22/09/2025
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐ก๐ข๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ญ๐ ๐๐ญ ๐๐ข๐ญ๐๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐ (๐๐๐): ๐๐จ๐ง๐๐๐ฆ๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฉ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ-๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐ฌ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ข๐จ๐ฅ๐
Mariing kinokondena ng Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ang marahas at hindi makataong pagtrato ng pulisya sa mga aktibista at kabataan sa naganap na kilos-protesta noong Setyembre 21, 2025, sa Mendiola. Ang dapat sanang mapayapang pagkilos ng mamamayan ay nauwi sa karahasan, bunsod ng walang habas na dispersal ng kapulisan gamit ang teargas at puwersahang pag-aresto.
Isa sa mga estudyante ng aming kolehiyo ang naiulat na naapektuhan ng ibinato ng kapulisang teargas. Bukod dito, puwersahan ding dinampot ng mga pulis si Mattheo Wovi Villanueva, estudyante ng KAL, na nooโy nagsisilbi bilang security marshal ng ating kolehiyo at paralegal ng isang naiwan na media personnel. Sa kabila ng kanyang malinaw na tungkulin sa pagkilos, si Villanueva ay marahas na inaresto, pinagtatadyakan, at kinaladkad palayo mula sa hanay ng mga nagpoprotesta. Wala siyang nilalabag na batas sa mga oras ng kanyang pagkakadakip. Isa itong malinaw na paglabag sa kanyang karapatang pantao.
Ang mga insidenteng ito ay patunay ng kawalang habag at pagpapabaya ng estado sa kapakanan ng mamamayan. Ang karapatang magpahayag, magtipon, at maningil ay itinatadhana ng Konstitusyon. Ngunit sa halip na pakinggan ang panawagan ng bayan, itoโy tinapatan ng batuta, teargas, at posas. Hindi ito anyo ng demokrasya, Ito ay tahasang panunupil.
Tinatanggihan din namin ang mga naratibong nagpapababa sa pagkilos ng mamamayan bilang โkaguluhanโ lamang. Ang galit na bumalot sa kalsada ay bunga ng dekada-dekadang katiwalian, kapabayaan, at kawalang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan. Ito ay sigaw at galit ng taumbayan para sa hustisya at pagbabago.
Kaisa kami sa panawagan ng sambayanan na ilitaw ang lahat ng dinampot, palayain ang mga inaresto, at tiyaking agad na maibigay ang kinakailangang tulong medikal at legal sa mga nasaktan. Higit sa lahat, nananawagan kami ng pananagutan mula sa mga opisyal ng PNP na responsable sa karahasang ito.
Maaari nating tulungan si VIllanueva sa pamamagitan ng pangangalap ng donasyon para sa kanyang medical, legal at logistical needs.
๐GCASH: Maria Fatima Mendoza (09178581716)
I-send ang inyong proof of donation para sa tracking: tinyurl.com/ML53DonationDrive.
Hinihikayat namin ang mga kapwa naming artista ng bayan na magpatuloy sa pag-oorganisa, pag-aaral, at pagkilos. Huwag tayong magpagapi sa pananakot. Ang laban para sa katotohanan at hustisya ay hindi pa tapos. Manatiling mapagmatyag. Manatiling matapang.
ITIGIL ANG PASISTANG ATAKE NG ESTADO! PALAYAIN SI WOVI!