We Support Atty. Leni Robredo

Website Contact the organization

We Support Atty. Leni Robredo Ang page na ito ay sumusuporta sa Elected Vice President Leni Robredo

Inilatag ni Mayor Leni Robredo ang Timeline ng inilaan na P500-M na pondo galing sa National Government para sa rehabili...
21/09/2026

Inilatag ni Mayor Leni Robredo ang Timeline ng inilaan na P500-M na pondo galing sa National Government para sa rehabilitasyon ng Jesse M. Robredo Coliseum sa lungsod ng Naga.

Ayon kay Robredo, simula noong nanungkulan siya bilang Mayor ng Naga, agad niyang inilapit sa national government ang rehabilitasyon ng pasilidad kung saan tinulungan siya ni Sen. Kiko Pangilinan upang mabigyan ito ng pondo galing Local Government Support Fund (LGSF).

At noong February 2026, personal na pumunta si President Bong-bong Marcos Jr. sa lungsod ng Naga upang personal na ibigay ang P450-M na Special Allotment Release Order (SARO) para sa repair and rehabilitation ng Coliseum at karagdagan na P50-M para sa heavy equipment para palakasin ang pagresponde sa kalamidad.

Dagdag pa ni Robredo, kahit na ibinigay na ang SARO sa LGU Naga, hindi pa masimulan ang pagsasaayos ng Coliseum dahil meron pang mga opisinang gumagamit ng pasilidad at hindi pa naililipat sa ibang opisina dahil na rin sa Peñafrancia Festival ngayong buwan ng Septyembre.

Sa ngayon, nasa bidding process na ang proyekto at inaasahan na simulan na ito ngayong buwan ng Oktubre.

17/09/2026
Mas madaling makaka-access sa government services, emergency contacts, balita, at citizen-reporting tools ang mga reside...
16/09/2026

Mas madaling makaka-access sa government services, emergency contacts, balita, at citizen-reporting tools ang mga residente ng Naga City sa pamamagitan ng MyNaga App, na inilunsad noong Agosto 18, 2025 sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Leni Robredo.

Kabilang sa mga bagong feature ng MyNaga 2.0 ang People’s Budget Portal, i-Engage, Transport Hub, expanded reporting tools, at DisipliNaga Cam para sa pagre-report ng illegal parking sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato at geotagging.

Sa unang dalawang buwan nito, iniulat ng Naga City na nakatanggap ang app ng 2,074 citizen reports, kung saan 1,213 ang naresolba. Layunin ng platform na gawing mas accessible, transparent, at participatory ang local governance sa pamamagitan ng isang digital channel na direktang nag-uugnay sa mga Nagueño at City Hall.

Maliit man o malaki, bawat ambag ay mahalaga. 💖Maging bahagi ng pagkilos at pag-asa! Maaari kayong magpaabot ng tulong p...
12/09/2026

Maliit man o malaki, bawat ambag ay mahalaga. 💖

Maging bahagi ng pagkilos at pag-asa! Maaari kayong magpaabot ng tulong para sa mga programa ng Angat Buhay gamit ang GCash.

Paano tumulong?

1. I-scan ang QR Code na nasa art card gamit ang inyong GCash app.

2. Ilagay ang halagang nais i-donate at i-confirm ang transaction.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta.

Hatid ng Angat Buhay Kusina ng Pag-asa ang mainit at masustansyang pagkain para sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ula...
31/08/2026

Hatid ng Angat Buhay Kusina ng Pag-asa ang mainit at masustansyang pagkain para sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat sa Pampanga at Rizal.

Nagtulong-tulong ang mga volunteer ng Angat Buhay at mga lokal na kainan upang gawing community kitchen ang kanilang mga kusina at makapaghanda at makapaghain ng mainit na pagkain para sa mga pamilyang apektado ng matinding pag-ulan.

Ipinakita ng sama-samang pagkilos ng mga volunteer at mga kainan na gaano man kalakas ang ulan, hindi nito kayang pigilan ang radikal na pagtutulungan ng komunidad para sa mga nangangailangan.

28/08/2026

STELL TURNS FITNESS INTO A FORCE FOR GOOD

SB19 main vocal and powerhouse Stell Ajero recently took charge at Electric Studio in Bonifacio Global City for “Ride Crazy with Stell,” a special charity indoor cycling event dedicated to communities affected by typhoons and floods.

Bringing together fitness, music, and philanthropy, the intimate gathering featured an energetic ride, an exclusive meet-and-greet, and personalized gifts for attendees.

Best of all, 100% of the proceeds went directly to Angat Buhay to support relief supplies and hot meals for communities recovering from recent disasters.

Ipinagdiwang ng Mayors for Good Governance ang kanilang ika-3 taong anibersaryo sa pagtitipon ng mga mayor at iba pang m...
24/08/2026

Ipinagdiwang ng Mayors for Good Governance ang kanilang ika-3 taong anibersaryo sa pagtitipon ng mga mayor at iba pang mga katuwang sa isang Leadership Summit na may layunin na pagsusulong ng mabuting pamamahala at makabuluhang paglilingkod-bayan.

Pinangunahan nina Baguio City Mayor Benjie Magalong, Pasig City Mayor Vico Sotto, Isabela City Mayor Sitti Hataman, at Naga City Mayor Leni Robredo ang pagtitipon kung saan ibinahagi nila ang kani-kanilang pamaparaan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.

20/08/2026

‘OUR PEOPLE CAN REST ASSURED, WE WILL CONTINUE TO STRIVE, WE WILL ALWAYS WORK HARD, AND WE WILL ALWAYS SERVE WITH HEART AND INTEGRITY.’

Sa unang State of the City Address ni Mayor Leni Robredo nitong nagdan na August 18, inilatag niya ang mga nagawa na at susunod pang plano ng kanyang pamamahala sa lungsod ng Naga.

Isa sa mga highlight ng kanyang report ay ang mga natipid ng lungsod ay naibigay sa mas magandang serbisyo sa publiko. Ayon kay Robredo, na ibaba ng pamahalaang lungsod ang kanilang travel expenses ng 55%, training expenses ng 36%, meal expenses ng 54%, fuel and lubricant expenses ng 7%, at electricity expenses ng 10% sa pamamagitan ng mas mahigpit na guidelines sa paggastos, reporma sa procurement, at mas pinabuting fleet management.

“Every peso saved is a peso returned to the services you deserve,” Ani Robredo.

Sinabi rin ni Robredo na marami pang kailangang tugunan sa lungsod at unang yugto pa lamang ng kanilang “groundwork” ang mga hakbang na nakamit nila sa nagdaang taon.

“The city government cannot achieve any of these goals alone. From then until now, our message is clear — Naga's progress is something we must work hard for and we must do it as one people,” dagdag niya.

20/08/2026

For Naga City government employees, homeownership is no longer a dream but the beginning of a new chapter close to the community they serve. Through Ayala Land, via its socialized housing arm BellaVita, and in partnership with the Naga City Government and Pag-IBIG Fund, the first homes under a 1,011-unit housing program were officially turned over to qualified beneficiaries.

The initiative creates opportunities for hardworking public servants to build stable futures for their families within the city they help shape every day. With fully developed homes and community facilities already in place, families can immediately begin building lives. This milestone reflects Ayala Land's commitment to creating inclusive, sustainable communities where more Filipinos can thrive.

Read more: https://ayalaland.com/blog/ayala-land-s-bellavita-begins-turnover-under-1011-home-naga-city-employee-housing-program


17/08/2026

Address

Quezon City
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when We Support Atty. Leni Robredo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to We Support Atty. Leni Robredo:

Shortcuts

Share