MENRO Pozorrubio

MENRO Pozorrubio Environmental Stewardship. Stakeholder Engagement. Community Development.

๐Ÿงนโ™ป๏ธ BARANGAY KALINISAN, TUNGO SA ISANG MALUSOG, LIGTAS, AT MATIWASAY NA PAMAYANAN โœจSa patuloy na implementasyon ng Baran...
05/10/2026

๐Ÿงนโ™ป๏ธ BARANGAY KALINISAN, TUNGO SA ISANG MALUSOG, LIGTAS, AT MATIWASAY NA PAMAYANAN โœจ

Sa patuloy na implementasyon ng Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa), nakilahok ang mga barangays ng Pozorrubio sa pangunguna ng mga Punong Barangays, miyembro ng Sanggunian, tauhan, at volunteers sa pagsasagawa ng lingguhang clean-up drive sa mga pampublikong lugar, lansangan, at katubigan sa komunidad.

Alinsunod ito sa DILG Memorandum Circular No. 2023-133 na naga-atas sa mga barangays na magsagawa ng lingguhang paglilinis sa kanilang nasasakupang lugar.

Inirerekomenda ang pagsasagawa ng clean-up tuwing araw ng Sabado upang mas mahikayat ang malawak na pakikilahok ng mga grupo at indibidwal na may malasakit sa kapaligiran.

Kaya't taos-pusong pasasalamat ang ipinaa-abot ng LGU-MENRO sa mga grupo at indibidwal sa pagpapanatiling maayos, masinop, at malinis ang ating bayan.

Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa mga paglilinis na inilulunsad sa inyong komunidad at makibahagi sa mga katulad na gawain dahil shared responsibility natin ang tamang pangangasiwa ng basura at pangangalaga sa kapaligiran.

๐˜œ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.โฃ
๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ!





๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข This Coral Bleaching Awareness Month, let us come together to raise awareness about coral bleaching, understand its c...
02/10/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข This Coral Bleaching Awareness Month, let us come together to raise awareness about coral bleaching, understand its causes, and learn how we can help protect our reefs from its devastating impacts. โ—โ—

๐Ÿงน๐Ÿ—‘๏ธ CASH FOR WORK, UMARANGKADA PARA SA PAGHAHANDA SA UNDAS 2026 ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ•Š๏ธSa pangunguna ng pamunuan ng Municipal Cemetery, mul...
02/10/2026

๐Ÿงน๐Ÿ—‘๏ธ CASH FOR WORK, UMARANGKADA PARA SA PAGHAHANDA SA UNDAS 2026 ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ•Š๏ธ

Sa pangunguna ng pamunuan ng Municipal Cemetery, muling minobilisa ang mga residente mula sa iba't ibang barangay upang makatulong sa pagsasa-ayos ng sementeryo sa Barangay Talogtog sa loob ng 15 araw.

Sumailalim sila sa oryentsyon mula sa tanggapan ng MENRO ukol sa angkop na pangongolekta ng basura at tamang paraan ng pagse-segregate ng mga ito upang ma-proseso at/o dalhin sa tamang tapunan.

Layunin ng taunang programa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng tanggapan ng MSWDO na ihanda ang nasabing pampublikong pasilidad sa pagdagsa ng mga Pozorrubians mula sa iba't ibang lugar sa kanilang pagbisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa tulong ng mga katulad na proyekto, nabibigyang-pagkakataon ang mga benepisyaryo na magkaroon ng dagdag-kita habang nakatutulong sa pagpapanatili na maayos, malinis, at komportable ang pagdiriwang ng Undas 2026 sa darating na Nobyembre.


02/10/2026
๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข Reuse is one of the simplest steps in the R hierarchy and an important part of circularity.  โ—โ—
01/10/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข Reuse is one of the simplest steps in the R hierarchy and an important part of circularity. โ—โ—

๐Ÿ›๏ธโ™ป๏ธ ECO-BAGS ATBP UPCYCLED PRODUCTS, TAMPOK SA TIENDA TI UMILI SA SELEBRASYON NG WORLD TOURISM MONTH 2026 ๐ŸŒโœจAktibong na...
01/10/2026

๐Ÿ›๏ธโ™ป๏ธ ECO-BAGS ATBP UPCYCLED PRODUCTS, TAMPOK SA TIENDA TI UMILI SA SELEBRASYON NG WORLD TOURISM MONTH 2026 ๐ŸŒโœจ

Aktibong nakikiisa ang MENRO Pozorrubio at Barangay Palacpalac sa TIENDA TI UMILI 2026 na inorganisa ng Pozorrubio Tourism Operations Office bilang pagdiriwang ng 2026 National Tourism Month.

Sa pamamagitan ng pagdi-display ng eco-bags atbp makakalikasang produkto gaya ng rugs, keychain, floral pens, naipakita ang pagiging malikhain ng mga waste workers habang isinusulong ang responsableng pagkonsumo, pagbabawas ng basura, at sustenableng pamumuhay.

Bahagi ang programa ng pagpapalakas ng kakayahan ng sektor ng waste workers sa Pozorrubio upang mapangasiwaaan ng maayos ang basura habang lumilikha ng mga produktong maaring pagmulan ng dagdag-kita.

Sa pagsusulong ng mga katulad na proyekto na nangangalaga sa kalikasan at nagpapataas sa kamalayan ng lahat ng miyembro ng komunidad, matitiyak na maayos, sapat, at sustenable ang ating likas-yaman para sa hinaharap.



01/10/2026
29/09/2026
28/09/2026

Address

Pozorrubio

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO Pozorrubio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share