09/04/2026
Pagpupugay sa mga Magigiting na Atleta ng Palawan
Mula sa Narra, Sofronio Española, Bataraza, at Puerto Princesa, animnapung (60) kabataang atletang Palaweño ang buong tapang na tatahak sa entablado ng South Luzon. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Team MIMAROPA ay sasabak sa PNVF-U18 South Luzon Qualifying, dala ang pangarap na maiangat ang antas ng volleyball sa Palawan at maipakita ang galing laban sa matitinding koponan mula sa CALABARZON at Bicol Region.
Patungo sila sa Batangas, bayan na pinagmulan ng isa sa mga haligi ng volleyball ng bansa, si Alyssa Valdez, hindi lamang para makipaglaban, kundi para patunayan na ang Palawan ay may kakayahan, determinasyon, at pusong hindi matitinag.
Sa kabila ng kakulangan sa suporta at hamon sa paghahanda, pinipili nilang lumaban nang taas-noo. Sapagkat ang tunay na kagitingan ay hindi nasusukat sa dami ng panalo, kundi sa tapang na humarap sa laban, sa dedikasyong ibigay ang lahat para sa bayan, at sa pusong hindi sumusuko kahit gaano kahirap ang daan.
Ikaw, para sa inyo, ano ang tunay na kahulugan ng kagitingan?