10/02/2026
DAMAYAN ASSISTANCE PROGRAM |
January 19, 2026 @ Feria Basketball Court Old Balara
PUNONG BARANGAY ASSOCIATION , formerly Association of Barangay Captains, DISTRICT 3 🤝
Sa pamumuno ni PBA District 3 President PB JoJo Mahusay, kasama ang mga bagong halal na Opisyales, matagumpay na naisagawa ang Damayan Assistance Program ng Punong Barangay Association (PBA) District 3 para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Old Balara, Quezon City.
Kabuuang 80 packs ng bigas (3 kilos bawat pack) at ilang boxes ng used clothes mula sa iba't ibang barangay (Q3A and St. Ignatius) ang naiabot bilang tulong at pakikiramay sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
Isang patunay ito na ang PBA District 3 ay nagkakaisa sa oras ng pangangailangan ng apektadong Barangay.
Sama-sama sa pagdamay, pagtulong, at pagbibigay ng pag-asa.
✨ Damayan. Bayanihan. Pagkakaisa.
Ito ang diwa ng mga Punong Barangay ng Distrito Tres, nagkakapit-bisig para sa kapakanan ng mga kababayan ng distrito Tres. See less