02/07/2026
๐ข ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ
July 02, 2026
TEMPORARY SHIFT TO ASYNCHRONOUS LEARNING MODALITY FOR CLASSES HOUSED IN THE ABM BUILDING (TOWER C) AND HUMSS BUILDING (TOWER D)
Sa ating mga minamahal na magulang, mag-aaral, mga g**o, at iba pang stakeholders:
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng ating school safety and security measures, ang pamunuan ng Palawan National School ay magsasagawa ng preventive at precautionary engineering inspection sa ABM Building (Tower C) at HUMSS Building (Tower D) sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), City Engineering Office, at DepEd Engineering Section.
Layunin ng inspeksyong ito na masuri ang kondisyon ng mga gusali at matiyak na ligtas ang mga ito para sa patuloy na paggamit ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani. Ito ay bahagi ng ating mas pinaigting na programa sa kaligtasan kasunod ng isinagawang inspeksyon sa STEM Building.
Kaugnay nito, ipatutupad ang pansamantalang Asynchronous Learning Modality para sa lahat ng mga klaseng gumagamit ng ABM Building (Tower C) at HUMSS Building (Tower D), simula sa unang period ng hapon ng Hulyo 2, 2026 hanggang Hulyo 3, 2026 (Biyernes).
Sa panahong ito, ang mga g**o ay magbibigay ng angkop na learning activities at malinaw na mga tagubilin sa pamamagitan ng opisyal na communication platforms ng bawat klase upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Nais naming bigyang-diin na ang hakbang na ito ay isang preventive at precautionary safety measure lamang. Wala pong dapat ikabahala ang ating mga magulang at mag-aaral, sapagkat ang inspeksyong isinasagawa ay bahagi ng responsableng pamamahala ng paaralan upang matiyak na ang lahat ng ating mga gusali ay ligtas gamitin.
Ang Palawan National School ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), City Engineering Office, at DepEd Engineering Section upang matiyak na ang lahat ng pasilidad ng paaralan ay sumusunod sa mga kinakailangang pamantayan sa kaligtasan. Ang mga pansamantalang pagbabago sa learning modality ay bahagi ng ating proactive risk reduction measures at hindi dapat bigyang-kahulugan bilang indikasyon ng agarang panganib. Ang bawat hakbang na ginagawa ng paaralan ay nakabatay sa pag-iingat, pananagutan, at sa ating kolektibong layunin na mapanatiling ligtas ang bawat mag-aaral at kawani.
Ang anumang magiging desisyon ng paaralan ay ibabatay lamang sa opisyal na rekomendasyon ng mga kinauukulang engineering authorities at pakikipag-ugnayan sa DepEd Division Office.
Hinihiling din namin sa lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at iba pang paraan ng komunikasyon. Makikiusap po kami na huwag magpakalat o magbahagi ng mga hindi beripikado o hindi opisyal na impormasyon na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba o kalituhan sa ating komunidad. Inaanyayahan ang lahat na umasa lamang sa mga opisyal na advisory at anunsyo ng Palawan National School at ng DepEd Puerto Princesa City.
Sa ating mga magulang at mga tagapag-alaga, taos-puso po kaming humihiling ng inyong pang-unawa, kooperasyon, at aktibong paggabay sa inyong mga anak habang ipinatutupad ang asynchronous learning modality. Ang inyong pakikipagtulungan sa pagmomonitor ng kanilang pagdalo sa mga online communication platforms, pagsasagawa ng mga itinakdang learning activities, paggamit ng mga learning modules, at pagsunod sa mga tagubilin ng kanilang mga g**o ay mahalaga upang matiyak ang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng ating mga mag-aaral ay nananatiling pinakamataas na prayoridad ng Palawan National School. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, pagtutulungan, at pagtitiwala sa mga wastong proseso, patuloy nating mapananatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pagkatuto.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pag-unawa, at pakikiisa sa lahat ng hakbang na isinasagawa ng paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
JABEL ANTHONY NUรALA, PhD
School Principal IV
Palawan National School