Aksyon Dapat PH

Aksyon Dapat PH Komportableng Buhay ng Ordinaryong Pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Matinong Pag-gogobyerno (Political Will).

23/09/2026

LIVE | Ang Inklusibong Pamilyang Walang Iwanan

Ipinagdiriwang ang National Family Week sa Pilipinas tuwing huling linggo ng Setyembre, bilang pagpapahalaga sa pamilya na siyang pangunahing saligan ng bawat lipunan. Ngayong Miyerkules sa InkluNasyon, 3-4 PM, kilalanin natin ang dalawang pamilyang may kapansanan, at alamin kung paano hinarap ng bawat pamilya ang mga pagsubok , gayundin ang pagtataguyod sa inklusibong komunidad na kabilang ang mga pamilyang may kapansanan.
Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.
REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

16/09/2026

LIVE | The First Down Syndrome Hub in the Philippines

Sa mga probinsya, hamon pa rin ang access sa ospital, doktor, at mga kalidad na paglilingkod pangkalusugan.
Ngunit sa Bicol, magandang balita ang pagtatatag ng unang hub para sa komprehensibong serbisyo sa mga taong may Down syndrome at iba pang mga kapansanan.
Alamin natin ang detalye ng proyektong ito.
Ngayong Miyerkules, Setyembre 16, 3:00–4:00 PM, tara na sa InkluNasyon!
Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.
REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

09/09/2026

LIVE | Beyond Limits: Ang mga Bagong Mabini

Sa pagpapatuloy ng ating pagkilala sa kagitingan ng ating mga makabagong bayani, kilalanin natin ang dalawang pinarangalan sa 31st Apolinario Mabini Awards na patuloy na nagtataguyod ng karapatan, inklusyon, at inklusibong serbisyo para sa mga taong may kapansanan.
Pakinggan natin ang kanilang mga kuwento—ang mga hamon, karanasan, at tagumpay na humubog sa kanilang patuloy na pagsusulong ng isang mas inklusibong lipunan.
Abangan ngayong Miyerkules, Setyembre 9, mula 3:00–4:00 PM, dito lang sa InkluNasyon!
Dahil sa InkluNasyon, laging may inklusyon—NOW NA!

02/09/2026

LIVE | Inklusibong Aruga Para sa mga Batang May Kapansanan

Sa likod ng bawat batang may kapansanan ay pamilyang patuloy na kumikilos para sa kanilang karapatan at inklusibong serbisyo.
Ngayong Miyerkules, kilalanin natin ang Project ARUGA ng DSWD, na binanggit sa huling SONA. Ano ang maibibigay nito sa mga batang may kapansanan at kanilang pamilya? Sapat ba ito sa kanilang tunay na pangangailangan?
Siyasatin natin—dito sa InkluNasyon!
Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.
REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

26/08/2026

LIVE | Kagitingang Walang Hadlang para Walang Maiwan

Ano nga ba ang tunay na kagitingan? Hindi lamang ito nasusukat sa tapang sa harap ng panganib. Makikita rin ito sa pagbangon sa kabila ng mga hamon, paninindigan para sa karapatan, pagbuwag sa mga hadlang, at pagkilos upang walang maiiwan.

Kilalanin ang mga NCDA at Apolinario Mabini awardees na patuloy na nagbubukas ng daan para sa karapatan, pagkakapantay-pantay, at inklusyon ng mga taong may kapansanan. Pakinggan natin ang kanilang mga kuwento ng tapang, tagumpay, at adbokasiya sa August 26, Wednesday, 3:00 PM – 4:00 PM, dito sa InkluNasyon!

Dahil sa InkluNasyon, ang bawat hakbang tungo sa pagkakapantay-pantay at inklusyon ay isang uri ng kagitingan!

Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.

REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

19/08/2026

LIVE | Inklusibong Edukasyon sa Ating Henerasyon

Paano matitiyak na ang bawat learner— lalo na ang learners with disabilities- ay may pantay na pagkakataong matuto, makilahok, umunlad, at mapabilang?

Ngayong Agosto 19, 2026 | Miyerkules | 3:00–4:00 PM, samahan ang InkluNasyon sa pagtalakay ng Special Needs Education (SNED) at Inclusive Education (IE], kabilang ang suportang pang-edukasyon, panlipunan, at pangkaunlaran para sa learners with disabilities. Susuriin din ang mga hamong dapat tugunan upang maging tunay na inklusibo ang mga paaralan at edukasyon sa pangkalahatan. Dahil ang inclusive education ay hindi lamang ang pagpasok sa paaralan, kung hindi ang karapatan para sa tamang lugar ng bawat mag-aaral. Walang maiiwan!

Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.

REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

12/08/2026

LIVE | Kabataan may Kapansanan: Mga Pangarap, Hamon at Tagumpay

Ang bawat kabataang may kapansanan ay may sariling kuwento—mga pangarap na gustong maabot, mga hamong nalampasan at mga tagumpay na bunga ng kanilang sipag, tapang at determinasyon.
Sa episode na ito ng Inklunasyon, makikilala natin ang mga kabataang may kapansanan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang komunidad. Maririnig natin ang kanilang mga karanasan, pananaw at mga adhikain para sa isang lipunang tunay na inklusibo at may pantay na oportunidad para sa lahat.
Inaanyayahan namin ang lahat—mga kabataan, magulang, g**o, organisasyon at mgaka-inklunasyon na makiisa sa usapang ito. Sama-sama nating kilalanin ang kakayahan ng bawat isa at palakasin ang boses ng mga kabataang may kapansanan.

Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.

REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

Address

Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aksyon Dapat PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Aksyon Dapat PH:

Shortcuts

Share