04/04/2026
Ang lakas ng isang chapter ay hindi lamang naka base sa kung sino ang namumuno. Ito'y repleksyon sa pang kalahatang bahagi o miyembro nito.
Sa iyong palagay kapatid, sa tuwing kinukumusta ka ni GT at pinapaalalahanan ka na umattend sa meeting/projects, mag pondo, at tinatanong kung kumusta ka sa pang personal mong buhay? Tingin mo ba'y wala siyang pake saiyo bilang indibidwal o bilang miyembro ng kapatiran?
Malawak ang sakop at kaakibat na responsibilidad ng bawat Grand Triskelion na namumuno sa bawat chapter. Taglay nito ang tiwalang ipinagkaloob niyo noong binoto ninyo siya.
Malamang sa malamang ay malungkot din ang mga officers sa tuwing nag bibigay ng sanctions at suspension para sa mga brod/sis na nagsasawalang kibo sa tuwing kinukumusta sila o ni kahit simpleng update ay wala.
Payong kapatid, ang inyong pinasukang kapatiran ay may kaakibat na responsibilidad. Hindi kayo obligadong maging aktibo sa lahat ng oras. Ngunit pag nakikita niyong nang hihina na o hindi na kayo kinikibo, magkusang loob na kayo sapagkat kasama yan sainyong responsibilidad bilang frat man.
Kahit anong pilit ng mga nakaupo, kung mismong mga brod/sis ang walang initiatibang kumilos, talagang lulubog at manghihina ang chapter.