BTS Bayaning Tsuper

BTS Bayaning Tsuper BTS Bayaning Tsuper Partylist, 6️⃣6️⃣ sa balota! Biyaheng Pag-asa. Sama na! 💙✊

21/05/2025

Taos-Pusong Pasasalamat ng BTS Bayaning Tsuper 💙

Mula sa bawat kalsadang aming tinahak, hanggang sa mga komunidad na bukas-palad kaming tinanggap, lubos puso po kaming nagpapasalamat. Ang bawat ngiti, yakap, at tapik sa balikat ay nagsilbing inspirasyon para sa amin na ipagpatuloy ang laban.

Sa aming mga volunteers—kayo ang tunay na bayani. Walang kapalit ang pagod, oras, at dedikasyon ninyong ibinuhos para dalhin ang mensahe ng BTS Bayaning Tsuper sa bawat sulok ng bansa.

Bagama’t hindi tayo pinalad ngayon, ang laban para sa ligtas na kalsada, makataong transportasyon, at dignidad ng bawat tsuper at komyuter ay magpapatuloy.

Hindi ito paalam, kundi panibagong simula. Ang Biyaheng Pag-asa ay hindi lang ngayong eleksyon, kundi sa araw-araw na pakikibaka.

HALALAN NA!Ang pagboto ay hindi lang karapatan, ito ay tungkulin. Piliin natin ang mga lider na tunay na may malasakit s...
11/05/2025

HALALAN NA!

Ang pagboto ay hindi lang karapatan, ito ay tungkulin. Piliin natin ang mga lider na tunay na may malasakit sa bayan, sa tao, at sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

Ngayong araw, hawak natin ang kapangyarihan para magdesisyon para sa kinabukasan ng ating komunidad at ng buong bansa. Huwag palampasin ang pagkakataong ito—lumabas, bumoto, at makialam!

Alamin Kung Saan Ka Boboto Bukas! 🗳️Mahalaga na handa ka—hindi lang sa pagpili ng karapat-dapat na ihahalal, kundi pati ...
11/05/2025

Alamin Kung Saan Ka Boboto Bukas! 🗳️

Mahalaga na handa ka—hindi lang sa pagpili ng karapat-dapat na ihahalal, kundi pati na rin sa pag-alam kung saan ka eksaktong boboto. Iwas stress, iwas pagka-late—hanapin na ngayon pa lang ang iyong presinto!

Sa isang klik lang, makikita mo na kung saang paaralan o lugar ka pupunta para bumoto.

Kaya ‘wag nang ipagpabukas. Suriin na agad ang iyong presinto gamit ang opisyal na link ng COMELEC Precinct Finder dito 👉: https://precinctfinder.comelec.gov.ph

Handa na ba ang boto mo? Gawin nating panalo ang pagboto nang may direksyon at disiplina.

Maligayang Araw ng mga Ina, Nanay, Mommy, Mother,  at mga Ilaw ng Tahanan! 💐Ang mga nanay—sila rin ang unang g**o, unang...
10/05/2025

Maligayang Araw ng mga Ina, Nanay, Mommy, Mother, at mga Ilaw ng Tahanan! 💐

Ang mga nanay—sila rin ang unang g**o, unang tagapagtanggol, unang bumubuo ng ating pangarap. Kayo ang tunay na bayani ng bawat tahanan, ng bawat komunidad.

Ngayong Mother’s Day, alalahanin nating hindi lang sila dapat binibigyang pugay tuwing Mayo. Araw-araw, karapat-dapat silang pakinggan, mahalin, at ipaglaban.

Mula sa BTS Bayaning Tsuper Partylist, isang taos-pusong saludo sa lahat ng dakilang ina. 🫡

Isang Boto, Tungo sa Kongreso! 🙌🏻Hindi ito tungkol sa sikat, kundi sa may alam sa laban. 6️⃣6️⃣ BTS Bayaning Tsuper Part...
10/05/2025

Isang Boto, Tungo sa Kongreso! 🙌🏻

Hindi ito tungkol sa sikat, kundi sa may alam sa laban. 6️⃣6️⃣ BTS Bayaning Tsuper Partylist ang sandigan ng mga drayber, konduktor, dispatcher, operator, at bawat manggagawang umaasa sa gulong ng buhay.

Sa kongreso, kami ang magdadala ng tunay na boses ng transport sector—hindi lang para marinig, kundi para mabigyan ng konkretong solusyon ang mga problema sa kalsada, kabuhayan, at kaligtasan.

Tandaan: Isang Partylist lang ang puwedeng iboto.

Sama na sa Biyaheng Pag-asa. BTS Bayaning Tsuper Partylist, 6️⃣6️⃣ sa balota! 🗳️

Isang Mainit na Biyaheng Pag-asa sa CamSur! ☀️ 💙Maraming salamat sa mainit na pagtanggap ng Camarines Sur sa 6️⃣6️⃣ BTS ...
10/05/2025

Isang Mainit na Biyaheng Pag-asa sa CamSur! ☀️ 💙

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap ng Camarines Sur sa 6️⃣6️⃣ BTS Bayaning Tsuper Partylist kasama si Vice Mayor Nolan Rolando Luzano!

Ramdam namin ang tunay na malasakit at pagkakaisa ng mga Bicolano sa adbokasiyang magbigay ng ligtas, makatao, at abot-kayang transportasyon para sa lahat. Sa tulong ninyo, mararating natin ang kinabukasang walang naiiwan.

Tandaan: Isang Partylist lang ang puwedeng iboto.

Sama na sa Biyaheng Pag-asa. BTS Bayaning Tsuper Partylist, 6️⃣6️⃣ sa balota! 🗳️

Isang Boto, Isang Laban Para sa Motorcycle Taxi Drivers 🛵Hanggang ngayon, marami pa rin sa mga motorcycle taxi drivers a...
10/05/2025

Isang Boto, Isang Laban Para sa Motorcycle Taxi Drivers 🛵

Hanggang ngayon, marami pa rin sa mga motorcycle taxi drivers ang walang sapat na proteksyon sa batas, walang malinaw na benepisyo, at patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan. Sa kabila ng pagiging frontliner sa kalsada na araw-araw sumusuong sa init, ulan, at panganib para lang makapaghatid ng serbisyo.

Ang 6️⃣6️⃣ BTS Bayaning Tsuper Partylist ang boses ng mga rider na gustong mapakinggan. Base sa aming track record kami ng pakikibaka para sa transport sector, hindi lang kami nangangako dahil kasama niyo kaming lumalaban.

Tandaan: Isang Partylist lang ang puwedeng iboto.

Biyaheng Pag-asa, Sama na! Isang boto para sa BTS Bayaning Tsuper Partylist, 6️⃣6️⃣ sa balota! 🗳️

10/05/2025

ONE BANGSA MARANAO VOTE PARA SA 66 BTS BAYANING TSUPER PARTYLIST!💙☝🏻

Si Atty. Alex Abaton, ang ONE AND ONLY MARANAO 1ST NOMINEE, sa isang national partylist. Mula noon hanggang ngayon, siya ay naglilingkod bilang Maranao para sa mga Maranao!

Kaya sa nalalapit na halalan, ang pagboto sa 6️⃣6️⃣ BTS Bayaning Tsuper Partylist ang pinakamabisang paraan para maiparinig natin ang boses ng mga Maranao.

Tandaan: Isang Partylist lang ang puwedeng iboto.

Sama na sa Biyaheng Pag-asa. BTS Bayaning Tsuper Partylist, 6️⃣6️⃣ sa balota! 🗳️

Address

Barangay Kaunlaran
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BTS Bayaning Tsuper posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BTS Bayaning Tsuper:

Share