24/07/2025
SIGNAL NO. 2, ITINAAS NA SA 19 BAYAN SA CAGAYAN DAHIL SA BAGYONG EMONG
Nadagdagan ang mga bayan na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa probinsiya ng Cagayan dahil sa bagyong “Emong”.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa mga bayan na may nakataas na signal no. 2 ay ang Rizal, Sta Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Buguey, Sta Teresita, Sta Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Lasam, Santo Niño, Piat, Tuao maging ang Babuyan Islands.
Huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 220km kanlurang timog-kanluran ng Bacnotan, La Union o 210 km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay pa rin ng bagyong “Emong” ang lakas ng hangin na 120km/h malapit sa gitna na may pagbugso na 150km/h at mabagal na kumikilos patimog timog-silangan.
Nakataas din ang signal no. 3 sa hilagang bahagi ng Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani),kanlurang bahagi ng La Union (Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, City of San Fernando, Bauang, Caba, Bangar), at timog-kanlurang bahagi ng Ilocos Sur (San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin).
Ang natitirang bahagi ng probinsiya ng Cagayan ay nakataas sa signal no. 1.
Kaugnay rito, patuloy na pinag-iingat ng naturang tanggapan ang publiko sa malakas na ulan na dala ng bagyo dahil posible itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, asahan umano na mamayang hapon ay lalabas na ng PAR ang bagyong “Dante” habang ang isang bagyo na nasa labas ng PAR ay hindi makaaapekto sa anumang parte ng bansa dahil maliit ang tsansang pumasok ito ng PAR. (Digna Bingayen)