05/04/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐
Sa katahimikan ng gabi, sa pagitan ng patak ng ulan at lagitik ng bubong,
May bumubulong sa alaalaโhindi boses, kundi tanong.
"๐๐๐๐ง๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐ โฆ?"
Simula't sapul, hindi ito nawala. Parang awit na paulit-ulit,
isang kantang hindi mo sinadya pero kabisado ng puso.
Multo.
Hindi yaong may duguang mukha o puting damit.
Kundi bersyon ng isang taong matagal nang patayโ
Ngunit buhรกy pa rin sa alaala mong binuburaโt binabalikan.
Hindi katawan ang nagmumulto, kundi posibilidad.
โYung mga "๐ฌ๐๐ง๐", "๐๐๐ฉ๐๐ญ", "๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ค๐๐ฅ๐ข",
na tila bang tinanim sa dibdib mo at pinabayaan nang tumubo.
Araw-araw mo silang nililibing sa dasal,
ngunit gabi-gabi rin silang bumabangon sa tanong:
โ๐๐ง๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ง๐๐ ๐๐๐ ๐จ?โ
โ๐๐๐๐ง๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐?โ
โ๐๐๐ค๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฒ๐ ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐?โ
At ikaw, kahit ayaw mo na, sumasagot pa rin.
Nagpapaliwanag sa kawalan.
Dahil ang pinakamasakit na multo
ay โyung mga hindi mo napatunayan.
Mga salitang hindi mo naibulong.
Mga yakap na hindi naibigay.
Mga bersyon nila na hindi mo na makikilala.
Habambuhay kang magluluksa.
Hindi sa taong nawalaโkundi sa taong puwedeng naging sila,
kung hindi langโฆ kung sana langโฆ
At sa bawat paghinga,
dalรก mo ang bigat ng isang alaala
na hindi na dapat pinagsisihan,
pero hindi mo rin kayang pakawalan.
Ito ang kalbaryo ng mga naiwan.
Ito ang penitensya ng mga nananatili.
Ito ang pagsambit ng mga tanong sa hangin
na alam mong hindi kailanman masasagot.
At sa dulo, ang tanging sagot ay ikaw na lang din:
Isang taong minumulto ng bersyon
ng pag-ibig na hindi nabuhay.
Akda ni ๐๐บ๐ณ๐ช๐ญ ๐๐ฆ ๐๐ข๐ด๐ต๐ณ๐ฐ