10/10/2026
Isang taos pusong pakikiramay at panalangin ang aming ipinaaabot sa ating mga kababayang naapektuhan ng sunog kagabi sa Brgy. San Agustin. Sa kabila ng mabigat na pagsubok na ito, hindi kayo nag-iisa.
Ngayong araw, agad tayong naghatid ng paunang tulong para sa mga pamilyang nangangailangan. Sa pakikipagtulungan ng Office of Senator Risa Hontiveros, naipamahagi ang mga relief goods, tinapay, at malinis na tubig na nakatulong upang kahit papano ay maibsan ang bigat na dinadala ng ating mga kababayan.
Maraming salamat sa ANAK FOODBANK at Capri Youth Organization, Family Justiniano, sa kanilang sipag at dedikasyon sa pamamahagi ng tulong sa mismong evacuation site. Gayundin, taos puso ang ating pasasalamat sa lahat ng mga donors ng damit at karagdagang kagamitan. Ang inyong bukas palad na suporta ay nagbigay ng pag-asa at init sa puso ng ating mga kababayan.
Patuloy tayong magkakapit-bisig at magtutulungan para sa muling pagbangon ng Brgy. San Agustin.