Masipag Luzon

Masipag Luzon MASIPAG (Magsasaka at Siyentipiko Para sa Pag-unlad ng Agrikultura) Luzon Office For MASIPAG, rice is life.

In 1980s, the glaring spread of rural poverty in the Philippines prompted NGOs and a group of progressive scientists to initiate nationwide consultations with farmers to determine the impact of HYV on small farmers and other issues related to the rice industry. With the involvement of other farmer support groups, these series of consultations culminated to a national convention in mid-1985 dubbed

“BIGAS Conference” or Bahanggunian Hinggil sa Isyu ng Bigas. Here, MASIPAG was born and its first project was born primarily to break the control of local as well as multinational fertilizer and pesticide companies, multi-lateral rice research institutes and distribution cartels over the rice industry. Over the last 17 years, MASIPAG has been at the forefront of development struggles in the Philippines pursuing, among other things, a holistic approach to development, community empowerment, and people’s control over agricultural biodiversity as a contribution in the over-all effort of improving the quality of life of small farmers.

FARMWORKER APPRECIATION DAY | AUG 6, 2026Ngayong araw, pasalamatan at pagpugayan natin ang mga Manggagawang Bukid at Mag...
06/08/2026

FARMWORKER APPRECIATION DAY | AUG 6, 2026

Ngayong araw, pasalamatan at pagpugayan natin ang mga Manggagawang Bukid at Magsasaka.

Sila ang lumilikha ng pagkain at yaman ng bansa. Kilalanin natin ang kabayanihan at suportahan ang pag angat ng antas ng kanilang pamumuhay ng may dignidad at hustisya.

Saludo Kami sa mga Manggagawang Bukid at Magsasaka!

"Across Panay, MASIPAG works with farmers to conserve traditional seeds, maintain living seed banks and develop diversif...
03/08/2026

"Across Panay, MASIPAG works with farmers to conserve traditional seeds, maintain living seed banks and develop diversified farming systems that are better able to withstand climate shocks."

From Indigenous embroidery to community murals and heirloom seeds, artists and cultural workers in UNESCO Creative City Iloilo are stitching tradition into climate resilience.

PAMBIHIRANG TAGUMPAY: PLANONG PAGBUBUO NG KOMITE NG KABATAAN SA SAMAHAN NG AMOFA MATAGUMPAY NA NAISAKATUPARANJuly 18, 20...
22/07/2026

PAMBIHIRANG TAGUMPAY: PLANONG PAGBUBUO NG KOMITE NG KABATAAN SA SAMAHAN NG AMOFA MATAGUMPAY NA NAISAKATUPARAN
July 18, 2026 / Limay, Bataan

Maagang gumising si John Vincent Alaviad, anak ng magsasakang si Lorena na kasapi ng samahang AMOFA o Ariada Masipag Organic farmers Association. Plano nyang makipag laro sa mga kaibigan sa bukid subalit bago pa man sya makaalis ng bahay ay ipinaalala sa kanya ng kanyang Ina na sya ay dadalo sa isang aktibidad na palihan at oryentasyon sa Kabataan at Likas Kayang Pagsasaka na inorganisa ng AMOFA at PCB BATAAN na isang aktibidad para sa mga Kabataan. Aantala ang plano ni John Vincent noong araw na iyon bagkus tumalima na lamang sya sa utos ng kanyang Ina.

Bagamat bantulot si John Vincent noong araw na iyon matama naman syang nakikinig sa kwento ni Ka Larry Diego, lider magsasaka ng AMOFA para kay John Vincent may isang salitang binitawan si Ka Larry na lubhang tumatak sa kanya “Kailangang nang mga susunod na lider magsasaka dito sa ating Barangay dahil unti unti nang nawawala ang mga magsasakang matatanda at sa inyo iyon magmumula pero magtutulong tulong tayo para dumami pa kayo na magtitiyak na magpapatuloy ng pagsasaka sa ating Barangay”

Ang pagsasaka ay nananatiling puso ng ating ekonomiya at pinagkukunan ng pagkain ng bansa at ng malaking bahagi ng empleyo ng mga Pilipino ay dito din nakasalalay, ngunit ito ay nahaharap sa matinding pagsubok. Patuloy na bumababa ang bilang ng mga magsasaka—ang karamihan ay nasa edad na 50 pataas—habang maraming kabataan ang tumitingin dito bilang isang marumi, mahirap, at hindi kumikitang gawain. Sa gitna ng ganitong nakakalungkot na kalagayan, ang kabataan ang pinakamahalagang susi upang isulong ang Agrikultura at pagsasaka sa puntong ito hangari ng MASIPAG na hikayatin pa ang mga kabataang tahakin ang pagsasaka subalit sa linya ng likas kayang pagsasaka at bigyan ng bagong buhay ang sektor.

Ang likas kayang pagsasaka ay nakatuon sa paggamit ng mga pamamaraan na nag-iingat sa lupa, tubig, at kalikasan habang tinitiyak ang sapat na ani para sa kasalukuyan at hinaharap. Dito pumapasok ang lakas ng kabataan: mayroon silang kakayahang matuto ng mga makabagong teknolohiya, mag-isip ng mga bagong solusyon, at magbukas ng mga daan tulad ng direktang pagbebenta sa mga mamimili o paggamit ng social media para ipakilala ang mga lokal na produkto. Mas bukas din sila sa mga pamamaraang hindi nakakasira sa kalikasan, na siyang pundasyon ng likas kayang pag-unlad.

Ngunit hindi sapat ang pag-asa lamang sa kanilang likas na kakayahan. Kailangan ng tuloy-tuloy na pagmumulat sa mga kabataan sa kanayunan. Dapat ituro sa mga paaralan ang tunay na halaga ng pagsasaka—hindi lamang bilang trabaho kundi bilang isang marangal na propesyon na may malaking ambag sa bayan. Kailangan din nilang ipakita ang mga tagumpay ng mga batang magsasaka, at bigyan sila ng kaalaman tungkol sa mga benepisyo at pagkakataong dulot ng likas kayang pagsasaka. Kapag naintindihan nila na ang pagsasaka ay maaaring maging matagumpay at may saysay, mas lalo silang magkakaroon ng interes na manatili sa kanayunan at magtanim --Magtanim ng PAGASA.

Ang pag-iwan sa sektor ng pagsasaka ay nangangahulugan din ng pag-iwan sa ating kinabukasan. Pagiwan sa mga Kabataan. Kung aalagaan at bibigyan ng pagkakataon ang kabataan, sila ang magiging tagapagtanggol ng ating likas na yaman at magdadala ng katatagan sa ating suplay ng pagkain. Sa pamamagitan ng pagmumulat at pagsuporta sa kanila, hindi lamang natin ililigtas ang pagsasaka—binibigyan din natin ng mas maliwanag na kinabukasan ang ating kanayunan at ang buong bansa.

Subalit higit sa sino man, kailangang totoong magmalasakit ang Pamahalaan sa sektor, totoong suportahan ang mga magsasaka at kabataan, kung walang sariling lupag sasakahin paano maipagtatagumpay ang mga makikinang na hangarin para sa Likas Kayang Pagsasaka. Paano magkaka interes magpatuloy sina John Vincent kung ang presyo ng kanilang mga produkto ay binabarat lamang ng walang dignidad na presyo.

Hindi sapat ang isinagawang Youth Orientation at Farm Tour ng AMOFA para sa mga kagaya ni John Vincent na makumbinsi na suportahan at tahakin ang pagsasaka. Kailangan nilang maorganisa at mapakilos. Nagkaisa ang mga kabataan ng Ariada na aktibong makilahok sa gawain ng samahan ng kanilang mga magulang kaya naman agad nilang pinlano ang pagbubuo ng komite sa Kabataan ng AMOFA upang maging kabahagi ng pagpapaunlad ng kaalaman at karungungan ng mga kabataan para sa Likas Kayang Pagunlad sa kanayunan. Sa dulo ng palihan at sa pagbabahagi ng mga kaisipan mula sa mga natutunan, klarong sinambit ni John Vincent ang katagang “ Ngayon naiintindihan ko na po kung bakit binuo nila Nanay ang AMOFA at ano ang saysay o halaga ng programa ng MASIPAG para sa mga kagaya namin.


Youth

BAYANIHANG MULA AT PARA SA MAGSASAKA - Ika-23 Asembliya ng Luzon, matagumpay na nairaos! Masayang nagsama-sama at ipinag...
14/07/2026

BAYANIHANG MULA AT PARA SA MAGSASAKA - Ika-23 Asembliya ng Luzon, matagumpay na nairaos!

Masayang nagsama-sama at ipinagdiwang ang bayanihan ng mga magsasaka mula sa iba’-ibang cluster ng MASIPAG Luzon noong nakaraang ika-8 hanggang 9 ng Hulyo, 2026 para sa ika-23 na Asembliya ng rehiyon na ginanap sa Back Up Farm sa Rajal Centro, Sta. Rosa, Nueva Ecija. Ngayong taon, ang tema ng asembliya ay patatagin ang Bayanihan, upang maging Sandigan ng likas-kayang pagsasaka. sa Pagkamit ng Soberanya sa Pagkain at Pag-giit ng Karapatan sa Lupa, Binhi at Angkop na Teknolohiya.

Bayanihan, buhay na praktika ng pagkakaisa

Bago pa man dumating ang lahat ng deligado ay nagsagawa na ng pagbabayanihan sa palayan sa back up kasama ang mga magsasaka at kawani ng Masipag. Naging sentro ng kwentuhan kung paano ang tunay na anyo ng tulungan sa mga komunidad na naka-sentro sa damayan at kalinga sa bawat magsasakang nangangailangan ng suporta.

Sa unang araw ng asembliya ay inilahad ng bawat cluster ang kalagayan sa kanilang mga komunidad, higit ang mga sagka na humahadlang sa pag-unlad ng likas-kayang pagsasaka. Sinumada naman ito ni Ka Paeng Mariano, Emeritus Chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas kung saan binigyan diin niya ang tumitinding land grabbing hindi lang sa mga magsasaka, kundi maging sa mga katutubo, upang bigyang daan ang mga proyekto katulad ng Pax Silica, mga solar factories at on and offshore windmills. Ang mga proyektong ito ay higit pang nagpapaliit sa lupang sakahan at higit na nagpapababa sa kakayahang makalikha ng sariling pagkain ang bansa.

Sa kabila ng mga hamon, patuloy pa rin ang mga samahan ng magsasaka sa kanilang praktika ng likas kayang pagsasaka at pagbabayanihan. Patunay dito ang mga kwento ng pagtutulungan na ibinahagi mula sa karanasan ng buong network. Iba-iba man ang anyo nito, malinaw ang hangaring isabuhay ang tunay na diwa ng bayanihan mula sa salitang ugat nitong bayani at pamayanan. Ang bawat cluster ng MIMAROPA, CALABARZON, BICOL, Central Luzon at Pangasinan at Northern Luzon ay nagbahagi din ng mga karanasan ng bayanihan at ang bawat kwento ng bayanihan ay kwento ng pag-asa sa pagpapatuloy ng misyon ng Masipag na pataasin ang antas ng buhay ng maliliit at maralitang magsasaka.

Binhi, simbulo ng buhay at pamana ng lahi

Sa bawat asembliya sa Masipag, isa nang tradisyon ang pagpapalitan ng mga binhi. Bukod sa pagpapanatili ng buhay na tradisyon, napapanatili din ng praktikang ito ang pamanang lahi at pinalahing butil ng mga magsasaka sa loob ng maraming dekada. Ang mga binhing ibinahagi sa asembliya ay inihalintulad din sa mga buhay ng mga magsasakang nagpaalam na. Tulad ng bawat binhing kanyang itinanim, hindi lamang sa bukirin kundi maging sa puso ng mga taong kanyang minahal - ay patuloy na uusbong at mamumunga. Ang kanyang mga aral, kabutihan, at sakripisyo ay magiging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon at ang mga binhing ibinahagi ng bawat magsasaka ay paalala na ang bawat mabuting gawa ay may bungang hindi nalalanta, at ang alaala ng isang marangal na magsasaka ay mananatiling buhay magpakailanman, katulad ng mga binhing itatanim ng paulit-ulit sa bawat sakahan ng mga magsasakang nagpapanatili nito.

Pagpapatatag at pagpapalapad pang-organisasyon

Ang bawat asembliya ay okasyon din ng pagkilala sa paglapad at pagiging matatag ng network. Dito ay kinikilala ang mga bagong miyembrong samahan, NGO at siyentista, gayundin ang bagong PCB. Nagbalik tanaw din ang bawat isa sa mga kaisahan at batayang batas ng network at kung paano pa ito mas magiging matatag at maging sandigan ng mga magsasaka sa kanilang gawain at pagpapatuloy.

Sa asembliyang ito ay nagkaroon ng pag-endorso sa mga bagong kinatawan ng bawat cluster sa pamunuan ng Masipag Luzon. Ang mga lider magsasakang nasa pamunuan ay may malawak na karanasan hindi lamang sa likas kayang pagsasaka, kundi maging sa pamumuno at pamamahala ng samahan.

Natapos ang asembliya sa panunumpa ng mga lider magsasaka na pinangunahan ni Leody Velayo, Chairman of the Board of Trustees kasama ang mga miyembro ng BOT mula Luzon, mga nahalal sa Regional Management Team at mga magsasakang dumalo. Muling binalikan ang mga karapatan ng mga magsasaka at paninidigan sa pagsusulong ng mga karapatang ito sa lahat ng antas at larangan, higit sa harap ng mga hamon at sagka.

Sa huli, malinaw ang mensahe ng asembliya, palakasin ang bayanihang mula at para sa magsasaka, magsilbi itong sandigan ng likas-kayang pagsasaka sa pagkamit ng soberanya sa pagkain at pag-giit ng karapatan sa lupa, binhi at angkop na teknolohiya. #

NAGAGANAPOpisyal nang nagsimula ang programa ng ika 23 taong selebrasyon ng MASIPAg Luzon regional Assembly na may teman...
08/07/2026

NAGAGANAP

Opisyal nang nagsimula ang programa ng ika 23 taong selebrasyon ng MASIPAg Luzon regional Assembly na may temang "BAYANIHANG MULA AT PARA SA MAGSASAKA: Sandigan ng Likas-Kayang Pagsasaka sa Pagkamit ng Soberanya sa Pagkain at Pag-giit ng Karapatan sa Lupa, Binhi at Angkop na Teknolohiya"

NAGAGANAP1 araw bago ang pagsisimula ng ika 23-Taong selebrasyon ng MASIPAG Luzon Regional Assembly lumahok ang mga kawa...
06/07/2026

NAGAGANAP

1 araw bago ang pagsisimula ng ika 23-Taong selebrasyon ng MASIPAG Luzon Regional Assembly lumahok ang mga kawani at magsasakang MASIPAG ng Luzon sa pagtatanim ng palay.

Simbolo ng pag BABAYANIHAN bilang sentrong tema ng okasyon,

Assembly

2 Tulog na lang!Arat na sa MASIPAG Luzon 23rd Regional AssemblyJuly 8-9, 2026 Nueva Ecija
06/07/2026

2 Tulog na lang!
Arat na sa MASIPAG Luzon 23rd Regional Assembly
July 8-9, 2026 Nueva Ecija

26/06/2026

𝗞𝗘𝗘𝗣 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢 𝗚𝗠𝗢-𝗙𝗥𝗘𝗘: The Triple Planetary Crisis Calls for Farmer-Led Agroecology, Not Corporate-Controlled GM Technologies

Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura (MASIPAG), together with farmers' organizations, environmental advocates, scientists, consumers, and faith-based groups, expresses grave concern over the ongoing review of Oriental Mindoro's long-standing ban on genetically modified organisms (GMOs).

Recent consultations facilitated by the Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) and the Provincial Agriculture Office have raised serious concerns that the province's existing GMO safeguards may be amended, weakened, or repealed. Yet despite the significance of these discussions for farmers, consumers, indigenous peoples, and local communities, no draft ordinance, committee report, technical assessment, or policy proposal has been made publicly available. The people of Oriental Mindoro have the right to know what changes are being proposed, what scientific and policy evidence is being used to justify them, and who stands to benefit from these changes.

The developments in Oriental Mindoro should not be viewed in isolation. They form part of an emerging national pattern in which local GMO safeguards, painstakingly established through democratic consultation, environmental precaution, and the exercise of local autonomy, are increasingly being challenged. Similar efforts have surfaced in Negros Occidental and other local governments that have historically exercised their authority to regulate or prohibit genetically modified crops.

This trend is particularly troubling because it unfolds while serious scientific, legal, and governance concerns surrounding the country's GMO regulatory system remain unresolved.

In 2024, the Court of Appeals granted the Writ of Kalikasan and Writ of Continuing Mandamus in the cases involving Golden Rice and Bt Eggplant. The Court found significant deficiencies in government biosafety risk assessment, environmental monitoring, and regulatory oversight, and directed concerned agencies to strengthen these mechanisms. More importantly, the ruling reaffirmed the precautionary principle as a guiding framework whenever scientific uncertainties persist regarding potentially serious or irreversible environmental harm.
Instead of first addressing these deficiencies and strengthening biosafety governance, policy discussions appear increasingly focused on dismantling local safeguards. This raises a fundamental question: Why are local governments being encouraged to open their territories to GMO cultivation when concerns over risk assessment, monitoring, contamination, accountability, and long-term ecological impacts have yet to be fully resolved?

Oriental Mindoro's GMO ban was not adopted arbitrarily. It emerged through years of public consultation and reflected the province's commitment to protecting biodiversity, ecological agriculture, local seed systems, public welfare, and the right of communities to determine the future of their own food and farming systems. These commitments have since been reinforced through the province's broader environmental policies and regulatory framework.

MASIPAG likewise condemns the continued promotion of genetically modified crops by SEARCA and other biotechnology proponents as a supposed pathway toward sustainable agriculture. Such a narrative ignores the growing convergence of global scientific and policy discussions recognizing agroecology and organic agriculture as among the most effective responses to the triple planetary crisis of climate change, biodiversity loss, and pollution.

The urgency of this transition is even greater for the Philippines. The incoming Super El Niño will definitely expose the country's profound vulnerability to prolonged drought, crop losses, water scarcity, and worsening food insecurity. Rather than increasing dependence on proprietary GMO seeds and external chemical inputs, public institutions should be investing in farming systems that enhance ecological resilience through farmer-led agroecology, biodiversity conservation, local seed systems, climate adaptation, and farmer innovation.

Equally concerning are recurring claims that Bt corn should be promoted because it supposedly reduces pesticide use. Such claims no longer reflect the actual trajectory of GMO corn cultivation in the Philippines.

Data from the Bureau of Plant Industry show that insect-resistant (Bt-only) corn varieties had virtually disappeared from commercial planting, while herbicide-tolerant-only varieties had likewise ceased commercial adoption by 2020. The Philippine GMO corn sector is now overwhelmingly dominated by stacked-trait varieties that combine insect-resistant (Bt) and herbicide-tolerant (HT) characteristics. Framing GMO corn primarily as a pesticide-reduction technology therefore obscures the central role played by herbicide-tolerant traits and the chemical weed-management systems that accompany them. The discussion can no longer be confined to reductions in insecticide use; it must also confront growing concerns over herbicide dependence, resistant weeds and pests, biodiversity decline, monoculture expansion, and the increasing concentration of corporate control over seeds and agricultural production.

Farmers, consumers, scientists, indigenous peoples, local governments, and civil society organizations deserve meaningful participation in determining the future of agricultural policy. Such participation is impossible without complete transparency and unrestricted public access to all documents related to the ongoing review.

MASIPAG therefore reiterates its demand for the immediate release of all documents, technical assessments, committee reports, and policy proposals related to the review of Oriental Mindoro's GMO ordinance. We likewise call upon provincial officials to uphold the principles of transparency, precaution, democratic participation, local autonomy, and environmental accountability.

As the triple planetary crisis intensifies and climate extremes such as the recent Super El Niño become more frequent, the future of Philippine agriculture will not be secured through the further expansion of corporate-controlled GM technologies. It will be secured by strengthening farmer-led agroecology, biodiversity conservation, local seed systems, climate resilience, and food sovereignty.

24/06/2026

Address

Pasig
3101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Masipag Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Masipag Luzon:

Shortcuts

Share