01/05/2025
๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ, ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ป๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป! ๐ต๐ญ
Ngayong ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐จ๐ป๐ผ, ating ginugunita ang mga manggagawang Pilipino โ hindi bilang mga tauhang nabubura sa likod ng uniporme at alikabok, kundi bilang mga haliging tahimik na bumubuo sa kabuuan ng ating lipunan. Sila ang mga kamay na humubog sa mga gusali, ang mga paa na naglakad nang malayo para sa kinabukasan, at ang mga balikat na araw-araw sinasalalayang bigat ng bayan. Sa bawat paglalatag ng yero, pagtuturo sa silid, paglilinis ng kalsada, paglilingkod sa ospital, paglilinang ng lupa ng mangingisda, at sa bawat pagsagip ng ani sa mga magsasaka, may kasamang dangal at pananampalataya โ na kahit kapalit ay pagod at minsan ay kakulangan, pinipili pa rin ang tumindig at magpatuloy. ๐โ
Hindi madalas naririnig ang kanilang hinaing, at sa maraming pagkakataon, ang kanilang pagsisikap ay natatabunan ng pansamantalang sigawan ng mundo. Ngunit kung titingnan nang mas malalim, ang bawat tagumpay ng bansa โ mula sa umuunlad na kabuhayan hanggang sa maayos na serbisyo โ ay bunga ng kanilang di-matatawarang sakripisyo. Ang manggagawa ay hindi lamang kasangkapan ng produksyon; sila mismo ang pundasyon ng pag-unlad. Sa kabila ng mababang sahod, kakulangan sa benepisyo, at hindi pantay na pagtrato, sila'y nananatiling matatag, tila punong may ugat na malalim at matibay, na kahit binabagyo ng pang-araw-araw na hamon, ay patuloy na nagbibigay lilim sa iba. ๐ค
๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ, ikaw ang hindi kayang palitan ng makina, dahil kahit ilang ulit pa ng modernong teknolohiya, hindi nila kayang gayahin ang init ng iyong loob, ang bigat ng iyong sakripisyo, at ang lalim ng iyong pagmamalasakit. Kaya sa araw na ito, at sana sa mga susunod pang araw, marinig mo man o hindi, nawa'y maramdaman mo: ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ. ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ. ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐๐ป๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ธ๐ฎ. ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐บ๐ถ๐ถ๐ธ๐ผ๐, ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐งโ๐ผ
Caption Authored by:
โข Jhonel Virtudazo (LINK PRESIDENT)
Publication Material Edited by:
โข John Nathan Andres (LINK P.I.O)
โข Jhas Depaz (LINK SMIC)