22/10/2025
π±βPeaceful Rally: Panawagan para sa pangangalaga ng kalikasan laban sa pagmimina at pagpapatupad ng 50 years mining moratorium.
Noong Setyembre 12, 2025, nagsama-sama ang iba't ibang sektor ng bayan ng Narraβmga magsasaka, katutubo, kababaihan, simbahan, senior citizens, at kabataanβupang ipahayag ang kanilang mariing pagtutol sa planong pag eksplora ng Redmont Mining Company. Sa pamamagitan ng isang Peaceful Rally at signature campaign, ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang pagtutol sa pagpasa ng ordinansa ng Sangguniang Bayan na nagbubukas sa pinto ng eksplorasyon sa kanilang bayan.
Mula Rizal Park patungong Legislative Office, pinangunahan ng kabataan ang martsa dala ang mga plakard at sigaw ng:
βKabataan ang pag-asa ng bayan! Anong sigaw ng kabataan? IPAMANA, HUWAG IPAMINA!β
Sa harap ng Legislative Office, nagsalita ang mga kinatawan ng bawat sektor upang ipanawagan ang 50 years mining moratorium at ang pangangalaga sa kalikasanβdahil alam nating lahat, kapag nasira ang kalikasan, kasama ring nawawala ang kabuhayan.
β Ipaglaban natin ang ating lupa, tubig, at kinabukasan! Suportahan ang panawagan para sa 50 taong moratorium sa pagmimina sa Narra!
π’ Ibahagi ang mensaheng ito. Makiisa. Magsalita. Kumilos para sa kalikasan!