYE? Worry no more because weโ€™ve prepared a ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—ฟ๐˜†๐—ฒ just for YOU! โœจ

Weโ€™re back to fulfill our duty to serve, connect, and make a differenceโ€”and this time, we want YOU to serve with us!

Come and join our special orientation and don't forget to bring your best energy because weโ€™re making this session fun, exciting, and engagingโ€”even if weโ€™re meeting online๐ŸŽŠ๐ŸŽ‰

What: ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ง๐—–๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—ฟ๐˜†๐—ฒ
When: ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐—ช๐—ฒ๐—ฑ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†)
Time: ๐Ÿด:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
Where: ๐—ข๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐—ผ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜

๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐˜๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ธ: ๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡
๐Ÿ”—https://forms.gle/Ueq2C6DaqX7BRC3BA
๐Ÿ”—https://forms.gle/Ueq2C6DaqX7BRC3BA
๐Ÿ”—https://forms.gle/Ueq2C6DaqX7BRC3BA

๐™Ž๐™š๐™š ๐™ฎ๐™ค๐™ช, ๐™‰๐™š๐™ฌ ๐™Š๐™ฃ๐™š๐™จ!๐Ÿคฉ๐Ÿซก๐Ÿฆธ




๐–๐Ž๐Ž๐‡๐Ž๐Ž!๐ŸŽŠ ๐€๐๐Ž๐“๐‡๐„๐‘ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐’๐”๐‚๐‚๐„๐’๐’๐…๐”๐‹๐Ÿ‘The STARTCredibles are happy to see all the new heroes who enjoyed the activities an...
05/09/2026

๐–๐Ž๐Ž๐‡๐Ž๐Ž!๐ŸŽŠ ๐€๐๐Ž๐“๐‡๐„๐‘ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐’๐”๐‚๐‚๐„๐’๐’๐…๐”๐‹๐Ÿ‘

The STARTCredibles are happy to see all the new heroes who enjoyed the activities and experiences we prepared for you! ๐Ÿคฉ Thank you for bringing joy, participating in our games, and actively listening to what START AIT is all about! ๐ŸŒŸ

To all the FSTs and other students who joined the STARTCredibles GRAND ORYE, thank you for coming and for bringing such amazing energy! โœจ This mission would not have been a success without all of you who showed up and joined us. ๐ŸซตUntil then, new ones!

๐’๐„๐„ ๐˜๐Ž๐” ๐Ž๐ ๐Ž๐”๐‘ ๐๐„๐—๐“ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐๐Ÿซก




02/09/2026

๐ŸŒŽ ๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—ฆ, ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆ, ๐—”๐—ก๐—— ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—”๐—–๐—ง ๐Ÿ€

For three decades, ๐—จ๐—ฃ ๐—˜๐—ฐ๐—ผ๐˜๐—ผ๐˜‚๐—ฟ has journeyed through trails of learning, advocacy, service, and community. And now, as we celebrate our ๐Ÿฏ๐Ÿฌ๐˜๐—ต ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†, we invite you on another unforgettable adventure.

This ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ-๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, join us as we set sail for ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ผ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ๐˜„: ๐—” ๐—ฉ๐—ผ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ง๐—ต๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†, a week-long celebration honoring ๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐˜†๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€ of ๐—จ๐—ฃ ๐—˜๐—ฐ๐—ผ๐˜๐—ผ๐˜‚๐—ฟ and the journeys, people, and advocacies that have shaped our organization through the years.

Get ready for a week of adventure, creativity, camaraderie, and discovery as we celebrate 30 years through exciting activities:

๐Ÿงน ๐—˜๐—–๐—ข๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”
Join us in caring for our environment as we work together to clean, restore, and leave a positive mark on our community!

๐Ÿ“ข ๐—•๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—จ๐—ฃ ๐—”๐—œ๐—ง๐—ฆ๐—–
An educational forum exploring our mark as tourism students through environmental education, advocacy, and community action.

๐Ÿซ‚ ๐—š๐—ฅ๐—”๐—ก๐—— ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
Ready to begin your own Ecotour journey? Come abroad and discover what it means to be part of the UP Ecotour family!

๐Ÿ›๏ธ ๐—˜๐—–๐—ข๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง
Explore, discover, and support local goods and exciting finds at our bazaar!

๐Ÿ  ๐—™๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—˜๐— ๐—ข: ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—š๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—œ๐—ง ๐—›๐—จ๐—ก๐—ง
The adventure is out there! Gather your crew and dive into an exciting hunt around AIT. Are you ready to win a special prize?

๐ŸŽจ ๐—ฆ๐—˜๐—”-๐—ฅ๐—œ๐—ข๐—จ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฌ ๐——๐—ฅ๐—”๐—ช๐—ก
Let your thoughts flow and your creativity sail! Leave your mark on our Freedom Wall and be part of a collective story.

For 30 years, UP Ecotour has moved towards changing tides, new trails, and countless journeys. This anniversary, we celebrate not only how far we have come, but also the trails we have yet to take.

๐˜ฝ๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™›๐™š๐™ก๐™ก๐™ค๐™ฌ ๐™ซ๐™ค๐™ฎ๐™–๐™œ๐™š๐™ง๐™จ, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™œ๐™š๐™ฉ ๐™ง๐™š๐™–๐™™๐™ฎ ๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™–๐™ž๐™ก ๐™ฌ๐™ž๐™ฉ๐™ ๐™ช๐™จ. โ›ต

๐—œ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต:
UP ALGORITHM PLUS-PLUS
Tau Alpha Fraternity
United Tourism and Hospitality Professionals
UP AIT Student Council
We Care & CLAYGO Club
The Maru Coffee
Cocina Mexicana
Grind Yard Coffee Co.
The Hungry Pita
Egg Sarap
Edelweiss Treasures
Pshot Photobooth
Sisko Something Crispy
Gill's Food
Flinkโ€™s Streetfood
Tender Juicy

๐—œ๐—ป ๐—ฐ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต:
UP Association of Biology Majors

๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ธ๐˜€ ๐˜๐—ผ:
UST Community Achievers Association - Commerce Unit
CPU English Language Society
START AIT
UP Association of Public Health Students
UP Arirang
UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino
Kathaang Ugnayan ng Likhain, Talastasan, Obraโ€™t Ulat



01/09/2026

๐—ก๐—ข๐—ช ๐—œ๐—ฆ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ง๐—œ๐— ๐—˜! โณ

Now is the time to unleash the power within you ๐Ÿซต Today will be the ๐’๐“๐€๐‘๐“๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ฌ ๐†๐‘๐€๐๐ƒ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐! ๐ŸŽ‰

Get ready to know what START AIT is, the committees behind it, previous successful events, join fun games that we prepared, and especially the one that will not disappear in every orientation: the food ๐Ÿ•๐Ÿ!!!

๐–๐ก๐š๐ญ: ๐’๐“๐€๐‘๐“๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ฌ ๐†๐ซ๐š๐ง๐ ๐Ž๐ซ๐ฒ๐ž
๐–๐ก๐ž๐ง: ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐–๐ก๐ž๐ซ๐ž: ๐€๐ฎ๐๐ข๐จ-๐•๐ข๐ฌ๐ฎ๐š๐ฅ ๐‘๐จ๐จ๐ฆ (๐€๐•๐‘)
๐“๐ข๐ฆ๐ž: ๐Ÿ’:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ

๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:๐Ÿ‘‡
https://forms.gle/vd6pyy912TbkbA4v7
https://forms.gle/vd6pyy912TbkbA4v7
https://forms.gle/vd6pyy912TbkbA4v7

๐™Ž๐™„๐™‚๐™‰ ๐™๐™‹ ๐™‰๐™Š๐™’ ๐˜ผ๐™‰๐˜ฟ ๐˜ฟ๐™Š๐™‰'๐™ ๐™ˆ๐™„๐™Ž๐™Ž ๐™๐™Š ๐™’๐™„๐™๐™‰๐™€๐™Ž๐™Ž ๐™๐™ƒ๐™€ ๐™‹๐™Š๐™’๐™€๐™๐™Ž ๐™Š๐™ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™๐˜พ๐™ง๐™š๐™™๐™ž๐™—๐™ก๐™š๐™จ!




๐——๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ ๐——๐—˜๐—ง๐—˜๐—–๐—ง๐—˜๐——๐Ÿ“ก๐Ÿ‘€STARTCredibles has another mission to do, and we still need your help, new ones! ๐Ÿšจ The danger is near a...
31/08/2026

๐——๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ ๐——๐—˜๐—ง๐—˜๐—–๐—ง๐—˜๐——๐Ÿ“ก๐Ÿ‘€

STARTCredibles has another mission to do, and we still need your help, new ones! ๐Ÿšจ The danger is near again, and if you still need some guidance and want to know more about our mission, come and join us at our ๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ซ ๐‘ถ๐‘น๐‘ฐ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต!โœจ

๐–๐ก๐š๐ญ: ๐’๐“๐€๐‘๐“๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ฌ ๐†๐ซ๐š๐ง๐ ๐Ž๐ซ๐ฒ๐ž
๐–๐ก๐ž๐ง: ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐–๐ก๐ž๐ซ๐ž: ๐€๐ฎ๐๐ข๐จ-๐•๐ข๐ฌ๐ฎ๐š๐ฅ ๐‘๐จ๐จ๐ฆ (๐€๐•๐‘)
๐“๐ข๐ฆ๐ž: ๐Ÿ’:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ

๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:๐Ÿ‘‡
https://forms.gle/vd6pyy912TbkbA4v7
https://forms.gle/vd6pyy912TbkbA4v7
https://forms.gle/vd6pyy912TbkbA4v7

Remember to suit up as you are๐Ÿฆธ, don't forget to bring your super energyโšก, don't miss out this important mission, and help us continue to make the world incredible!๐Ÿคฉ

๐‘ช๐‘ถ๐‘ด๐‘ฌ ๐‘จ๐‘ต๐‘ซ ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘น๐‘ป ๐‘พ๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฏ ๐‘ผ๐‘บ!๐ŸŒŸ




 : ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‡๐„๐‘๐Ž๐„๐’ ๐ƒ๐€๐˜Ngayong araw ng mga bayani, ating ginugunita at binibigyang-pugay ang mga bayaning Pilipino mula n...
31/08/2026

: ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‡๐„๐‘๐Ž๐„๐’ ๐ƒ๐€๐˜

Ngayong araw ng mga bayani, ating ginugunita at binibigyang-pugay ang mga bayaning Pilipino mula noon hanggang ngayon na buong tapang na nanindigan at patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.

Ayon sa tala ng Official Gazette, nagsimula ang opisyal na paggunita nito noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Noong 1931, sa bisa ng Act No. 3827, itinakda ang huling Linggo ng Agosto bilang araw ng paggunita rito. Sa mga sumunod na taon, ilang beses na nagbago ang petsa nito hanggang sa maitalaga, sa bisa ng Republic Act No. 9492 noong 2007, ang huling Lunes ng Agosto bilang National Heroes Day, na siyang sinusunod hanggang sa kasalukuyan.

Ngunit ang kabayanihan ay hindi lamang matatagpuan sa mga pahina ng ating kasaysayan. Higit pa sa pag-alala sa mga bayani ng nakaraan, mahalaga ring kilalanin ang mga modern-day heroes o makabagong bayani na patuloy na nagsisikap para sa bayan. Sila ang ating mga manggagawa, magsasaka, g**o, frontliners, OFWs, mga kabataang ginagamit nang tama ang kanilang boses, mga Pilipinong lumalaban nang patas, mga naglilingkod sa bayan nang walang hinihintay na kapalit, at mga mamamayang patuloy na naninindigan para sa ikabubuti ng lahat.

Sa kanilang mga pagkilos, ipinapaalala nila na ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo. Naipapakita rin ito sa mga simpleng bagay na ginagawa natin araw-araw. Bilang kabataan, tungkulin din nating ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan at manindigan para sa tama at katotohanan. Sa panahong ito na laganap ang ibaโ€™t ibang suliraning panlipunan, nawaโ€™y patuloy tayong maging mulat, mapanuri, at aktibong mamamayan na handang kumilos para sa isang mas makatarungang lipunan.

Ang START AIT ay nakikiisa sa paggunita sa National Heroes Day at kinikilala ang lahat ng Pilipinong nag-alay ng kanilang tapang at sakripisyo para sa ating bayan. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga ipinaglaban at patuloy na ipinaglalaban upang maisabuhay natin ang diwa ng kabayanihan.



21/05/2026

Address

Asian Institute Of Tourism, UP Diliman
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when START AIT: Student Action for Responsive Leadership in Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to START AIT: Student Action for Responsive Leadership in Tourism:

Shortcuts

Share