06/06/2026
OFFICIAL STATEMENT FOR THE POST OF MR. LUKE QUIA
Para sa kumalat na post patungkol sa Team ng Payatas Volleyball Club na hindi natuloy ang pag sali sa LLIS V-LEAGUE Season 3 mariin ko pong hindi pinatotoohan ang nasabing post.
Para sa kaalaman ng lahat ang tunay na kadahilanan ng hindi pag sali ng nasabing team ay ang mga sumusunod.
Una kakulangan sa manlalaro, Ilan sa mga manlalaro ay hindi na available sa mga araw ng liga dahil umabot ng 3 days league ang nasabing paliga.
Pangalawa kakulangan sa commitment malinaw sa mga manlalaro na ang tanging sagot lang ng Team ay ang Registration fee. Sumang ayon ang mga manlalaro na sila ang sasagot ng kanilang PAMASAHE, PAGKAIN at UNIPORME.
Dahil sa pang yayari na ito, Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa ating Punong Kapitan Rascal Doctor na nadawit sa litrato na nagkaroon ng Courtesy Call sa kanyang opisina.
Paglilinaw po, Ang mga sangkot sa post na ito ay humihiling na maibalik ang kanilang nagamit na pamasahe mula sa dalawang araw na ensayo at isang tune up game at iyon ay sinang ayunan natin kahit una palang ay hindi kabilang sa napag usapan ang ganitong bagay.
Bilang pakunswelo sa kanilang pag e-ensayo tayo ay sumang ayon sa kanyang kagustuhan.
Mariin rin po natin hindi pinatotohanan ang mga Iba't ibang istorya na inilabas ng i-ilang tao sa nasabing post sa social media.
Bilang tugon sa pangyayaring ito, tayo po ay pormal na gagawa ng legal na aksyon para sa epekto sa pangyayare na ito, Tayo rin ay nakatakdang makipag pulong sa mga manlalaro at mga magulang upang malaman nila ang totoong nangyare sa paliga na iyon.
Tayo po ay naka i-schedule sa pakikipag pulong sa lunes, June 8, 2026.
Muli ako po ay humihingi ng paumanhin sa mga taong na dawit, naapektuhan sa nasabing post.