07/09/2026
Tunay na kahanga-hanga ang kanyang naging paglalakbay. Sa tulong ng pamilya at aming partner na Philippine Band of Mercy, nakamit ni Denver di lamang ang isang mas maliwanag na ngiti, kundi ang isang malinaw na hangarin sa kanyang buhay — ang maging katuwang sa pagbibigay pag-asa sa mga taong may cleft.
Smile Train
✨PBM Cleft Journey: Before & After
Mula sa pagiging pasyente, tungo sa pagiging bahagi ng pag-asa.
Ipinanganak siya na may bilateral cleft lip and palate at sumailalim sa mga operasyon sa tulong ng Philippine Band of Mercy noong siya ay sanggol pa lamang. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola, at sa kabila ng mga hamon, hinarap niya ang buhay nang may tapang at determinasyon.
Ngayon, sa edad na 20, nagbalik siya sa PBM—hindi na bilang pasyente, kundi bilang bahagi ng aming staff. Ang lugar na minsang nagbigay sa kanya ng pag-asa ay siya na ngayong pinaglilingkuran upang makatulong sa mga sanggol at pamilyang nagsisimula pa lamang sa kanilang sariling cleft journey.
Kung ang inyong anak ay ipinanganak na may cleft lip o cleft palate, tandaan na may pag-asa. Sa PBM, may libreng operasyon para sa mga pasyenteng may cleft lip at cleft palate, kasama ang komprehensibong cleft care upang matulungan silang magkaroon ng mas malusog at mas masayang kinabukasan.
📸 Before Photo: Courtesy of Smile Train
📸 After Photo: Philippine Band of Mercy