20/08/2026
Masaya tayong nakapagbigay saya sa mga kababayan natin sa Pook Daan Tubo bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque!
Ang ating event ay nakatakda sana sa Blk. 5, Daan Tubo–Pabinggo, kasama ang ating raffle. Ngunit dahil sa masamang panahon, isinagawa natin ito bilang online raffle upang matuloy pa rin ang ating munting handog sa komunidad.
Mahigit 3,000 raffle tickets ang napalabas para sa mga pamilya ng Pook Daan Tubo, kung saan isang pamilya, dalawang ticket entry ang ating sistema. Sa ganitong paraan, mas maraming pamilya ang nabigyan ng pagkakataong makilahok at manalo.
At higit sa lahat, halos 200 na papremyo ang ating naipamahagi! Tunay na nakakataba ng puso ang makita ang saya ng ating mga kabarangay.
Maraming maraming salamat sa aking 8th Council sa inyong suporta, presensya, at pakikiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque sa Pook Daan Tubo. Nagpapasalamat din kami sa mga sumusunod;
QC Mayor Joy Belmonte
Congressman B**g Suntay
Atty. Vincent Belmonte - Councilor
Councilor Egay Yap
Nanette Castelo Daza
Councilor Atty. Migs Suntay
Congressman Kit Belmonte
Kagawad Danny Arceo
Kagawad Mau Gloria
Kagawad Jewelle Cabrera
Kagawad Edwin Caldoza Dela Paz
Kagawad Kim Castro
Kagawad Ana Sabalas Falcon
President Elmo Obel
Salamat din kina Pook Coordinator Sally, April, Sara Ancheta, Youth Volunteers, VBPSO Volunteers, at higit sa lahat sa mga residente ng Pook Daan Tubo na nakiisa at nakilahok sa ating programa. ❤️
5 BOTE = BINGO AT RAFFLE TICKET!
Sa simpleng pagkolekta ng limang bote, nakatulong ka na sa kalikasan, may chance ka pang manalo ng papremyo!
Maraming salamat sa inyong lahat sa pakikiisa at patuloy na suporta. Sama-sama nating gawing mas masaya, makabuluhan, at makulay ang bawat Kapistahan! ❤️
Mabuhay ang Pook Daan Tubo! Mabuhay ang Kapistahan ni San Roque!