24/04/2026
TINGNAN: Nakasama ng mga pasibol na manggagawang panlipunan si Dr. Jowima Ang-Reyes sa The ABCs of PFA: Introduction to PFA bilang panauhing tagapagsalita. Nagbahagi siya ng kaalaman at binigyang diin ang kritikal na papel ng PFA sa serbisyo at pagsisilbi ng mga manggagawang panlipunan sa masang sinasandigan. Sa isang mundong unti-unting kinukubkob ng dilim, ang kakayahan nating kumalinga ng tao ang nagpupunla at tunay nagpapasibol ng pag-asa.